(Continuation of Flashback)
HINDI pa rin mapakali si Eldrich kakaisip kina Azurine. Wala na silang masagap na balita sa mga pirata. Maging ang ginawang pagliligtas ng kapatid niyang si Seiffer ay wala na rin siyang alam. Tanging ang magagawa na lang nila ay sundan ang dereksyon nang huling tanda na iniwan ni Seiffer sa langit.
"Hindi ko na alam kung tama pa ba itong tinatahak nating dereksyon!" Napahataw nang malakas si Eldrich sa mesa.
Hinawakan siya ni Zyda sa magkabilang braso para pakalmahin. "Eldrich, huminahon ka. Siguradong maililigtas natin si—"
"Paano ako hihinahon?!" sabat ni Eldrich sa pagpapakalma ni Zyda. "Tch! Kung alam ko lang sana sumama ako kaagad kay Seiffer patungo sa barko ng mga pirata!"
Natahimik si Zyda sa galit na pananalita ni Eldrich. Mainit ang ulo nito at wala sa mahinahong pag-iisip. Sa bawat paghinga ni Eldrich, damang-dama ang bigat at pag-aalala nito kay Azurine.
Nang marinig nila ang malakas na ingay ng mga kawal sa labas. Mabilis na lumabas sina Eldrich at Zyda patungo sa ship deck upang alamin kung anong dahilan ng kaguluhan ng mga sundalo."Mahal na Prinsipe, tingnan n'yo po!" Turo ng isa sa mga kawal nang makita nito ang paglabas ni Eldrich.
Napatingala silang lahat sa langit. Isang umaapoy na bola ng liwanag ang papalapit sa kanaroroonan nila. Mula sa langit bumubulusok ito paibaba patungo sa barko nila. Isang malakas at mainit na hangin ang nagpaatras ng bahagya sa barkong sinasakyan nila.
"A-Ano 'yan?!" takang tanong pa ng isang sundalo.
Hindi naman nagpatinag si Eldrich, mabilis niyang binunot ang kanyang espada at inihanda ang sarili.
"Hoy! Eldrich!!!"
Pamilyar ang sigaw na narinig ng prinsipe. Ibinaba niya ang sandata niya't isinuksok sa kanyang scabbard.
"Eldrich!" Lumapit si Zyda sa tabi ni Eldrich habang nakatingala ang prinsipe at hinihintay na lalong lumapit ang lalaking tumawag sa kanya mula sa itaas.
Lalo pa silang nagulat nang makita ang kulay pula at malaking dragon na lumilipad sa kanilang harapan. Sakay nito ang lalaking tumawag kay Eldrich, walang iba kundi si Seiffer.
Tumalon si Eldrich patungo sa ibabaw ng ship deck. "Eldrich—""Nasan sina Azurine?"
Hindi pa man tapos si Seiffer sa pagsasalita nang sumabat si Eldrich at hinanap ang dalawang nabihag ng mga pirata.
Umiling ng ulo si Seiffer. "Pasensya na, hindi ko sila nagawang iligtas. Nabihag din nila ako sa kabutihang palad nakatakas lang ako... pero sina Azurine at Octavio, dinala sila sa Hilgarth..."
Nanlaki ang mga mata nina Eldrich at Zyda nang marinig ang Hilgarth. Parehong hindi pa nakakatapak ng kontinente ng Hilgarth sina Eldrich at Zyda. Maging ang ibang mga tao ay walang alam sa kung anong mayroon sa Hilgarth at iba pang kontinente. Matapos kasi ang unang digmaang pandaigdigan at dito nahati ang mundo sa apat na kontinente. Walang gustong tumapak sa ibang kontinente dahil na rin sa takot. Isa sa napagkasunduan ng mga nagkakaisang bansa sa Sallaria na hinding-hindi sila makikipag-ugnayan sa labas ng kontinente nila. Kaya ngayon, palaisipan sa kanila kung ano ang mayroon sa kontinenteng hindi pa nila napupuntahan. Maliban sa mga kwentong-bayan na napapabalita at pandaigdigang pahayagan na nilalathala ng mga manlalakbay na manunulat dito lamang sila kumukuha ng impormasyon.
Ang pahayagang pandaigdigan o mas kilala sa tawag na 'Moonlight Times' ay naikakalat sa buong mundo sa pamamagitan ng mahiwagang papel o tinatawag nilang 'Mystical Bird'. Ayon mismo sa pangalan nito na tila ibong lumilipad ay naikakalat ng mga manunulat ang kanilang mga nakalap na balita. Isang sekreto ang kanilang palimbagan kung saan at ilan sila ay wala pang nakakaalam.
Lumapit si Seiffer kay Eldrich. "Eldrich, kailangan na nating umalis ngayon din!"

BINABASA MO ANG
The Mermaid, the Prince and the Wizard
Viễn tưởngA trilogy fantasy novel. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tang...