UMALINGAWNGAW ang mga sandata ng dalawang naglalabang panig. Ang hukbong pinamumunuan ni Prinsipe Eldrich kasama ng mga mahikero ng Oero, ilang sundalo ng Elgios at sundalo ng Sario. Kalaban nila ang mga kilabot ng karagatan, mga magnanakaw na siyang tinutugis ng mga kaharian, ang mga pirata.
Kasalukuyang nakikipagtagisan ng espada si Eldrich kay Zanaga. Pinigilan niya ang banta nitong pagpaslang sa kapatid niyang si Seiffer. Nakakuha naman ng tyempo ang ilang kawal at kanilang nabawi ang dalawang bihag.
"Tatapusin ko na rito ang kasamaan n'yo, mga pirata!!!" sigaw ni Eldrich. Gigil na gigil siya sa bawat paghataw ng espada niya na nasasalag naman ni Zanaga.
Kahit iisa na lang ang kamay ng pinuno ng pirata, malakas pa rin itong humataw gamit ang two handed sword niyang gamit. "Nagkakamali ka nang iyong inaakala! Akala n'yo naisahan n'yo kami sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga mahikero ng Oero!" Hinataw ni Zanaga sa kaliwang gilid ang bitbit niyang sandata.
Mabilis ang pagkilos ni Eldrich at kanya itong nailagan. "Alam kong may mga nagtatago pang kasamahan n'yo! Nasaan ang dalawa pang hari ng karagatang kasama mo?!!!" Nilusob ni Eldrich pasulong ang kanyang espada puntirya ang dibdib ni Zanaga.
Humawi sa hangin ang matalas na dulo ng espada ni Eldrich. Nadaplisan niya sa dibdib si Zanaga nang umatras ito nang mabilis. Pawang hinihingal ang dalawa sa laban nila. Walang gustong magpatalo at walang gustong mamatay. Nang ngumisi nang malaki si Zanaga't tumawa ito nang malakas.
"Tapos na ang oras! Aatras na kami!" Mabilis na tumalikod si Zanaga't tumakbo patungo sa pangpang kung nasaan ang barko nilang mga pirata. Sumigaw si Zanaga sa mga tauhan niyang nakikipaglaban sa ibang mga sundalo.
"Atras na!!!" mariin nitong utos.
Marami nang nalagas sa tauhan ni Zanaga, gano'n din sa panig nina Eldrich. Nang magsipag-atrasan ang mga pirata patungo sa pangpang.
"Maganda ang tinig na bumabalot sa ating labanan, Prinsipe!" ngumisi nang nakakaloko si Zanaga na siyang ipinagtaka ni Eldrich. "Ano'ng akala n'yo hindi namin alam? Mga duawag kayong nagtatago sa likod ng isang babae! Mga umaasa sa healing magic ng isang—"
"Boss, narito na ang lahat!" sabat ng isa sa tauhan niyang pirata.
Halos lahat ng mga naglalaban ay may naririnig na awiting nakakabighani. May dulot itong healing magic sa mga kakamping panig nina Eldrich.
Susunod pa sana si Eldrich nang pigilan siya ni Seiffer. "Eldrich, nasaan sina Azurine?!" mabilis niyang tanong.
Umiling si Eldrich. "Wala sila rito, may ipinakiusap ako kay Azurine. Isang mahalagang gawain ang gagampanan niya na inutos ko sa kanya."
"A-Ano'ng inutos mo sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Seiffer.
Natigil si Eldrich at ibinulong sa kanya ang mahalagang gampaning inutos niya sa dalaga.
(Flash Back)
(Bago ang paglalayag nila patungo sa isla ng mga pirata)
"Gusto ko ring tumulong, Prinsipe Eldrich!" sambit ni Azurine. Nasa loob sila ng silid sa loob ng barko. Tanging silang tatlo ni Octavio ang naroon.
"Delekado! Ayokong mapahamak ka. Isa pa, nasa gitna tayo ng karagatan. Sa oras mabasa ang mga paa mo ng tubig alat ng dagat babalik ang buntot mo," paliwanag ng prinsipe.
"Alam ko! Pero, sawa na akong palagi na lang akong pinagtatanggol! Gusto kong tumulong! Lalaban din ako!" matapang na pahagay ni Azurine.
Napaisip si Prinsipe Eldrich. Itinuon niya ang hinlalaking daliri sa ilalim ng baba. "Kung gano'n may isa akong ipapagawa sa 'yo na tanging ikaw lang ang may kakayahang gumawa."
![](https://img.wattpad.com/cover/211897413-288-k55314.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mermaid, the Prince and the Wizard
FantasyA trilogy fantasy novel. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tang...