NAPANSIN ni Azurine ang matalik niyang kaibigang si Octavio. Nakatago ang binata sa poste kung saan pinagmamasdan niya ang nakaupong Prinsesa Lilisette sa damuhan ng hardin.
"Ang cute talaga ni Prinsesa Liset, noh?"
"O-Oo talagang ma—" Napalingon ito sa gilid niya. "Nyaahh! I-Ikaw pala, Azurine." Hindi niya namalayang tinabihan na pala siya ni Azurine. Namula ang buong mukha ni Octavio sa hiya.
"Bakit hindi mo siya lapitan at kausapin?"
"Ano ka ba! Isa siyang prinsesa at ako...," nahinto siya sa pagsasalita nang bigyang sulyap niya ang prinsesa. "Isa lamang akong katulong. Katulong ng pasaway na prinsipeng 'yon!"
"Narinig ko 'yon!" Sumulpot sa kung saan si Seiffer. "Prinsesa Liset!!!" tawag niya sa prinsesa na siyang ikinalingon nito.
"Kuya Seiffer!" Kumaway pabalik si Prinsesa Liset.
Lalo pang isinuksok ni Octavio ang sarili niya sa likod ng poste. Halatang-halata ang kabadong binata nang mapansin sila ng prinsesa.
"Okay ka lang ba, Octavio?" tanong ni Azurine.
"Syempre, hindi." Gumuhit ang nakakalokong ngiti ni Seiffer. "Ayan at papalapit na siya." Halatang tinutukso niya si Octavio.
"Tumigil ka nga! Pahamak ka talaga!" sigaw ni Octavio. Nang mamalayan niyang nasa harapan na niya ang napupusuan niyang prinsesa.
"Sinong pahamak?" nagtatakang tanong ni Prinsesa Liset. "At bakit ka nagtatago diyan sa likod?" usisa pa niya.
"Ah! A-Ano, w-wala naman!" Nagtago si Octavio sa likod ni Seiffer. "A-Anong gagawin ko?" bulong niya.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Sumilip si Liset sa likod ni Seiffer kung saan kabadong nagtatago si Octavio. "Gusto mo bang makipagkwentuhan sa akin?" aya ng prinsesa.
"A-Ano? kwentuhan? S-Sa 'yo?"
"Oo naman! Hinihintay ko kasi si Lady Zyda, ang alam ko kasi kasama niya ngayon si Prinsipe Eldrich." Pansamantalang ibinaling ni Liset ang pansin kay Seiffer. "Itong si Kuya Seiffer naman, may ginagawa."
"Hindi ko pa kasi tapos utusan 'tong katulong ko na maglinis ng silid. Kaya tama ka, itong si Octavio muna ang kausapin mo."
"Oh, hayan si kuya Seiffer na mismo ang nagsabi. Tara!" Hinawakan ni Liset ang kamay ni Octavio saka hinatak ito palabas sa likod ni Seiffer.
"S-Sandali lang! H-Hindi ba ako tutulong sa paglilinis?"
"Huwag kang mag-alala, kasama nman ako ni Azurine sa kuwarto, nyahahaha!" Tumawa nang nakakaloko si Seiffer.
"H-Hindi maaari!!!" bulyaw ni Octavio. "Huwag mong gagawan ng kamanyakan ang Pri—ang ibig kong sabihin si Azurine!"
"Masyado ka namang mapanghusga, Octavio." Kapagganitong lumalabas na ang pangil ni Seiffer, ibig sabihin tuwang-tuwa siya sa panunukso sa tao. Umiral na naman ang kapilyuhan niya at si Octavio ang madalas niyang pag-trip-an.
Binitiwan ni Liset ang kamay ni Octavio. "Hindi mo ba gustong makipagkwentuhan sa akin?" Para siyang maamong pusa na kumikinang ang mga mata sa pagkalungkot. Sino bang hindi maaawa sa mga matang iyon?
"G-Gusto ko! Ang totoo n'yan, gusto talaga kitang makilala nang husto, Prinsesa Liset!" ani Octavio.
Lumiwanag ang paligid, tila kuminang at nagkaroon ng bahaghari ang nasisilayan ni Octavio nang ngumiti si Liset. Para siyang nasa langit. Inaawitan siya ng mga anghel sa sobrang ka-cute-an ni Prinsesa Liset.
![](https://img.wattpad.com/cover/211897413-288-k55314.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mermaid, the Prince and the Wizard
FantasiaA trilogy fantasy novel. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tang...