Chapter 5: My twin (3rd fight)

268 12 0
                                    

Avyanna POV.

Nararamdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko, nilagay ko sa likuran ang mga kamay ng maramdamang nanginginig ito.

"A-anong kailangan mo?" I stutter kaya halos murahin ko na ang sarili ko. I saw him smirk kaya umatras ako ng kaunti.

"Scared eh?" Umiling ako at kinompose ang sarili, I don't want to give him a satisfaction about my actions. Bumuga ako ng kunting hangin bago sumagot.

"Nope,, what do you want Mr.Suson?" I said with a cold voice, nakita ko ang mas lalong pag ngisi niya. Shhiittt!!

"Why so formal Avyanna?"ramdam na ramdam ko ang panguuyam sa boses niya. Alam Kong ginagago niya ako kaya pinanatili kong seryoso ang aking mukha bago tiningnan ang relo.

"Kung wala kang sasabihin, please excuse me, nagmamadali ako, may naghihintay pa sa akin sa bahay" akma akong aalis ng bigla niyang mabilisang hinawakan ang palapulsohan ko at itinulak ako sa poste dito sa parking lot. Shyyyttt bakit ba dito ako nag park? Buti nalang may backpack kung wala baka nauntog na ng pagka lakas-lakas ang likod ko.

"Ano ba'ng problema mo KEN!?" Inis kong saad habang totok na totok sa nag aalab niyang mga mata.

"ANO ANG SADYA MO AT BAKIT KA BUMALIK!? HUWAG NA TAYONG MAG LOKOHAN DITO AVYANNA!" Muntik na akong mapatalon sa pag singhal niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya kaya nag iwas ako. Pero ang pinagtataka ko ay kung ano ang kinakagalit niya!?

"A-ano ba'ng pinagsassbi mo?" Sabi ko habang binabawi ang kamay mula sa malakas niyang pagkaka hawak pero hindi niya binibitawan at mas lalo niya pang hingpitan.

"H-HAH!! Huwag mo akong ginagago babae!" Itinulak ko siya gamit ang kaliwa kong kamay kaya napa atras siya ng kunti.

"Bitawan mo ako Ken, kung ano man iyang pinagsasabi mo, wala akong alam diyan. Andito ako para sa trabaho, hindi para saiyo, bakit? Kilala mo ba ako?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya, at napapalitan ng galit, pagtataka at pagka mangha. Hindi ko talaga alam pinag huhugotan nito sa buhay eh
"Kung may nagawa man akong pagkakamali saiyo noon ngayun pa lang humi--"

"Ouh YOU SHUT UP!" pasugod niyang sabi at sinuntok ang poste sa likuran ko na ikina pikit ng mata ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko at pag kalabog ng puso ko. Naramdaman ko rin ang pag landas ng mga luha sa mga mata ko. Natatakot ako, hindi ko alam kong anong kasalanan ang nagawa ko sa kaniya pero ramdam na ramdam ko ang galit niya.
Umiling ako ng paulit-ulit habang lumalandas ang mga luha sa mga pisngi ko. Isang tao lang ang naiisip ko ngayun at iyon ay ang anak ko.

"K-kenji" napa takip ako ng bibig ng bigla ko itong nae-usal. Nakita ko ang biglaang pag tigil ng tininga ni Ken, na tela ba binuhosan siya ng malamig na tubig. Pero bumawi agad ito

"Don't fool me Avyanna, don't use my mother's--" I cut him off sa pamamagitan ng pag tulak sa kaniya ng malakas. At dahil sa hindi niya ito inaasahan ay natumba siya, para ba'ng nanghihina siya.

"I hate you" I said bago tumakbo papunta sa motorsiklo ko. Kahit na nanginginig ang mga kamay ay naipasok ko pa naman ang susi sa keyhole bago ito pina takbo.

"AAAAAHHHHHH!!!! FUCKSHIT!" Narinig Kong sigaw niya bago ako naka layo sa lugar.

Nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at patuloy pa din ang pag agos ng luha sa mga Mata ko. Naaalala ko pa rin ang galit at panghihinayang sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam Kong anong naging kasalanan sa kaniya pero sigurado akong wala, wala akong malalang nagawa sa kaniya.

Sa kakaiyak at pag iisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa inoopahan kong apartment. Ipinark ko lang ang motor at pumasok na ng apartment dahil may susi naman ako.

"Ma" nagulat ako ng pag bukas ko ng pinto ay si Kenji agad ang bumungad sa akin. Nararamdaman ko na naman ang bigat ng dibdib ko kaya napa yakap ako sa kaniya upang maitago ang lumuluha kong mga mata.
Napatingin ako kay Cath ng lumuhod siya sa likuran ni Kenji, nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Tinanguan ko lang siya bago pinalis ang mga luha sa pisngi ko at hinarap si Kenji.

"Ma are you crying?"ngumiti ako at hinawakan ang balikat niya

"Hindi anak, ano napuwing lang, alam mo naman nagmamaniho ako" tumango lang siya
"Bakit na gising ka?" I asked

"Napaginipan ko kasi si papa" kumunot ang noo ko sa narinig, sinong papa?

"Ha? Ang papalolo mo ba anak?" Tanong ko pero umiling siya

"Hindi po ma, iyon pong mga picture po sa kwarto mo na sinasabi ni tita Cathy na asawa mo po, diba po pag asawa mo po siya, siya po papa ko?"nanlaki ang mga Mata ko sa enosenting tanong ng anak ko.
Napailing ako at hinarap ng mabuti si Kenji

"A-ano anak, hindi siya papa mo" nakita ko ang lungkot sa mga mata ng anak ko kaya napa kagat ako ng labi. Naiiyak na naman ako

"Ganon po ba ma? Buti nalang din kasi napanaginipan ko po siya ihh, sinasaktan ka daw niya. Ayoko na po sa kaniya bad po siya" nanlaki ang mga mata ko sa narinig at niyakap nalang ang aking anak.

"Walang mananakit kay mama okay? Sege tulog ka na anak, may pasok ka pa bukas" tumango ito at hinalikan ako sa ilong at pinuntahan si Cathy at hinalikan din sa pisngi.

"Goodnight po, sunod ka na din po agad ma" paalam niya

"Ayaw mong samahan kita nak?"nagtatakang tanong ko. Umiling ito habang naka ngiti

"Nope, big boy na po ako, ipagtatanggol na nga kita sa, hmmpp asaw mo eh" sabi nito at tuloyan ng pumasok sa kwarto. Naiwan akong naka nganga habang bumunghalit ng tawa si Cathy.

"Shyytt hahaha.. ang cute ng anak mo Ann haha. Pano na si Ken niyan? Haha iyong idol mo iihhyy haahhaha asawa daw haha" tawa lang siya ng tawa habang inaayos ko ang gamit ko da lamesa. Hindi nag tagal ay natapos na rin siya kaka-tawa at hinarap ako ng seryoso.

"Anong nangyari saiyo?" Nag iwas ako ng tingin bago sumagot

"Wala naman" nag martsa siya malapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Huwag mo akong lokohin, umiiyak ka kanina!" Inis niyang Saad

"W-wala na miss ko lang si Kenji" humalipkip siya habang masamang naka tingin sa akin.

"Ano? Magsasalita ka o mag e-eskandalo ako sa building ng Sbowbt?"may pagbabantang saad niya kaya wala akong nagawa.

"N-nagka sagotan kami ni Ken" di maka tingin sa kaniyang mga matang Saad ko

"Ha? Bakit naman?"takang tanong niya.

"Ewan, hindi ko alam! Para ba'ng ang laki ng kasalanan ko sa kaniya? Tinanong niya pa ako kung ano ang sadya ko kung bakit daw ako bumalik" mas lalong nag taka ang mukha niya sa sinabi ko.

"Ha? May pinag gagawa ka bang kabulastogan noon ng hindi ko alam maliban naLlang iyong about kay Kenji?" Namula ako pero kinakabahan parin habang mahinang umiling.
"Sure ka?" Paninigurado niya kaya tumango ako, sure ako! Kahit naman idol na idol ko si Ken noon alam na alam ko sa sarili ko na wala akong tintapakang ibang tao. Lalo na si Ken

"Eh kung hindi ikaw edi sino pa ba?-" she was cut off ng nag ring ang cellphone ko

Napatingin ako dito ng makita ang naka register sa screen.

*Aryanna calling*

My twin..

--------------------

Ipag papatuloy kapatid.. huehue

The Truth Behind The Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon