Chapter 5
Jaime Grace Cortez
Sa ilang araw kong pananatili sa Coldwell Academy ay maraming nagbago sa paligid ko.
Ano nga ba ang pagbabago sa paligid ko?
Unang-una, nakakainis at nakakairita ang pangungulit sa akin ng tatlong babae. Gumagawa sila ng paraan para mapansin ko sila pero masyado akong matigas at hindi sila pinapansin kaya ang mga plano nilang tatlo ay hindi nagtatagumpay.
Minsan nga nakikisali pa ang dalawang lalaki nila. Nakakainis. Pinipilit nila akong maging myembro ng council pero ayaw ko. Ang sabi ko gusto ko makipag-socialize pero hindi ako pumayag na pansinin ako ng maraming tao. Nasanay na ko na tahimik ang buhay ko na walang kaibigan na nakikipag-usap sa akin at nakapaligid lagi.
Saka alam ko ang galawan nilang lima. Gusto nila makalapit sa akin para makuha nila ang tiwala ko pero hindi ako makakapayag no'n. Kung may plano man sila, hindi ko hahayaang magtagumpay sila. Tingnan natin kung paano sila magluksa kapag hindi nila nagawa ang plano nila sa akin.
Pangalawa, si Kiesha. Komportable na ako sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil baka mangyari na naman ang nangyari noon. Ang hirap talaga kapag may trust issues.
Nararamdaman ko naman ko kasi ma sinseridad siya sa sinabi niya na nakipagkaibigan sa akin at ginawa nga niya 'yon ngayon. Kapag may free time siya ay sumasabay siyang kumain sa akin sa cafeteria pero kapag hindi naman ay nagpapaalam siya sa akin para raw ma-inform ako kung sasabay siya o hindi.
Kaya ayun nasasanay na ko sa presensya niya, maski ang lima na nakakairita ang presensya nila kapag lalapit sa akin. Kung may trip ako ay sumasabay ako pero bilang lang 'yon. Mas marami sa cafeteria dahil tatlong beses ako kumakain do'n o 'di kaya'y apat kapag may free time ko, kumakain ako ng meryenda.
Ang huli, pangatlo, ay kapag lumalabas ako sa dorm ay may nararamdaman ako na parang may...nakatingin sa akin. 'Yong parang tinitingnan nito ang mga galaw ko. Nakakaramdam ako ng kilabot kapag pinapansin ko pero mas pinili kong hindi ko na lang pansinin dahil kapag tumitingin ako sa paligid ay wala naman ako nakikitang nakatingin sa akin o kaduda-dudang tao.
Kaya sinasabi kong maraming nagbaho dahil hindi naman ako mahilig makipagkaibigan noon pero ngayon ay may taong laging umaaligid sa akin o parang dinadamayan ako, si Kiesha.
Halos isang linggo na ko rito sa Coldwell Academy. Tuloy-tuloy ang pag-aaral ko rito pero hindi ko magawang makausap ang mga magulang ko dahil walang signal sa lugar na 'to kaya pupunta ako ngayon sa Dean's office para makausap ang magulang ko gamit ng telepono sa opisina.
Sabado naman ngayon at walang pasok kaya p'wede akong pumunta kahit saan ko man gusto dito sa eskwelahan.
"What's the problem, Miss Cortez?" tanong sa akin ni Ma'am Serides na hindi man lang lumilingon sa direksyon. Matalas ang pakiramdam niya sa paligid.
"P'wede po ba akong makigamit ng telepono?" magalang na tanong ko sa kanya.
Sumulyap siya sa akin bago ibalik ang tingin sa papel na hawak niya.
"Yes, p'wede naman." ngumiti siya sa akin. "Ayun ang telepono." sabi niya.
Yumuko ako sa kanya at naglakad papunta sa kinaroroonan telepono.
Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone at tiningnan ang landline ng aming telepono sa mansyon. Mabuti na lang may ganito ako for emegency o p'wedeng makontak ang mga tao sa mansyon.
Tinipa ko ang numero at hinintay ang pagsagot sa tawag.
"Hello. This is Cortez residence." narinig ko ang boses ng isa sa maid namin.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampire[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...