Chapter 16
Portia Timberlake
Habang abala ako sa pagtitingin ng record ay biglang pumasok si Grace sa meeting room ng student councils.
"I'm sorry I'm late." saad niya at umupo sa upuan na may distansya sa amin.
Napailing ako at inayos ang mga papel na hawak ko.
"So let's start." ngumiti si Professor Mariposa sa amin at pinagsiklop ang kanyang kamay. "I'm very thankful that you're cooperating with me, student councils. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala kayo."
"Syempre gano'n talaga ang gawain ng student councils, right guys?" nakangiting sabi ni Claude. Proud na proud kaya napangiti ako bilang pagsang-ayon.
"Well I'm so proud kasi hindi ako nagsisi na pinili ko kayo bilang student councils sa Coldwell Academy. Lahat ng mga task ko ay natatapos niyo."
"I disagree."
Napatingin kaming lahat kay Grace ng narinig namin ang sinabi niya.
Seryosong nakatingin siya sa amin habang nakasandal at naka-cross arm.
"Oh. What?" tanong ni Professor Mariposa.
"Hindi ako sumasang-ayon sa mga sinasabi mo tungkol sa kanila."
"Why?"
"Because they don't deserve it."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Grace?" halos hindi na maipinta ang mukha ni Beatrice na gano'n din ang mga kaibigan ko.
"Hindi ko alam kung bakit mo pinili ang limang 'to." sarkastikong ngumiti si Grace. "Hindi sila marunong makipag-kapwa tao."
"I don't like your word, Grace." naiinis na sabi ni Claude.
"But why?" nagtatakang tanong ni Professor Mariposa.
Isa-isa kaming tiningnan ni Grace.
"Tungkulin ng isang student councils ang tulungan sa mga problema ng mga estudyante diba?" tanong niya na ikinatango ni Professor Mariposa. "Pero bakit hindi nila ginagawa 'yon?"
"What do you mean?"
"May mga nawawalang estudyante sa Coldwell Academy." bumalik sa pagiging seryoso si Grace.
"Wait, what? Nawawala?" gulat na tanong ni Professor Mariposa.
"Yes. Hindi mo alam?" sinamaan kami ng tingin ni Grace. "Hindi nila sinabi sayo?"
Bumaling sa amin si Professor Mariposa.
"Student councils?" seryosong tawag niya sa amin. Napalunok ako.
"H-hindi ko alam ang sinasa---" hindi natapos ang sasabihin ni Beatrice ng biglang tumawa si Grace.
"You deny it." pailing-iling na sabi ni Grace. "Hindi mo alam? Gan'yan ka ba katanga, Beatrice? Pilit mong tinatanggi kahit na 'yong mga kaibigan na nawawala ang nakikiusap sa inyo at nagmamakaawa na tulungan sila?"
"Umiiyak sa harap niyo?"
"Lumuluhod na para lang humingi ng tulong sa tulad niyo?"
"Tapos anong ginagawa niyo? Kailangan niyo ng pahinga saka kakausapin sila?"
"Kapag umalis na sila sasabihin niyo hahayaan niyo ang kaso na 'yon?"
"That's bullshit! Hindi ko alam kung paano nakikisama sa inyo. Matagal na kong sukong-suko sa ugali niyo."
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampiro[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...