Chapter 28
Juliet Clark
Dahan-dahan ko naimulat ang mga mata ko ng may narinig akong kaluskos sa hindi kalayuan sa akin. Ilang uli ko pikit-dilat ang mga mata ko bago luminaw ang paningin ko.
"Ahh..." mahinang daing ko ng sinubukan kong gumalaw mula sa pagkakaupo. Sinubukan kong tumayo pero may naramdaman akong bagay na nakapulupot sa kamay ko. "Ang sakit..." daing ko ulit ng naramdaman ko ang hapdi mula sa braso ko na sinabayan pa ng pananakit ng buong katawan ko.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at napagtanto ko na nasa gymnasium ako ng Coldwell Academy. Nasa gitna ako ng gymnasium kasama ang mga kaibigan ko na walang malay.
Katabi ko si Bea at Portia. They're sleeping like sleeping beauty. Mga tulog pa ang gaga. Sana makaramdam nila na nasa panganib kami ngayon. Sa harap naman namin ay ang dalawang lalaki. Muntik na kong matawa ng nakita ko si Claude na tuloy laway pa habang tulog.
Ganito ba siya matulog sa kwarto niya? Kadiri!
Paano kami makakatakas dito? Kailangan ko mag-isip. 'Yong matalinong isip para makatakas kami rito at makahiganti rin sa mga bampira na 'yon. Kailangan din namin mahanap si Grace dahil hindi ko siya mahanap sa tabi namin!
Nakuha ba siya ng mga bampira? Sana huwag dahil ayaw kong madamay siya sa trabahong mayro'n kami. Sana nakatakas siya sa mga bampira at makahanap ng mga taong p'wedeng tumulong sa kanya. Sana makita niya ang kanyang ama para makahingi ng tulong.
Kasi kailangan din namin ng tulong. Hindi namin alam kung anong p'wedeng gawin ng mga bampira sa amin. Sisipsipin ba nila ang mga dugo namin o papatayin kami ng buhay?
Nilapit ko ang buong katawan ko sa dalawang katabi ko since magkatabi kami ay mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa kanila at dahan-dahang kong inalog sila gamit ng sarili kong paraan. Paulit-ulit ang ginawa ko sa kanila hanggang sa narinig ko ang mga mahihinang daing dulot ng pananakit ng kanilang katawan.
"Argh... ang sakit..." narinig kong daing ni Portia na sinabayan pa ng daing ni Bea na may kasama pang mura. Napailing na lang ako. Kailangan kapag dumadaing may kasamang mura?
"Hoy, gising kayo..." mahinang sabi ko sa kanila at inalog pa sila. Natawa na lang ako ng inalog din ako ni Portia. Naiinis na ang gaga.
"Nasaan tayo?" tanong ni Bea ng napagtanto niya na wala kami sa dorm.
"Nasa gymnasium. Kailangan natin umalis dito hangga't walang bampirang dumadating." saad ko sa kanila.
"Paano? Hindi nga natin kayang makawala sa pagkakahigpit ng tali tapos ngayon sasabihin mo sa amin na kailangan natin umalis dito?" sarkastikong tanong ni Portia sa akin.
Napairap na lang ako sa kawalan.
"May swiss knife ako sa bulsa. Kunin niyo gamit ng mga kamay niyo. Kapain niyo ha?" sabi ko sa kanila at muntik na ko mapatili ng naramdaman ko ang kamay sa pwet ko. "Hoy! Ano ba! Pwet ko 'yan eh." bulaslas ko.
"Sorry." sambit ni Bea.
Naramdaman ko pa ang isang kamay na dahan-dahang kinakapa ang swiss knife ko. Ilang minuto ang tumagal hanggang sa naramdaman ko na nakuha na nila 'yon.
"Got it." sabi ni Bea.
"Good. Unahin mo 'yong pagputol ng tali sayo bago sa amin." utos ko sa kanya.
Hinintay namin ang pagtanggal niya ng sariling tali. Nang nakita namin siya na nakatayo ay mabilis niyang tinanggal ang tali sa amin ni Portia.
"'Yong mga lalaki..." mahinang sabi ko sabay turo sa lalaki na wala pa ring malay hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampire[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...