Chapter 2: The past

342 15 0
                                    

Avyanna POV.

Pagka-park ko ng motor sa labas ng inoopahan kong apartment ay nagmamadali akong pumasok. Inilapag ko kaagad ang aking mga gamit sa mesa bago nilakad ang distansya ng maliit na sala at kwarto. Napangiti ako ng makita ang batang mahimbing natutulog sa kama. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nilakad ang distansya ng pinto at kama. Hinaplos ko ang buhok nito kaya napa mulat ito ng mata.

"M-ma" maliit na tinig na saad nito habang kinukusot ng maliliit niyang mga kamay ang kaniyang mga mata.

"Tulog ka na ulit nak" sabi ko habang hinahaplos parin ang kaniyang buhok. Hindi na ulit ito umimik at natulog nalang ulit.

Nang masigurong natulog na ito ay tumayo na rin ako at ginawaran ng halik ang kaniyang noo bago nag lakad palabas ng kwarto at ini-ayos ang aking mga gamit sa mesa.
Matapos kong maisaayos ang lahat ay nag balik ako sa kwarto at nag bihis ng pambahay ng biglang nag ring ang cellphone ko na naka lagay sa sala. Tinapos ko lang ang ang pag bibihis bago pinuntahan at tiningnan ang caller name bago ko ito sinagot.

"Hello Ann nasa apartment ka na?" Tanong ng nasa kabilang linya. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot

"Aahh oo kararating ko lang din, ikaw asan ka na?" Tanong ko pabalik

"Papa-uwi na rin, sorry ahh? Hindi ko na bantayan ngayun si Kenji may fan meeting kasi ang A'Tin eh, alam mo na bilang admin dapat andun ako"tumango lamang ako.
"Sayang nga wala ka eh, hinahanap ka ng ibang member"

"Sorry talaga, alam mo naman ang sitwasyon ko"

"Okay lang, alam ko naman na para sa inyo ni Kenji din iyang ginagawa mo. Oh andito na ako sa labas buksan mo na ang pinto hehe" dali-dali ko namang pinatay ang tawag bago pinihit ang pinto.
Ganyan talaga si Cath, pag pauwi na tumatawag iyan lalo na pag nag tataksi, wala kasi daw siyang tiwala sa ibang driver.

"Good evening bebelabss" bati niya sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Komusta ang boys?" She giggled bago ako binitawan.

"Ayun okay lang naman, masyado na silang pagod kaka-practice saka sa mga events na kanilang pinupuntahan."sagot ko habang sinasarado ang pinto.

"Haluhhh kawawa naman bebeboyss ko huhu" napa iling na lang ako habang naka upo sa sofa
" ehh ikaw? Baka binubusohan mo na si Ken doon ah? Naku!" Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari kanina. Shit nakaka kaba iyon

"Uuyy wala ah!!" Depensa ko kaagad na ikina kunot ng noo niya.. shiitt baka mag hinala to!

"Eehhh?? Bakit defensive ka masyado?"naka ngisi niyang saad

"Defensive ka riyan, eh sa wala naman talaga!"

"Wee? Niwala ako?"

Tumayo ako habang naka ngisi pa rin siyang naka tingin sa akin.

"Bahala kajan!" Sabay lakad ko paalis

"Naku naku naku naku! Huwag ako hooyy!! Ilang taon ka nang nag nanasa kay manok kaya di mo ako maluluko! Pinag aagawan niyo pa nga siya'ng dalawa ni Vince---" natulos ako sa kina tatayuan dahilan para matahimik siya.

Unti-unti na namang bumabalik sa akin ang nakaraan, ang malagim na nakaraan na pilit kong kinakalimutan.

"S-sorry Ann" puno ng pagsisising saad ni Cath, humugot ako ng malalim na hininga bago nag salita

"Okay lang, huwag mo nalang ulitin" wala ni isa ang umimik sa amin pagkatapos kong magsalita kaya nag lakad na ako papasok ng kwarta.

Hinarap ko ang anak kong natutulog ng maramdaman ko ang pag landas ng masaganang luha sa aking mga mata.

'It's been five years, pero hanggang ngayun nasaktan parin ako. It's been five years pero hanggang ngayun sinisisi ko parin ang sarili ko, it's been fuckin five years pero hanggang ngayun kinakain parin ako ng konsinsya ko. It's been fuckin five long years pero hanggang ngayun hindi ko parin makalimutan ang pagka wala mo.'

I look at frame at the bedside table, it was me, Cath and Vince. The last photo of us sa last concert ng sb19 na kasama namin si Vince.
Unti-unti kong hinawakan ang frame at hinimas ang ang parte ng mukha ni Vince

"A-I am so sorry Vince, miss na miss na kita, ang daya mo naman k-kasi iniwan mo naman ako. A-akala ko ba a-ayaw mong ipaagaw si manok?" Pinunasan ko ang mga luha na mas nag uunahan sa aking mga mata.
Sariwa pa rin sa ala-ala ko ang pangyayaring iyon, ang pangyayaring pagsisisihan ko buong buhay ko.
Ang pangyayaring nag wasak sa buo kong pagka tao.

"K-kung hindi lang sana ako nagpa dala sa alak, edi sana b-buhay ka pa ng-ngayun--"

"M-ma??"
Ibinaba ko ang frame sa lamesa habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi bago naka-ngiting hinarap si Kenji
"Umiiyak ka po?" Enosente nitong tanong kaya ngumiti ako at mahinang umiling

"Hindi nak, nagka tuwaan lang kami ng tita Cath mo kaya maluha-luha ako" kinusot na naman nito ang kaniyang mga mata bago humikab kaya nahiga na rin ako sa tabi niya.
"Sege tulog ka na ulit"

"Sege po ma, I love you po, goodnight po" naka ngiti nitong saad bago pumikit ulit ang mata.

"I love you din nak, sleep tight" naramdaman ko ang pag yakap niya kaya napangiti ako.

Ang gabing iyon ang pinaka pinagsisisihan ko, pero hindi ko rin tuloyang makalimutan kasi kasabay ng gabi ng dahilan ng aking kalungkotan at pagsisisi ay ang gabi kung kailan na na boo si Kenji

.............

Ipagpapatuloy mga kapatid...

Ps: mga kapatid ang estoryang ito ay mangyayari pa lamang... charooottt I mean parang sa future na, so mga 10years after na ganun. Okay? So subrang sikat na nila sa mga panahong ito hahahaha

The Truth Behind The Lies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon