Mermaid's Tale: The War Begins

28 2 0
                                    


MATAPOS magpaalam sa pamilya ni Azurine, nagtungo kaagad sila kweba ni Coralla. Malapit na ring maubos ang mahikang inilagay ni Seiffer sa kanila para makalangoy sa ilalim ng dagat. Nang makarating sa kweba muling pinag-usapan nila ang tungkol sa sumpang nakapaloob kina Azurine at Octavio.

"Tulad sa sinabi ko, kung gusto ninyong matanggal ang sumpa kailangan ninyong talunin ang mismong gumawa ng kasulatang nilagdaan ninyo. Walang iba kundi si Dark Lord Hellsing. Babalik kayo sa pagiging sirena at pugita at muli na kayong makakalangoy sa maalat na tubig ng dagat."

"Ibig sabihin hindi na kami magiging tao tulad ng hitsrua namin ngayon?" tanong ni Octavio.

"Oo naman. Dahil hindi naman talaga kayo nilalang ng lupa. Maliban na lang kung ayaw n'yo nang bumalik sa pagiging sirena at pugita. Gusto n'yo nang manatili sa anyong tao?"

"P-Pwede ba 'yon?" singit na tanong ni Azurine.

Tumingin si Corala kay Seiffer. "Hindi ba't anak ka ni Gillheart Wisdom? Kilala siyang makapangyarihang black wizard sa kasaysayan. Isa siya sa nakipaglaban sa unang digmaang pandaigdigan kaya niya nakuha ang titulong 'The Great Black Wizard of Alemeth'."

"Ano'ng kinalaman ng baliw kong ama sa tanong ni Azurine?"

"May alam siyang magic spell na kayang baguhin ang anyo ng isang indibidwal. Kaya niyang gawing permanente ang pagiging tao ng dalawang 'to." Nagtungo si Coralla sa malaking aklat na nasa mesa. "Sasang-ayon ako sa sinabi mong baliw nga ang ama mo. Makasarili siya, kapag may gusto siyang gawin ginagawa niya nang malaya. Kahit nga ang pag-ibig niya sa 'yong ina, ginawa niya ang lahat."

"Tama na ang tungkol sa kanila. Batid ko ang ginawa ng baliw kong ama para sa aking ina. Pero kung totoo ang sinabi mo na may kaalaman ang aking ama para maging tao nang tuluyan sila Azurine at Octavio... ano pang saysay ng pagpatay kay Dark Lord Hellsing? Hindi ba pwedeng hanapin ko na lang ang baliw kong ama at hilingin sa kanya na gawing permanente ang pagiging tao nila?"

"Hindi maaaring baliin ang kasulatang nilagdaan nila. Kailangan munang malinis at walang sumpa ang kanilang katawan bago gawin ng iyong ama ang magic spell na 'yon. Siguradong iyon din ang sasabihin ng iyong ama. Tanggalin mo muna ang sumpa bago mo sila gawing permanenteng tao." Matalim na tingin ni Coralla kay Seiffer. "Kung tapos na kayo sa pagkunsulta sa akin, maaari na kayong bumalik sa lupa. Mauubos na ang mahikang inilagay mo sa katawan ninyo."

"Tama ka." Ibinaling ni Seiffer ang pansin sa dalawa. "Kailangan na nating bumalik sa lupa." Hinawakan niya sa balikat si Azurine. "Tayo nang umuwi, Azurine."

"G-Ginoong Seiffer." Tumango si Azurine.

"Hoy! Teka! Huwag n'yo 'kong kalimutan!" Tumakbo pasunod si Octavio, hinabol ang dalawa sa paglabas sa pinto ng kweba ni Coralla.

***

MATAPOS ang mahabang paglangoy nakabalik na sila sa mabuhanging baybayin ng tabing dagat. Naunang umahon si Seiffer bago inalalayan si Azurine. Itinaas niya ang kamay niya't itinutok sa katawan ng dalawa. Tinuyo niya ang kanilang damit gamit ang mahika.

Nasa baybayin sila ng Apores, nang tawagin ni Seiffer ang matagal na niyang na-miss na kaibigan.

"Knowledge!"

Sumulpot sa kalawakan ang kwagong si Knowledge kasama niya ang malaking pulang dragon na si Seiffy.

"Aba! Si Seiffy!!" tuwang tawag ni Azurine.

Graww!

Bakas sa tuwa ang crimson dragon nang muling makita ang kinikilala niyang magulang na si Seiffer at mga kaibigang sina Azurine at Octavio.

The Mermaid, the Prince and the WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon