Chapter 8 Memorya

289 12 5
                                    

AN: thank you sa pagbabasa mga kapatid at sa support din.. well I just wanna say hi to negativelyab
Thank you sa paghahanap ng story ko. Ikaw ang 1st commentor ko sa story na ito kaya subrang kinilig ako Haha..
And super thank you din kay Ellimac Soriano para sa cover photo, super thank you kapatid
At sa lahat ng nagbabasa po sa story na ito ni manok super thank you din po lalo na sa mga nag vote.
Thank you ng marami God Bless 😍😍😍
🇵🇭Get in the zroowwwnn break! 🇵🇭

Avyanna POV.

Hingal na hingal ako ng makarating sa MOA, hindi magkamayaw ang kaba sa dibdib ko. Halos sumabog na ito sa kaba ng matanggap ko ang text ni Cathy na nawawala si Kenji. Halos liparin ko na ang distansya ng skwelahan na pinagtatarabahoan ko at ang MOA. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.
Naramdaman ko ang pag landas ng luha sa mga mata ko kaya pinahid ko kaagad ito. Hindi ako pwedeng mapang hinaan ng loob sa panahon ngayun kung Kailan kailangan na kailangan ako ng anak ko. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"H-hello Cathy? May balita na ba? Nahanap na si Kenji?" Di magkanda-ugaga kong tanong

"Oo Anna, pasensya na talaga kung napag alala kita ah?" Para akong naka hinga ng maluwag at naramdaman ko na naman ang pag agos ng luha sa mata ko kaya pinahid ko ito.

"Salamat naman.. asan kayo ngayun?" I asked

"Andito lang kami sa malapit sa backstage"sagot nito

"Sige papunta na ako diyan" sabi ko bago pinatay ang tawag.

Habang naglalakad at naramdaman ko ulit ang pag ring ng cellphone ko. Pagtingin ko ay ang head staff ito ng Showbt. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot

"Hm.. hello sir?" I answered

"Hello teacher Avy? Busy ka ba ngayun?" He asked, nag isip muna ako bago sumagot

"Bakit po sir?" I asked again habang natatanaw ko na sina Cathy habang karga-karga si Kenji na natutulog. Buti na nga lang din at suot-suot ko ang ID ko that I am part of showbt mula sa school kaya hindi na ako hinarangan ng mga guards.

"I just wanna ask your help, kinakailangan kasi namin ng ibang staff, nag absent kasi iyong dalawa kasi iyong isa nasa hospital iyong tatay tapos iyong isa nagka sakit" napatingin ako kay Cathy na kitang-kita ang guilt sa mga mukha niya.

"Ahm.. ngayun na po ba agad sir?" Natagalan siya sa pag iisip na tela nag-iisip bago sumagot

"Pagkatapos sana ng concert ng boys kasi may fan signing sila ih" may pag aalangan nitong saad. Napa buga ako ng hangin bago sumagot

"Sige po sir, pupunta po ako" narinig ko na tela naka hinga siya ng maayos

"Maraming salamat teacher Avy, kailangan kasi talaga namin ngayun ih"

"Okay lang po sir, hmm ibababa ko na po" paalam ko

"Ah sige sige hihintayin nalang kita dito sa sa harap ng stage" kinabahan ako bigla, after five years hindi na ako nanuod ng concert ng boys kahit active naman ako minsan fansclub na kinabibilangan ni Cathy.

Lumapit na ako kay Cathy at kinuha si Kenji mula sa pagkaka karga niya.

"Pasensya na talaga Ann ah? Na bigla nalang talaga ako ng bigla siyang nawala sa pagkaka hawak ko." Tumango lang ako, pero andun parin iyong kaba sa dibdib ko. Paano kung nawala ng tuloyan si Kenji? Hindi ko mapapatwad ang sarili ko.

"Ahm.. buti na hanap mo siya? Hindi ba siya na saktan o ano?" I asked

"H-hindi naman" she answered

The Truth Behind The Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon