Epilogue
Abala ako sa pagpili ng damit ko. Ang hirap hirap ako sa susuotin ko ngayon.
Ano ba maganda? Hmm. Simple o hindi?
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at napangiti ako ng nakita ko si Mom na pumasok sa kwarto pero biglang napawi ang ngiti ko ng nakita ko ang mukha niya.
"Are you done?" ramdam ko sa boses niya ang panginginig.
Binaba ko ang mga damit na pinagpipilian ko at naglakad papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at masuyo siyang hinila paupo sa kama.
"Ilabas mo ang emosyon na gusto mong ilabas, mom." pilit na ngumiti ako sa kanya.
Hindi na ko nagtaka ng bigla na lang siya yumakap sa akin at narinig ko ang malakas niyang hagulgol.
"I miss her..." mahinang sabi niya.
Masuyo kong hinaplos ang kanyang likod para iparamdam sa kanya na nandito lang ako kahit anong mangyari.
"Makikita natin siya, mom." sabi ko sa kanya.
"Pero iba pa rin kung nakikita natin siya na nakadilat diba?" tanong niya sa akin.
Wala akong naisagot dahil hindi ko alam kung anong sasagutin ko.
Habang pinapatahan ko siya ay narinig ko ang mahinang katok mula sa pinto. Bumukas ito at sumilip si Beatrice.
"Nakahanda na ang lahat. Kayo na lang ang kulang." sabi niya at sinara ang pinto.
Kumalas si Mom sa pagkakayakap sa akin at ngumiti ng pilit.
"Magbihis kana. Hintayin kana lang namin sa baba."
Tumango ako at hinayaan ko siyang lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga ako.
Simula ng tumira ako sa bahay ng mga magulang ko ay hindi nila pinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal ng isang magulang at masaya ako na nakilala ko sila ng lubos kahit na ilang taon akong nahiwalay sa kanila.
Hindi ako nagagalit sa kanila dahil naintindihan ko sila at walang kasalanan sa nangyari kung hindi nila alam na kambal pala ang magiging anak nila.
Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita ko silang lahat na nakaupo at tahimik na naghihintay sa akin.
"Let's go?" aya ko sa kanila at tumango sila sa akin.
Kumpleto kami. Nandito si Beatrice, Juliet, Portia, Wallace, Claude, at syempre si Mom. Nasa headquarters si Dad at abala siya sa gawain.
Sabay kaming lumabas ng mansyon at pumasok sa van na sasakyan namin.
Nang kumpleto na kami ay umandar na ang sasakyan namin paalis ng mansyon at papunta sa headquarters ng vampire hunters.
---**---
Huminto ang sasakyan sa tapat ng headquarters kaya isa isa kaming lumabas ng van at halos namangha ako ng nakita ko ang headquarters ng mga vampire hunters.
Nasa 15th floor ang building na ito at sa loob ay nakikita ko na abala ang mga ibang vampire hunters sa kani-kanilang gawain ngayon.
"Kanina pa namin kayo hinihintay."
Napalingon kami kay Kiesha na nakasimangot na nakatingin sa amin.
"Bakit sa lahat ng maghihintay sa amin ay ikaw pa?" tanong ko.
"Princess Venus naman eh! Ako inutusan ni King Joseph kaya wala akong magawa kun'di hintayin kayo." reklamo niya sa akin.
"Sana habaan mo pa rin ang pasensya mo 'no." pabirong umirap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampiro[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...