Chapter 16: Let go

331 15 8
                                    

Avyanna POV.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa buhay pero alam kong marami akong pagkakamali sa buhay ko. Isa na roon ang pagiging eager ko noong bata pa ako. Eager to do things without thinking kung may mapapa hamak ba akong ibang tao o wala. May masasaktan ba ako o wala. I've become self centered without thinking na nakaka sakit na pala ako.

"Yanna ayoko! I want to see them! I want to see Ken!" Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata niya at hinawakan ang kamay ko

"Anna, hindi pwede, magagalit sina mama at papa" umiling ako.

"Please, kahit ngayun lang. I want to see them specially Ken. He knows me. Nagkita na kami almost four years ago at hindi ako maaaring nagkamali siya iyon!"
May pag aalinlangan man sa mga mata ng kapatid ko ay wala siyang ma gawa. She let me see the man that idolize the most.

"Sorry miss pero hindi pwedeng lumapit sa kanila" awat sa akin ng guard ng school namin. Kumunot ang nuo ko

"NO! I want to talk to Ken! Kilala niya ako!" Sigaw ko sa guard. Nakita ko ang pagdaan nina Ken sa harapan ko kaya para akong natulos sa kina tatayuan. Napatingin siya sa akin pero hindi ako maka galaw. I was stunned. Isa ang school namin sa sa maswerteng nasali sa school attack nila kaya hindi ko na pinalampas.

"Shit! Yanna nakita niya ako! Nakita ko siya! After four years nagkita na kami! Gosh!" Nagtitili ako sa kwarto namin ng kambal ko. She just smile habang ginugulo ang buhok ko

"Good to hear, sige matulog na tayo" tumango ako habang subrang lapad pa rin ng ngiti.

I did fucos on my study. Nasa last year na ako ng kolihiyo kaya mas lalong naging busy ang buhay studyante ko.

"Pagkatapos mong mag-aral anong gagawin mo?" Napatigil sa pagkain ang kapatid ko. She's an engineering student

"Hm? I will try to visit Tito Mike's firm po ma" sagot ni ate

"Hm? So pupunta ka ng Manila?" Tumango ang kakambal ko. Hindi ako nagsalita kasi nasasaktan ako. Ayokong magkalayo kami.

"So aalis ka talaga?" Tanong ko sa kambal ko nang nasa kwarto na kami

"Anna please understand, ito ang pangarap ko" sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko

"P-pano naman ako? Maiiwan lang ako dito?" Tanong ko

"Pwede mo naman akong bisitahin sa Manila kung gusto mo" sagot niya. Tumango ako pilit na inintindi ang sitwasyon

Nagsimula akong magturo sa mga kabataan bilang volunteer sa probinsya namin. Hindi nagtagal at may nag offer sa akin sa Manila. At dahil miss na miss ko na ang kambal ko ay tinanggap ko ito.

"A-anna" gulat niyang tanong nang makita niya ako sa labas ng apartment niya. It's been almost a half year simula nang magka hiwalay kami.

"Yanna!" I said at niyakap siya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Hindi ko muna siya sinagot at dali-daling pumasok sa apartment niya.

"Gues what? May trabaho na rin ako dito sa Manila! Gosh Yanna! Mas malapit na ako kay Ken at SB19" halos mag ningning ang mga mata ko sa naisip. Hindi nagsalita ang kapatid ko at kinuha ang isang picture frame na hindi ko nakita ang larawan. Hindi ko rin naman siya kinulit dahil masyado akong okopado sa isiping mas malapit na ako sa mga idol ko.

"I'm busy I'm so sorry bal, baka sa susunod na lang. Pupunta ako riyan sa apartment mo" kumunot ang nuo ko.

"Whose bal?" I asked at sumulpot sa harapan niya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya at dali-daling ibinaba ang cellphone.

The Truth Behind The Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon