MATAPOS mapinsala ng poison blade ni Soke si Seiffer, kaagad silang nagtungo kay Meister Hellena sa Oero. Bumalik sila ng Sallaria matapos nilang mailigtas sina Azurine at Octavio sa kamay ng mga pirata at ni Dark Lord Hellsing. Pagkadaong pa lang nila sa Oero, sinalubong na sila ng mga tauhan ni Hellena. Kaagad nilang ipinarating ang paghingi nila ng tulong kaya naman kaagad silang dinala sa palasyo.
Kaagad tiningnan ni Hellena ang kalagayan ni Seiffer, habang naghihintay ang lahat sa isang kuwarto kung saan sila pansamantalang pinagpapahinga.
Nakatayo si Eldrich at nakadungaw sa balkunahe, maya't maya ang lakad. Hindi mapakali ang prinsipe sa kalagayan ng kanyang kapatid. Ang lahat ay alalang-alala sa posibleng mangyari.
Lumapit si Azurine kay Eldrich. "Prinsipe Eldrich, ano nang mangyayari kay Ginoong Seiffer?" nag-aalalang tanong ni Azurine sa prinsipe.Umiling si Eldrich. "Hindi ko alam, ang magagawa lang natin sa ngayon ay maghintay." Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Azurine.
Mayamaya'y pumasok si Sanaad, siya ang pinuno ng unang hukbo ng mga mahekirong tumulong kina Eldrich sa labanan sa isla ng mga pirata.
"Prinsipe Eldrich, paki suotan nitong balabal ang dalawa n'yong kasamang babae." Ibinigay ni Sanaad ang itim na balabal upang ipangtakip sa ulo ng dalawang babae. Taning mga mata lamang nila ang nakikita. Ginawa na nila ito noon, dahil nga ayaw na ayaw na nakakakita ni Hellena ng babae sa kanyang palasyo.
"Parating na si Meister Hellena, tapos na niyang suriin si Prinsipe Seiffer."
"Salamat sa tulong." Nag-bow ng ulo si Eldrich sa harap ni Sanaad.
"Walang anuman. Maiwan ko muna kayo." Lumabas siya ng kuwarto't isinara ang pinto.
Narinig nila ang yabag ng sapatos sa labas. Nang bumukas ang pinto pumasok sa loob si Hellena. Naupo siya sa malambot na upuan saka hinarap silang apat.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa! Matindi ang pinsala ng baliw mong kapatid. Binigyan ko lang siya ng elixir para labanan ang lason pero... ang itim na mahikang pumapalibot sa kanya ay palala nang palala. Kinakain na nito ang emosyon niya't dinadala siya nito sa kailaliman ng kadiliman. Wala siyang liwanag na makikita sa paligid at ang sensyon niya'y unti-unting nawawala. Sa ngayon, naapektuhan na ang kanyang pandama, panlasa at pang-amoy. Dalawang senses na lang ang natitira." Itinaas ni Hellena ang isa niyang paa at ipinatong sa kabilang binti. "Kapagtuluyan na siyang nilamon ng kadiliman... mamatay siya!" Tumalim ang mga mata ni Hellena nang bigyang babala niya ang apat.
"Wala na bang ibang paraan para mailigtas siya?!" atubiling tanong ni Azurine.
Pinagmasdan ni Hellena ang asul na mga mata ni Azurine. "Ikaw ang prinsesang sirena, hindi ba?"
Tumango si Azurine, napayuko siya sa naramdaman niyang hiya. "Dahil sa akin... kaya siya napahamak.""Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo! Baliw lang talaga ang isang iyon, masyado siyang nagpabaya!" Tumayo si Hellena. "Sumunod kayo! May isang paraan pa para mailigtas ang buhay niya!"
Sumunod silang apat kay Hellena. Nagtungo sila sa pinakatuktok ng palasyo. Mahaba at paikot-ikot ang hagdang inakyat nila. Nang makarating sa isang silid na may kalumaan. Napapalibutan ang kahoy na pinto nito ng kakaibang sulat na nakita na noon ni Azurine at Octavio. Katulad ito sa sulat sa malaking aklat na pagmamay-ari ni Seiffer sa silid aklatan.
Hinawakan ni Hellena ang busol ng pinto. Nag-cast ng magic spell para bumukas ito. Lumiwanag ang mga sulat na nakaukit sa pinto. Bumukas ito at tumambad sa harap nila ang maraming kagamitang ginagamit ng mga witch at iba pang mahikero.
"Ito ang silid kung saan gumagawa ako ng mga potion, elixir at nagpe-perform ng magic spells."
Ang daming pamilyar na bagay ang nakalagay doon. Nakita na nila Azurine at Octavio ang mga iyon sa sekretong silid ni Seiffer. Mga empty bottle, malaking cauldron na pinaglulutuan ng mga witch, samu't-saring materyal na ginagamit sa paggawa ng potion. May malaking aklat ding nakabuklat sa ibabaw ng patungan ng aklat.
BINABASA MO ANG
The Mermaid, the Prince and the Wizard
FantasíaA trilogy fantasy novel. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tang...