Avyanna POV.
Tahimik lang ang lahat sa hapag at kalansing lang ng kutsara ang maririnig. Maski si Kenji na kanina ay subrang saya dahil sa pagdating ng lima lalong lalo na ng tatay niya ay subrang tahimik na din.
Gulat sina papa at mama ng makita ang lima, I already told them about sa ama ni Kenji pero parang ngayun lang nila napag tanto ang katotohanan ng andito na talaga si Ken sa harap nila.
Tumikhim si papa kaya na baling sa kaniya ang tingin naming lahat, I almost laugh dahil nanlaki talaga ang mata ni papa ng mapag tantong nasa kaniya ang tingin ng lahat ng nasa mesa. Uminom siya ng tubig bago nag salita.
"So,, ano ang ginagawa niyo dito?"papa ask, nagkatinginan ang apat bago yumuko at pinagpatuloy ang pagkain tela walang naririnig.
Nabaling ang paningin namin kay Ken ng inilapag niya ang kobyertos sa pinggan niya.
Nakita ko ang pag tigil din ng apat at nagsitayuan
"Ahm, labas lang po muna kami sir," pagpapaalam ni Sejun, lumapit ito kay Kenji na tapos na ring kumain at kinarga ito.
"Kenji ipasyal mo muna kami" hindi sumagot si Kenji at tumingin sa papa niya."Susunod ako" Ken said kaya napilitang tumango si Kenji, aalma na sana ako ng nagsalita si Yanna
"Sama ako, punta tayong farm" hindi na ako nakapag salita dahil tuloyan na silang umalis. Halos hindi ako maka tingin kay Ken dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Aalis din ba ako? Sasama kina Yanna? Hindi naman ako iyong tinatanong.
Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni Ken.
"Stay, may pag uusapan tayo ng mga magulang mo"para akong nanigas, unti-unting lumingon kina mama at papa. Nakita ko ang pag ngiti ni mama pero nag seryoso din naman ito kaagad. Dahan dahan akong umupo ng mapagtantong mukhang kahiya-hiya iyong ginawa ko.
Natahimik ulit ang hapag ngunit hindi naglaon ay binasag din ni Ken ang katahimikan.
"Andito po ako sir upang harapin kayo dahil sa mag ina ko" he said using his cold tone, nakita Kong tumango sina mama at papa pero hindi ako nagpa pigil.
"As what I've said Ken, hindi ko ipagkakait saiyo ang anak mo--"
"Anak natin Avyanna, ANAK NATIN" pagbibigay diin niya. Medyo nahiya ako kaya natahimik ako saglit.
"As what I've said sir, andito po ako upang panindigan sila. I'm so sorry kung na tagalan, I just didn't know na nabuntis ko pala ang anak niyo. Pagkatapos niya kasing na sarapan ay iniwan na lang ako ng hindi nagpapa alam! As if I will let her leave kung alam ko lang!" Madilim ang anyo niyang naka tingin sa akin. My jaw almost drop, hindi ma proseso ang sinabi niya. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa pinagsasabi niya.
'Fuck!'
I look at mama at papa, pareho silang naka ngisi habang naka tingin sa akin. I gulped, hindi ito ang plano.
"H-hindi naman na kailangan Ken, nabuhay kami ni Kenji ng wala ka. As what I've said hindi ko ipagkakait saiyo ang anak mo" suplado niya akong tinapunan ng tingin. Tela sinusuri ang pagkatao ko. Naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa uri ng tingin niya kaya pinapagalitan ko ito sa loob loob ko.
He smirk kaya mas lalong dumoble ang kalabog ng dibdib ko."Na ginawa mo na" he paused "ipinag kait mo na ang ANAK NATIN sa akin ng apat na taon Avyanna. Pilit kong pinupunan ang pagkukulang ko ng nalaman ko na may anak tayo pero inilayo mo parin siya sa akin anim na buwan ang nakaka lipas" I pinch my left and right fingers under the table. Hindi ako maka tingin sa kaniya kasi alam ko na hindi ko kaya ang intensidad nito.
"Ipapa kita ko naman s-siya saiyo--" he cut me again
"Na hindi nangyari, hindi ko pa sana kayo makikita kung hindi ako lumuwas dito sa probinsya niyo. A big thank you to your twin dahil ibinigay niya sa akin ang address niyo na hindi mo ginawa" gusto ko sanang umapila pero pinili ko na lang na tumahimik.
So si Aryanna pala talaga ang pinunta niya dito, at syempre si Kenji kasi kitang kita ko naman na miss na miss niya talaga ang bata.
Muling nag flashback sa isipan ko ang ngiti niya kanina habang kausap si Yanna. Samantalang galit ang ibinibigay niya sa akin na tingin.
May mga tanong na gumugulo sa isipan ko na alam kong hindi iyon masasagot kung hindi ko itatanong.
Nagkabalikan ba sila? Hindi ko kasi natanong kay Yanna. As if kaya kong tanungin. Kung magpapa kasal man sila baka wala din ako dito, maybe nag ta-trabaho na ako?sabi din kasi ni mama at papa kung may balak akong mag trabaho ewan ko daw muna si Kenji sa kanila para makapag trabaho ako ng maayos. Pwede na rin para maka ewas. Para na rin maka limot."So anong Plano mo iho?" Napatingin ako kay papa sa tanong niya samantalang tahimik lang si mama sa gilid nito. Hindi ko na nasundan ang pinag usapan nila dahil sa mga iniisip ko. Hindi na rin naman siguro ako kailangan sa kasal nila kung mangyayari? Maiintindihan naman siguro ako ng kakambal ko? At ni Ken.
"I intend to marry your daughter sir" sagot nito. Parang nahulog ang puso ko at nadurog ng pinong-pino. Naramdaman ko ang pag agos ng isang botel ng luha sa pisngi ko kaya pinahid ko ito at biglaang tumayo.
"A-aah ano, l-lalabas lang muna ako" u-utal utal kong saad. Nakita ko ang pagkunot ng nuo nila kaya hindi ko na ito pinansin at nagmamadaling umalis.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pala pinipigilan.
He asked my sister's hand sa magulang ko sa harapan ko mismo. Para ano!? Para ipamukha sa akin na hindi naman talaga ako!? Na after all si Yanna naman talaga!?
Tumakbo ako papasok ng bahay habang umaagos ang masaganang luha sa mga mata ko. Ang sakit-sakit! Hindi ko maipaliwanag ang sakit.
Nagmamadali kong binuksan ang pinto, nataranta ako ng marinig ang boses niya sa likuran ko. Hindi na ako nag atubiling isarado ang pinto dahil alam kong maabotan niya ako pag ginawa ko pa iyon. Tumakbo ako paakyat ng hagdan ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ako ay nahawakan niya na ang palapulsohan ko. Umigtad ako
"B-bitawan mo ako!" I screamed, pilit na inaagaw ang kamay na ngayun ay mahigpit niyang hinahawakan. Hindi siya nagsalita at hinila ako papasok ng kwarto ko.
Oo sa kwarto ko at hindi sa kwarto ni Kenji! I look at him. Paano niya nalaman na kwarto ko ito?
Gusto ko iyang itanong pero hindi ko na isinatinig dahil kitang-kita ko ang pag sarado niya sa pinto at pag lock nito. I gulped, nahihirapang huminga at tela ang sikip ng kwarto para sa aming dalawa. Binitawan niya na ako ng tuloyan kaya hinawakan ko ang palapulsohan na ngayun ay namumula dahil sa hawak niya."Now Avyanna, bakit ka biglaang umalis?" Pilit na pinapahinahon niya ang tinig, umiwas ako ng tingin at unti-unting humakbang paatras at umupo sa kama.
"W-wala" tanging sagot ko. I stepped forward at kaya mas lalong kinabahan ako. Ngayun ay nasa harap ko na siya habang naka tayo.
"Then why are you crying?" Tiningala ko siya at nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"W-wala--"
"Fuck!! Answer me honestly Avyanna! Hindi iyong puro ka nalang wala! I am going knots kakaisip kung ano na naman ang plano mo para ewan ako!" Nanlaki ang mata ko ng halos sigawan niya na ako. He look so frustrated habang ginugulo ang buhok niya. Tela hindi alam ang gagawin sakin.
"Wa-wala naman talaga" sagot ko habang naka tungo. Magkamatayan na hindi ko aaminin iyong mga naiisip ko kanina bago ako umalis. Dinagdagan pa ng sagot niyang I intend to marry your daughter sir.
Alam ko ang pagkakamali ko, pinagbayaran ki na iyon sa loob ng anim na buwan. I felt so empty and broken, parang wala ng natira sa akin sa isiping kahit Kailan hindi na siya magiging akin. Dahil kahit kailan hindi naman talaga siya naging akin.
"Hindi ko na alam anong gagawin ko saiyo, I already give you the time and space para makapag isip-isip! Kulang pa ba iyon!?" Kumunot ang nuo ko. Anong ibig sabihin ng sinasabi niya?
"H-ha?"I asked, umiling siya at nag walk out mula sa kwarto.
Naiwan akong naka tulala at hindi malaman ang gagawin.Mas lalo akong nagulohan ng makita ko ang sakit sa mga mata niya bago umalis. Ang sakit na nakita ko nga iniwan ko siya anim na buwan na ang nakaka lipas.
Ano ba talaga Ken?! Ginugulo mo lalo ang isipan ko! Hindi naman ako diba? Palayain mo na ako!
________________
Aaayyy short... parang si Josh.. ayyy sorina 🤣🤣 ALAByuuuu ssob
Not edited
M
BINABASA MO ANG
The Truth Behind The Lies (Completed)
Fiksi PenggemarSB19 John Felip 'Ken' Suson Fanfiction story