Chapter 26

210 13 0
                                    

Chapter 26

Third Person's P.O.V.

Halos tambak ng mga folders ang office table ni Joseph dahil sa mga listahan ng kanyang tauhan sa vampire hunters society. Halos ilang libo ang tauhan niya sa iba't-ibang panig ng mundo pero nangongonti na ang mga tauhan niya sa Pilipinas dahil sa mga bad blood vampires na pinapatay ang mga tauhan niya.

"Sir."

Napaangat ng tingin si Joseph ng narinig niya ang katok at pagtawag ng pangalan niya. Napaayos siya ng upo sa kanyang swivel chair at pinagsiklop ang kanyang palad.

"Come in." tugon niya rito.

Bumukas ang pinto at pumasok ang assistant niya. Napahilot na lang siya ng sintido ng nakita niya na may dala-dala itong folders.

"What's that?" tanong niya.

"Nakalista sa loob ng folders ang information ng mga tauhan sa ibang bansa. Binigay sa akin ito ng head mula sa Asya." sagot ng kanyang assistant.

"Oh. Fvck." mahinang sambit niya. Napabuntong-hininga siya at tumango sa kanyang assistant. "Pakilagay na lang d'yan." utos niya rito.

"Saan po?" tanong ng assistant dahil wala ng paglalagyan ang folders na dala nito dahil puno na ang kanyang mesa.

"Sa kabilang mesa." sagot niya.

Nilagay ng assistant ang folders sa kabilang mesa niya. Umayos ito ng tayo at nag-bow sa harap niya saka ito umalis sa kanyang opisina.

Muli ay bumuntong-hininga na naman si Joseph at binasa ang mga folders na nakatambak sa kanyang mesa. He needs to finish this in just 5 days.

Pagod na siya. Namumungay na ang mga mata niya at malaki na ang eyebags dahil kulang sa tulog. Namayat na rin siya dahil nalilipasan ng gutom dahil sa kanyang ginagawa. Halos hindi na siya lumalabas ng opisina niya sa kanyang bahay dahil hindi niya kayang iwanan ang gawain niya.

He needs to break but he can't do that because he have a lot of things to do.

Sa bawat araw ay nababawasan ang mga tauhan niya. Madami siyang inaasikaso lalo na sa mga taong naiwanan ng mga namatayan. Kailangan niya bigyan ng mga kailangan ang mga ito. Oo, mabibigyan niya 'yon dahil isa siyang multi-billionaire sa buong mundo at parang barya lang sa kanya ang milyon kaya hindi niya iniisip ang pera.

Iniisip niya ang mga taong namamatay dahil sa pakikipaglaban sa mga masasamang bampira. Nanlulumo siya kapag nalalaman niya na may namamatay ang mga ito.

They're willing to sacrifice themselves just to protect the people in the world.

Kung nasagot nila 'yon ay ang kapalit no'n ay buhay nila kaya kailangan nila pag-isipan mabuti ang desisyon nila. Dahil hindi pangkaraniwan ang mga bampirang kinakalaban nila ngayon.

Mga makakapangyarihan ang mga ito. Malalakas. Mga immortal at hindi basta basta ito matatalo.

Napatigil sa pagbabasa ng impormasyon si Joseph ng may naramdaman siyang presensya sa harap niya. Mahinahon niyang niligpit ang mga folders at tiningnan kung sino ang nasa harap niya.

"Planning to protect the people here?"

"What are you doing here, Kyline?" mahinahong tanong niya rito.

Dahan-dahang lumapit ito sa kanya at napapikit siya ng naramdaman niya ang kamay nito na humahagod sa kanyang balikat. Pataas pababa.

"I already told you what's the reason why I am here." bulong nito sa kanyang tainga at naramdaman niya ang matutulis nitong pangil na sinadyang iparamdam sa kanya.

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon