Chapter 7
Portia Timberlake
"Nasaan na siya?!" nag-aalala at natatarantang tanong ni Bea habang palakad-lakad ito sa harap namin.
"Relax, Bea. Calm down, okay? Nandito lang siya sa loob ng Coldwell Academy kaya wala kang dapat ipag-alala." pagpapakalma ni Claude. "Saka bakit ka ba nag-aalala sa babaeng 'yon?" tanong niya sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis ang kilos ni Bea. Nasa harap na siya ni Claude at hawak-hawak na niya ang kuwelyo nito.
"May pangalan siya! At kaibigan namin siya kaya huwag na huwag kang magtatanong ng gan'yan sa akin!" naiinis na sabi ni Bea at marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa kuwelyo nito.
"Kaibigan?" nakangising tanong ni Claude. "Nakita mo ba 'yong ginawa niya sa inyo? Hindi ko nakikita do'n ang uri ng kaibigan kapag magkaharap kayo. Parang isang stranger lang kayo para sa kanya." mahinahong saad niya. "At kapag nakikita niya tayong lahat ay naramdaman ko ang galit niya."
"Alam ko!" sigaw ni Bea. "Kaibigan namin si Grace pero noon 'yon dahil may ginawa kami sa kanya na ikinagalit niya! Kaya nu'ng nagkita kami ay labis ang galit niya sa amin at hindi namin alam kung paano mawawala ang galit na nararamdaman niya!" unti-unting umiiyak si Bea. Napakuyom ako ng palad habang nakayuko naman si Juliet.
"Gusto namin ibalik ang pinagsamahan naming apat pero nabibigo kami dahil parang matigas na siya. Hindi na siya 'yong taong mabilis magbigay ng tiwala. Nagbago na siya. Nagbago siya dahil sa amin." humagulgol si Bea kaya lumapit ako sa kanya at pareho kaming umupo sa sofa para pakalmahin siya.
Si Bea ang pinakalider namin o matanda sa amin. Siya ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay dahil mas mature siya. Kaya nu'ng nakilala namin si Grace, labis ang tuwa namin dahil may nakilala kaming bagong kaibigan at kinikilala namin siyang bunso sa amin kahit pare-pareho kami ng edad.
Pareho kami ng taon na pinanganak pero magkakaiba ang mga buwan namin kaya kung titingnan ay si Beatrice ang matanda sa amin habang ang bunso ay si Grace.
Highschool pa kami no'n kaya lahat ng mga gawain ng estudyante ay nagawa na namin kahit minsan ay pinapagalitan kami ng mga teachers o magulang namin pero dahil mga highschool students kami ay ginagawa namin ang mga bagay na bago sa amin.
Pero bago kami magtapos sa highschool ay may nangyari. Siniraan namin si Grace, may dahilan kami kung bakit namin ginawa 'yon. Siniraan namin siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, kilala kaming apat dahil may mga ipangmamayabang naman kami at dahil do'n ay mabilis napaniwala ang mga estudyante sa mga sinasabi namin tungkol kay Grace.
Hindi namin ginusto ang bagay na 'yon ang ginawa namin kay Grace.
Kaya nu'ng nalaman ni Grace ay sobra ang galit na naramdaman niya. Nang graduation namin ay imbes na kasama namin siya ay mag-isa lang siya kasama ang magulang niya. Hindi na namin siya nakausap dahil after ng graduation ay mabilis silang umalis sa venue kaya labis ang lungkot namin.
Plano namin na puntahan si Grace pero nagulat kami ng nalaman namin na hindi na sila nakatira sa mansyon na lagi naming pinupuntahan. Nawala siya ng parang bula.
Kaya labis ang aming tuwa ng nakita namin si Grace na mag-aaral sa Coldwell Academy. Halos dito na kami nag-aral nila Portia ng ilang taon, ilang buwan na lang ay malapit na kami magtapos.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampire[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...