Chapter 2

884 39 4
                                    

Chapter 2

Jaime Grace Cortez

"Welcome to Coldwell Academy!"

Napalingon ako sa gilid at may nakita akong babae na naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko. Nakangiti siya at makikita ko talaga na sobrang ganda niya. Alagang-alaga ang sarili?

"Ma'am Serides." biglang yumuko 'yong driver na nagsundo sa akin.

So siya pala ang dean ng eskwelahan na 'to?

"Masaya ako na nandito ka sa eskwelahan." ngumiti siya sa akin. "Pag-uusapan natin ang dapat sa pag-usapan sa aking opisina." nauna siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sobrang ganda ng eskwelahan pero still creepy pa rin ito, sa paningin ko. Maganda nga pero nakakaramdam ako ng creepy.

At ang mas nakakapagtaka ay kung bakit walang mga estudyante na gumagala.

"Kapag oras ng klase ay lahat ng mga estudyante ay nasa loob ng kanilang silid-aralan." parang nabasa ng dean ang nasa isip ko. "Strikto ako pagdating sa oras ng klase."

Pumasok kaming dalawa sa parang bahay at nang pagkapasok ko ay bumungad sa amin ang napakagandang opisina.  Ito ang dean's office? Wow.

Sinenyasan niya akong umupo kaya agad ko siyang sinunod.

"Oh. I like your necklace." nakangiting puri niya habang nakatingin sa necklace ko. Hinawakan ko ang necklace at marahang hinaplos. "Sino nagbigay sayo n'yan?" nakangiting tanong niya.

"Sa Dad ko po." magalang na sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"Welcome again sa Coldwell Academy at masaya ako na makita ka dito." panimula niya. "Alam kong nagtataka ka sa nabasa mong mensahe galing sa akin pero lahat ng nabasa mo doon ay totoo. Libre lahat ang mga nandito, pagkain, grocery, uniforms, school supplies at iba pa. Wala kang ilalabas ng pera dahil kami ang mismong magbabayad no'n para sayo." ngumiti siya sa akin.

"Nasaan ang requirements mo?" tanong niya.

Kinuha ko mula sa aking mini backpack ang aking requirements at binigay sa kanya. Binuksan niya 'yon at sinuri.

"Halos 20 plus ang napasukan mong eskwelahan pero drop-out ka agad dahil sa pakikipag-away mo sa mga estudyante doon. Kaya mas pinili ng mga magulang mo na home school ka pero dahil gusto nila maging social ka, naghanap pa rin sila ng eskwelahan na papasukan mo kahit 4th year college." ibinaba niya ang requirements na hawak niya. "Wala naman kaso sa akin ang pagiging drop out mo noon pero sana ngayon ay mag-aral kana ng mabuti at huwag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira ng reputasyon mo sa eskwelahan. Nandito ako para tulungan kang magbago at makapagtapos ng pag-aaral kung papayag ka?"

Napaisip ako. Nandito ako sa harap ng isang dean at mabuting loob siya ngayon na tutulungan ako na makapagtapos sa pag-aaral.

Tipid akong ngumiti at tumango ako. "Yes. Papayag ako."

"Well that's good to know." tumayo siya at nilahad ang kamay niya sa akin. "By the way, my name is Kyline Serides, ang dean ng Coldwell Academy." pagpapakilala niya.

"Jaime Cortez." tumayo rin ako at tinanggap ang kanyang kamay.

Halos muntik na akong mapasigaw ng may naramdaman akong init sa kamay naming dalawa. Mabilis kong tinanggal ang aking kamay at tiningnan 'yon. What the hell is that?

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon