Chapter 4
Jaime Grace Cortez
Nagising ako ng naramdaman ko ang pinaghalong kung anong mainit na tumatama sa pisnge ko at malamig naman sa noo ko.
Napaungol ako ng sinubukan kong bumangon pero masakit ang buong katawan ko. Humiga na lang ako at pilit na huwag indahin ang pananakit ng katawan ko. Para akong binangga ng sasakyan dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"Mas maganda kung huwag ka muna bumangon, Grace."
Otomatikong napalingon sa gilid. "What are you doing here?" agad na tanong ko. Bakit sila nandito sa kwarto ko?!
At teka, bakit ako nandito? Sa pagkakaalam ko nas---oh no.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa akin bago mawalan ng malay. May na-encounter akong tao---no, she's a vampire. Bampira ang na-encounter ko at muntik na niya akong patayin sa takot.
Pero ano ang totoong pakay niya sa akin? Bakit nagpakita siya sa akin? At bakit may gano'ng tao---este bampira na nakapasok sa eskwelahan?
Gulong-gulo ako. Shit. Dapat pala hindi na ko pumayag mag-aral dito. Dapat home school na lang ako dahil isang taon ko na lang eh. Dapat nagtiis na lang ako mag-aral sa bahay na walang nakakasalamuha na ibang tao.
Kakasimula ko lang mag-aral dito pero may nakakasalamuha na akong ibang tao---este ibang creature. Heck. Baka sa susunod mga alien naman magpakita sa akin.
Pero bago ako umalis sa eskwelahang 'to kailangan ko malaman ang kung anong sikreto nito. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung anong sikreto ng Coldwell Academy.
"Kumain ka bago uminom ng gamot." bumalik sa reyalidad ng narinig ko ang boses ni Portia. Lumapit ito sa akin habang may dalang tray ng pagkain.
Nilapag niya ang tray sa bedside table ko at kinuha ang isang mangkok na may sabaw.
"Subuan na kita." nakangiting sabi niya.
"Ayaw ko." mabilis akong umiling. "Ako na bahala sa sarili ko. Umalis na lang kayo sa kwarto." walang emosyon kong sabi.
Kukunin ko sana ang pagkain pero hindi ko nagawa dahil naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Shit.
"See? Hindi mo kayang alagaan ang sarili mo kaya nandito kami para tulungan ka." saad naman ni Beatrice na nakatayo sa tabi ni Juliet.
Gumalaw ang panga ko sa inis.
"I don't need your fvcking help!" galit na sigaw ko. "Get out!" tinuro ko ang pinto.
"No. Hindi kami aalis sa kwartong 'to hangga't hindi ka gumagaling sa lagnat." matigas na sabi ni Beatrice.
Napanganga ako. Ngayon ko lang na-realize na may bimpong nakalapat sa noo ko dahil may lagnat ako ngayon. Fvck. Paano ako nagkasakit? Nawalan lang ako ng malay ha?
Halukipkip na nakahiga ako sa kama. Kahit labag sa loob ko na gawin 'to ay hinayaan ko na lang sila sa gagawin nila sa akin.
Inalagaan nila ako. Tama ang pagkakabasa niyo. Inalagaan nga ako ng tatlong 'to. Kada-oras nila akong sinusuri kung bumababa ang temperatura ko, inaayos ang bimpo na nasa noo ko, at pinapakain o pinapainom sa tamang oras hanggang sa dumating ang gabi.
BINABASA MO ANG
Coldwell Academy: The School Full of Secrets | ✔
Vampir[FINISHED] - COMPLETED The Book 1 of Coldwell Academy Jaime Grace Cortez ay lapitin ng gulo. Kahit saang paaralan siya pumasok ay nadadamay siya sa gulo kaya sa huli ay pinapaalis siya kahit hindi pa siya nakakapagsalita para ipaglaban ang sarili ni...