ANG panahon ng taglagas ay nalalapit nang matapos. Nalaglag na ang lahat ng mga dahon sa lupa. Ang mamulamulang kulay na hinaluan ng kulay kahel ang siyang makikita sa bawat daan. Mga tuyong dahong kumakalat sa kapaligiran. Unti-unti na ring lumalamig at sa pagtatapos ng taglagas, sasapit na ang taglamig.
Huling Linggo sa buwan ng Nobyembre sa kalendaro ng Alemeth. Ngayong araw ng Lunes, napagpasyahan ni Azurine na gamitin ang ibinigay sa kanyang memory potion ni Seiffer.
Matapos maglinis ng silid aklatan, nagtungo si Azurine sa silid tanggapan ni Seiffer. Nabigo siya ng hindi makita roon ang hinahanap. Kumatok ngayon siya sa sekretong silid, maaaring naroon si Seiffer kasama ni Seiffy.
Bumukas ang pinto, tama nga ang hinala niya. Tumuloy siya at tinawag si Seiffer, "Ginoo?"
"Ano'ng kailangan mo?" tipid na sagot ni Seiffer.
"Wow! Lumaki na naman si Seiffy?" gulat ni Azurine nang makitang nakasandal si Seiffer sa tiyan ng pulang dragon. Hindi na siya baby dragon ngayon. Kaunti na lang at hindi na siya magkakasya sa loob ng silid. Halos sakupin na ng dragon ang buong sahig. Hirap nang humakbang si Azurine para makarating sa kinasasandalan ni Seiffer. Sumandal din si Azurine sa tabi ni Seiffer.
"Iniisip ko nang ilipat si Seiffy sa ibang lugar. Isang malaki, malawak at ligtas na lugar para sa tulad niyang dragon." Hinimas-himas ni Seiffer ang ulo ni Seiffy na lumalambing sa mukha niya.
"Bakit ba siya lumaki nang ganyan kaagad?"
"Kailan ko lang nakumpirmang kumakain ng mana ang pulang dragon na 'to. Hinalughog ko ang aklatan at nahanap ko ang tungkol sa kanila. Crimson dragon, mga dragon na bumubuga ng apoy. Malakas silang kumain ng mana at ito ang dahilan ng mabilis niyang paglaki. Sa susunod na buwan maaaring umabot na siya sa hustong gulang kung saan, matutunan na niyang maglabas ng apoy mula sa loob ng kanyang tiyan. Kailangan na rin niyang ikampay ang mga pakpak niya't matutong lumipad. Kailangan ko na siyang ilantad sa buong mundo."
Napansin ni Azurine ang pagiging seryoso ni Seiffer. Nalulungkot din siyang marinig na hindi na nila maaaring itago pa si Seiffy sa loob ng silid. Nangangamba rin siya sa kaligtasan ng dragon. Siguradong mabibigla ang mga tao at marami silang iisiping masamang bagay. Dahil matagal nang tumatak sa isip ng mga mamamayan na ang mga nilalang na katulad ng dragon ay matagal nang naubos. Ang pangmalawakang digmaan ng kontinente ay naganap noong sinaunang panahon. Kasali sa digmaang ito ang iba't ibang uri ng nilalang kabilang ang mga dragon. Tanging mga pantas at natitirang salamangkero na lamang ang may nalalaman tungkol dito.
"Siya nga pala, Ginoong Seiffer, napag-isipan ko nang gamitin ang memory potion ngayong araw," mahinang sabi ni Azurine.
"Gano'n ba?" tipid na sagot ni Seiffer. Tila ang malungkot na awra ay ayaw pang umalis sa paligid nila. "Hay!" Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Seiffer.
Humarap si Seiffer kay Azurine saka inilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga.
"G-Ginoo?" taka ni Azurine sa malagkit na pagtitig ni Seiffer sa kanya.
Nang mapansin ng babae na parang mapungay ang mga mata ni Seiffer. Pumipikit-pikit ang talukap ng mga mata ng binata't bumabagsak-bagsak ang ulo nito. Nang tuluyang matumba sa malambot na hita ni Azurine ang ulo ni Seiffer.
"Hala! G-Ginoong Seiffer! Ayos ka lang ba?!" Sandaling kinabahan si Azurine sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin, sa isip niya'y baka dinapuan ng sakit ang pinagsisilbihan niya. "M-May masakit ba sa 'yo? Ginoo!" Ipinatong ni Azurine ang kamay niya sa noo ni Seiffer.
Hinimas niya ang noo nito para kumpirmahin kung may sakit nga si Seiffer. Nang ilapit ni Azurine ang tainga niya sa nakaharap na mukha ni Seiffer...
![](https://img.wattpad.com/cover/211897413-288-k55314.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mermaid, the Prince and the Wizard
FantasyA trilogy fantasy novel. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tang...