Chapter 18
Beatrice Dantes
"Grace?" katok ako ng katok sa kanyang pinto pero wala akong marinig na ingay o ang pagbukas ng pinto.
"Where's the spare key?" tanong ko kay Portia.
"Here." mabilis kong kinuha ang susi sa kanya at binuksan ang pinto ng kwarto ni Grace.
"Gra---" pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko nakita si Grace sa loob. Wala siya?
Saan siya pumunta?
Tiningnan ko ang wall clock sa dingding ng kanyang kwarto. It's already 4 am. Ilang minuto lang kami naghiwalay pero saan siya pumunta?
Napahilamos ako ng mukha. Kailangan namin makita si Grace pero saan namin siya unang hahanapin? It's curfew hours. 6 am pinapayagan na lumabas ang mga estudyante dahil hindi pinapayagan ng mga nakakataas ang paglabas ng mga estudyante sa ganitong oras pero kami? Tumakas lang.
Biglang pumasok sa isip ko kanina. Ang mga luha, galit, at pagkasuklam ang nakita ko sa mga mata niya na ayaw ko makita noon.
Pero dahil sa ginawa namin ay alam naming galit siya. Galit na galit. Hindi niya kami mapapatawad.
Kasama na rin ang mga magulang niya. Why? Kasi mayro'n pa silang kasalanan kay Grace na hindi alam ng isa.
Sila ang may kasalanan kung bakit namin ginawan ng issue noon si Grace dahil mayro'n sila sources and lahat ng mga pinakita namin sa mga uto-utong estudyante ay hindi totoo. That's not true. Walang katotohanan ang sinabi namin pero dahil kilala kami ay mabilis silang napaniwala.
And what is their fvcking reason? Kailangan nila mailayo si Grace sa mga tao at para ito sa sariling kaligtasan ni Grace dahil noong araw na 'yon ay nagsisimula ng magpakita ang mga bad blood vampires.
Bilang isang vampire hunters ay sinunod namin ang pinakapinuno, ang mismong gumawa ng grupo namin.
Grace's father is a boss of Vampire Hunters. Alam ko na bampira siya pero mas pinili niyang makipagsanib pwersa sa mga mortal para patayin ang mga masasamang bampira. Kasama niya maghawak ang kanyang asawa na ina ni Grace.
Iniwan niya ang pagiging prinsepe niya at tinulungan kami na ipabagsak ang mga 'yon kahit ang makakalaban namin ay ang sarili niyang ama.
Grace's mother is a converted vampire. Sa ngalan ng pag-ibig ay mas pinili niyang maging immortal, makasama lang ang ama ni Grace.
Matagal na kaming vampire hunters. Simula noong mga bata pa kami, ang mga magulang pa lang namin ang nasa tungkulin namin. Nakuha lang namin 'yon noong nasa tamand edad na kami. At walang kaalam-alam si Grace doon. Ilang taon naming nilihim sa kanya 'yon dahil nasa rules namin 'yon, bawal ipagsabi sa iba ang sikretong mayro'n kami kahit na sino pa 'yan. Kahit na si Grace pa 'yan.
Napabuntong-hininga ako. Saan namin mahahanap ngayon si Grace?
---**---
Padabog kong itinapon ang mga papel sa sobrang stress. Fvck! Ang hirap mag-isip lalo na kapag ayaw pumasok sa utak ko ang mga binabasa ko. Ang utak ko ay tanging gusto na hanapin si Grace.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampiros[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...