Chapter 20

275 15 0
                                    

Chapter 20

Juliet Clark

Tumingin ako sa harap.

Napailing ako.

Gosh. Bakit hindi maintindihan ng utak ko ang mga lesson sa General Math? Ang hirap pa naman ito kapag hindi maintindihan.

Bahala na nga. Kokopya na lang ako kay Bea. Kahit hindi siya nakikinig ay naiintindihan pa rin niya 'yong lesson sa General Math.

Paano kaya 'yon?

Lumingon ako sa aking tabi at nakita ko siya nakatingin sa harap pero malalim ang iniisip.

Tulala kaya halatang malalim talaga ang iniisip niya. Gan'yan na siya simula ng bumalik kami sa eskwelahan.

Anong nangyari?

Bakit may nangyari na hindi namin alam?

May sinabi ba si Grace kaya ganito si Bea? Halatang sobrang apektado.

Noong hinabol namin si Grace ay si Bea ang nauna at talagang hinabol niya si Grace habang kami naman ay hinarang ng mga taong sumasayaw sa gitna.

At noong makarating kami sa kinatatayuan ni Bea ay nakita ko na paalis si Grace kasama ang bouncer ng bar.

I ask her then she answered I'm okay.

Pero bakit pakiramdam ko ay hindi siya okay?

Ano ba sinabi ni Grace? Bakit gano'n kaapektado kay Bea 'yon?

"Pass your assignment."

Bumalik ako sa reyalidad ng narinig ko ang sinabi ng professor namin.

Shit. Ano raw? Assignment? Wala ako no'n!

Patay ako nito.

Lumingon ako uli sa katabi ko. Nakita ko silang nagpapasa ng kanila papel.

Bakit hindi ako na-inform na may assignment pala?!

Terror pa naman ang professor na 'to. Babagsak sa kanya ang mga walang assignment.

Paano 'yan? Sayang 'yong uno ko sa subject na 'to. Sayang pinaghirapan ko kung panira lang 'yong sa card ko.

"Beatr---"

"Huwag ka mag-alala, mayro'n ka."

Sumilay ang maganda kong ngiti. Oh my god. She's my saviour!

"Thank you." mahinang sabi ko.

"Kapag hindi kayo nagpasa ng assignment ay otomatikong absent kayo." sabi ng aming professor na ikinabagsak ng balikat ng mga ibang blockmates namin. "Class dismissed."

Nagsitayuan kaming lahat. Naghintay kami ng ilang minuto bago napagdesisyunan na lumabas ng room.

Habang naglalakad kami ay biglang nag-vibrate ang phone. Kinuha ko 'yon sa bulsa ko at tiningnan 'yon.

From Sir,

10 tao sa ating grupo ang namatay sa laban nila sa mga bampira. Iniwan ang mga bangkay sa Camp Bridge.

Otomatikong napatingin ako sa mga kaibigan ko. Gaya ko ay hawak-hawak din nila ang kanilang cellphone at nakita ko ang mga reaksyon nila habang binabasa ang text ni Sir.

No way.

Kumikilos na sila.

"Sa dorm." biglang sabi ni Bea gamit ng kanyang seryosong tono. Kapag gan'yan siya, kailangan na namin maging seryoso.

Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon