Chapter 1: Matinik (1st fight)

518 19 4
                                    

Avyanna POV.

"Okay that's all for tonight boys, magpa hinga na kayo"
I announced habang nililigpit ang mga gamit

"Antok na antok na talaga ako" sabi ni Justin kaya napa tingin ako sa kaniya

"Hahayy.. di pa tayo pwedeng matulog Jah, dilat ka na riyan" sabay tapik sa kaniya ni Sejun

"Saglit lang, kahit 5 minutes lang" napa buga ako ng hangin at nag lakad papunta sa kitchen at nag templa ng limang tasang kape.
Halos gabi-gabi na silang puyat kasabay ko dahil 10-11 PM ang schedule ng klase nila sa akin about sa Culture and traditions ng bawat bansang kanilang pinupuntahan.

Matapos kong mag timpla ay inilagay ko na ito sa tray at inihatid sa silid kung saan ko sila tinuturuan.

Habang inilalapag ko ang tray sa mesa na nasa harap nilang apat, ay napa dilat ng mata si si Stell at nginitian ako.

"Thank you teacher Avy"

"Walang anuman, sege gisingin mo na sila Stell para maka inom na rin sila ng kape, alam kong may gagawin pa kayo" tumango siya kaya nag lakad na ako para kunin ang mga gamit ko.

"Thank you teacher Avy" isa-isa nilang sabi kaya tinanguan ko lang sila.

"Sege alis na ako" nagsitanguan lang din naman sila. Kumunot ang noo ko ng may mapansin."asan si Ken?" I asked, nagsi kibit balikat lang sila kaya lumabas na ako.
Habang papalabas ng studio ng Showbt company ay nadaanan ko sina teacher Hong at iba pa. Wala si Tatang kasi may inasikaso ito sa papa-lapit nilang concert sa MOA Arena. Masyado na talaga silang lumalaki at sumisikat and I'm so proud of them. Nagpaalam na ako sa lahat ng naroroon at lumabas na ng tuluyan ng building. Pinatunog ko ang aking motor bago lumapit dito, papa sakay na ako ng may ma pansin sa hindi kalayuan.

Dahan-dahan kong nilakad ang distansya nito at nag tago sa likod ng isang poste.

"Kapag hindi ka pumayag sa gusto ko sinasabi ko sa iyong masisira ka Ken!" Sigaw ng isang babae. I think I know this girl "Haha, may nangyari sa atin ng gabing iyon, pano pag na buntis ako!? Anong gagawin mo!? MASISIRA KA!" Napa takip ako ng bibig sa narinig. What the hell!?

"Stop Shiting around Kiendra! I'm not stupid enough para buntisin ka!" May diin sa bawat salitang binibitawan ni Ken. Halos nahihirapan akong huminga, tangina! So nag ano talaga sila!? Shyyttt!??

"How sure are you?"may pang uuyam sa bawat salita ni Kiendra, Known as Kien Salazar. A well known model sa isang clothing line hindi lang sa Pinas kundi pati sa ibang bansa. Gusto Kong tumakbo pero,,
wag na nga lang. Gusto kong marinig iihh

I saw Ken smirked bago lumapit sa babae at bumulong, at dahil sa bulong iyon kaya hindi ko na rinig, nakita ko ang pag pula ng pisngi ng babae kaya nayayamot ako habang naka tingin. Sshiittt!! Ano 'yon? Hindi ko narinig!

"Ka-kahit na! Pwede pa din iyon!" Nakita ko ang lalong pag ngisi ni Ken

"Idiot!" Tanging sabi niya at tinalikuran ang babae. Mas lalo akong nag tago sa poste dahil nakita Kong dadaan siya sa parte kung saan ako nag tatago. Narinig ko rin ang pagsigaw ni Kiendra pero hindi nagtagal ay narinig ko na rin ang pag padyak nito paalis. Naka hinga ako ng maayos sabay pikit ng mata ng makitang dumaan lang si Ken sa gilid kung saan ako nagtatago.

"Shit! Matinik pala amputa! Tatahimik-tahimik pero gago din pala!" Bulong ko sa sarili habang inaayos ang pag tayo sabay bukas ng mata.

"Shit!" Halos mapa lundag ako sa gulat ng nasa harapan ko na si Ken.
Nakita ko ang pag igting ng panga niya habang naka pukol sa akin ang walang buhay niyang titig.
"A-- h-hindi ok sinasadyang marinig--"

"Anong na rinig mo?" Halos magsi-tayuan ang mga balahibo sa katawan ko ng marinig ang subrang lamig niyang boses. Minsan ko lang marinig ang boses niya, sa halos isang buwan kung pagtuturo sa kanila ay siya ang pinaka madalang lang kung mag salita. Tela may sariling mundo kaya hinahayaan ko na lamang.

"A-ahh w-wala nam-"

*BLAAAGGG!*

napapikit ako ng bigla niyang sinipa ang signage sa gilid niya. Kasi nga diba, nasa parking lot kami

"Huwag mo akong gawing tanga Avyanna!" Unti-unti kong idinilat ang aking mata dahil sa itinawag niya sa akin na sana ay hindi ko na ginawa dahil kitang-kita kong gahibla nalang ang layo namin sa isat-isa, naka tukod ang kaliwa niyang kamay sa poste kung saan ako nag tatago kanina.

"S-sorry" kinakabahan kung saad habang naka tingin sa mga mata niya. Nakita ko ang pag daan ng emosyon sa kaninay blangkong mata niya pero nawala rin ito agad.

"Siguraduhin mong hindi kakalat kung ano man ang narinig mo Avyanna, dahil sinasabi ko saiyo, pagsisisihan mo ang lahat" tumango ako ng maraming beses, at naka hinga ng maayos ng tumalikod na siya.
Ayan kasi Avyanna! Masyado kang tsimosa

"And oh btw," unti-unti siyang lumingon kaya nanlaki ang mata ko. Shittt di pa pala siya tapos?!

"Still remember room 104?" Kumunot ang noo ko? Adik ba ito?
I shook my head, I saw him smirk

"Alalahanin mo Avyanna, alalahanin mong mabuti" tumingin siya sakin mula uko hanggang paa hanggang sa nakita ko ang pag kuyom ng kamao niya
"dahil masyado ka nang unfair" magsasalita pa sana ako ng nag lakad na siya paalis. Kainis!! Binigyan pa ako ng pala-isipan! Gago talaga!
Tatahimik-tahimik masyado din palang matinik!

........
Itutuloy mga kapatid

The Truth Behind The Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon