Mermaid's Tale: Secret Reveal part - 1

37 2 0
                                    


NAGULAT si Azurine nang makita si Prinsipe Eldrich sa loob ng palasyo ng Elloi. Maging si Eldrich ay nagtaka kung bakit naroon si Azurine kasama si Seiffer.

Nasa mahabang mesa sila kung saan nakaupo sina Azurine, Seiffer at si Prinsipe Cid. Kararating lang sa palasyo saka kapapasok lang sa silid kainan nang makita niyang nakaupo roon ang dalawa.

Nagkatitigan muna sila ni Seiffer bago nagtanong si Eldrich, "Anong ginagawa n'yong dalawa rito sa Elloi?" seryoso nitong tanong.

"Hmmm...wala naman, dumadalaw lang sa kaibigan, 'di ba, Cid?" nakakalokong sagot ni Seiffer na may nakakalokong ngiti.

"Hoy! Huwag mo 'kong idamay d'yan. Nagulat nga ako sa bigla mong pagpunta rito," pagtanggi ni Cid, umiling-iling ang ulo niya.

Nakatakda talaga ang pagpunta ni Eldrich sa Elloi upang kausapin si Prinsipe Cid. Bilang susunod na hari dapat nitong iulat ang estado ng kanilang kaharian. Lalo na't may kasunduan ang lahat ng bansa sa Sallaria. Katulong din ng Elloi ang Alemeth sa pagsupil sa mga pirata ng dagat.

Tumutulong din ang Alemeth sa mga mamamayan ng Elloi, marami silang inaangkat na produkto galing sa Alemeth.

"Ahem, siguro mamaya n'yo na lang pag-usapan ang ibang bagay. Tayo na't pag-usapan muna ang importanteng diskusyon sa ating kaharian," saad ni Prinsipe Cid.

Iyon nga ang nangyari, pinag-usapan nila ang mahahalagang bagay na makapagpapabuti sa relasyon ng dalawang bansa. Highlight ng pag-uusap nila ang ipapadalang hukbo ng Alemeth upang magbantay sa baybayin ng Elloi. Balak nilang tugisin ang mga pirata ng dagat.

***

MATAPOS ang mahalagang pagpupulong, nagtungo ang hukbong pinapangunahan ni Prinsipe Eldrich kasama ng hukbo ng pinamumunuan ni Prinsipe Cid. Nagtungo sila sa baybayin ng Lagoon. Ang Lagoon ay lupain sa tabi ng dagat, walang naninirahan dito dahil lahat ng mga tao ay nasa loob ng pader ng Elloi.

"Roronda kami sa gawing kanan ng aking hukbo, kayo nama'y sa kaliwa magtungo," suhestyon ni Prinsipe Cid kay Eldrich.

"Oh, sige. Gumawa ka ng signal kapag may namataan kayong kalaban," sagot ni Prinsipe Eldrich.

Tumakbo sakay ng kanikanilang kabayo si Prinsipe Cid ang mga kawal niya.

Samantala, kasama naman ni Eldrich sina Azurine at Seiffer. Nakasakay si Azurine sa likod ni Prinsipe Eldrich habang nasa ibang kabayo naman nakasakay si Seiffer nang nag-iisa.

"Mga kawal! Magmatyag kayo rito, tatahakin namin ang baybayin sa kaliwang dereksyon. Maghintay kayo rito at kapag nakita ninyo ang signal ng kabilang hukbo o signal ko ay kaagad kayong sumunod," buong tikas na utos ng prinsipe.

"Masusunod po Kamahalan!" sabay-sabay sagot ng mga kawal.

Tumakbo patungo sa kaliwang dereksyon sina Eldrich, habang naiwan nang tuluyan ang mga kawal doon.

Sa mabilis na pagtakbo ng kabayo ay sandaling nahinto ito at nagpatuloy sila sa mabagal na paglakad ng kabayo.

"Ngayon tayong tatlo na lang ang magkakasama, ipaliwanag n'yo na kung bakit kayo na rito sa Elloi?" mariing tanong ng prinsipe.

Hindi naman nakasagot kaagad si Azurine. Hinihintay ng dalaga na magsalita si Seiffer, ayaw kasi niyang may masabing hindi dapat masabi lalo na ang tungkol kay Seiffy.

Lumingon si Eldrich kay Seiffer. "Baka may gusto kang sabihin sa akin, kapatid ko?"

"Hmmm...," waring nag-iisip si Seiffer ng isasagot. "Wala naman! Napadalaw lang talaga ako rito, iyon lang."

The Mermaid, the Prince and the WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon