Mermaid's Tale: Abduction and Allies

24 3 0
                                    


NALAMAN nina Prinsesa Zyda at Prinsesa Lilisette na isang prinsesa ring tulad nila si Azurine. Hindi nga lang nila alam kung saang bansa ito nagmula. Syempre joke lang ang kaharian ng lumbalumba. Walang gano'ng bansa. Pilit mang paaminin si Prinsipe Eldrich, ay wala silang napala.

Sinabihan ni Eldrich ang ama niyang hari at reyna na napuwiin na ang dalawang prinsesa sa kanilang bansa. Subalit si Zyda mismo ang ayaw umalis sa tabi ni Eldrich. Habang si Liset nama'y walang tutol sa desisyon ni Eldrich. Gusto na rin nitong umuwi sa Sario upang makita ang kanyang amang hari.
Dahil dito, inatasan si Seiffer na samahang ihatid si Liset sa kanilang bansa. Sakay ng malaking barkong panlayag, sinamahan ni Seiffer si Liset pauwi. Kasama rin nila ang ilang kawal ng palasyo upang magtanggol sa kanila. Alerto rin ang pinadalang espiya ng kaharian ng Alemeth upang mag-ulat kung sakaling sumalakay ang mga pirata.

Sa loob ng silid ni Prinsipe Eldrich, buong siglang ginagawa nina Azurine at Octavio ang trabaho nila bilang personal na katulong ng prinsipe.

Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ni Octavio na siyang kumuha ng atensyon ni Azurine.

"Nasaan na kaya sila ngayon?" Tinutukoy niya si Liset. Nalungkot itong si Octavio nang malamang uuwi na ang crush niyang prinsesa.

"Huwag ka nang malungkot. Magkikita pa naman kayo sa ibang pagkakataon," panunuyo ni Azurine sa kaibigan.

"Hay! Sana nga..." nalulugmok na bulong ni Octavio.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nakaringi sila ng mabibilis na yabag sa labas ng silid. Tila pinatawag ang lahat ng kawal ng palasyo kaya ngayo'y mabilis na tumatakbo ang mga ito sa pasilyo.

Inusisa ng dalawa ang nangyayaring kumosyon sa labas. Sinilip nila sa maliit na uwang ng pinto ang nangyayaring pagkilos ng mga kawal. Nang masilayan ni Azurine si Zyda kasama ni Eldrich. Patungo sila sa malaking bulwagan kung nasaan ang trono ng hari at reyna.

"Mukhang may nangyayaring kaguluhan, Azurine." Isinara ni Octavio ang pinto.

"Kailangan kong malaman kung anong nangyayari," kabadong sabi ni Azurine sa kaibigan. Palihim silang lumabas ng silid at nagtungo sa mataas na tarangkahan ng malaking bulwagan. Ito ang sentro ng palasyo kung saan tinatanggap ang mga taong nais kausapin ang hari at reyna. Dito rin ginagawa ang pag-uusap kung sakaling may iuulat sa hari o ipag-uutos mismo ang hari.

Idinikit nina Azurine at Octavio ang tainga nila sa saradong pinto upang pakinggan ang pag-uusap sa loob. Isang boses ang kanilang na rinig mula sa lalaking may malamig at misteryosong tinig.

"Ano na po ang inyong pasya, Kamahalang Hari?" malamig, misteryoso na tila walang buhay na sabi ng lalaki.

kung hindi sila nagkakamali, may hinala ang dalawa na isa itong espiya ng kaharian.

Nang marinig nila ang tinig ng prinsipe.

"Ama, hayaan n'yong sumama ako sa susunod na hukbong ipapadala para iligtas sina Prinsipe Seiffer at Prinsesa Lilisette!" mariing pahayag nito na waring nagpupumilit na sumabak sa laban.
Kinabahan ang dalawa nang marinig ang katagang sinambit ni Eldrich. "Narinig mo? Nasa panganib sina Ginoong Seiffer at Lady Liset!" aniyang may pangangamba sa narinig.

Nang bumukas ang mataas na tarangkahan, tumambad sa harap ng dalawa si Eldrich na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Azurine? Anong ginagawa n'yo d'yan sa labas?" tanong ng prinsipe.

"Ah-eh..." Nakangiwing napakamot sa ulo si Azurine.

Tumayo si Octavio't buong tapang na nilapitan si Eldrich. "Kamahalan, isama n'yo ako! Gusto kong iligtas si Prinsesa Liset!"

The Mermaid, the Prince and the WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon