NASA pamilihan si Azurine, kasama niya si Prinsipe Eldrich. Sa pagkakataong ito, hindi nakasakay sa kabayo ang prinsipe. Nagbalatkayo siya na isang ordinaryong mamimili. Nakasuot ng mahabang hooded robe, may takip ang kalahati ng mukha, tanging mata lang ang makikita. Isinama niya si Azurine upang tulungan siya sa ginagawa niyang pagroronda sa palengke.
Araw-araw itong ginagawa ni Eldrich. Isa ito sa initaas sa kanya ng ama niyang hari. Dapat mapanatili ang tamang presyo ng mga paninda at hindi lumalamang sa kapwa ang mga tindero at tindera.
May napaaulat na kasing may tindahan daw na doble kung magpatong ng presyo sa kanyang mga paninda. Lalo't katatapos lang ganapin ng Sallaria Summit Meeting. May mangilan-ngilan pa ring dumarayong mamimili na taga-labas ng bansa.
"Sigurado ka bang hindi ako makikilala sa suot kong 'to?" bulong ni Eldrich sa katabi niyang si Azurine.
"Huwag kang mag-alala Prinsipe Eldrich, hindi ka nila makikilala," paniniguro niyang sagot.
Inuna nila ang pamilihan ng mga produktong pagkain. Narito ang iba't ibang klase ng karne, isda, mga laman-dagat, bigas, prutas, gulat at iba pang pwedeng kainin o ihalo sa pagkain.
May kasikipan ang makipot na daan dahil sa dami ng taong mamimili. Laging sariwa ang mga tinda rito lalo na ang mga pagkaing pandagat. Nakita ni Azurine ang mga kaibigan niyang isda na parang nagmamaawa ang mga mata. Napakapit siya sa tela ng balabal ng prinsipe.
Nang makarinig sila ng ingay na parang may nagtatalo. May kumpulan ng mga tao sa bandang dulo. Inusisa nila kung ano ang nangyayari sa lugar na iyon. Nakisiksik sila sa mga usiserong tao na nakapaligid.
"A-Ano pong nangyayari?" tanong ni Azurine sa lalaking mataba.
"Nag-aaway na naman 'yong mag-asawa," sagot ng lalaking mukhang tindero sa suot na apron sa katawan.
"Sila na naman?" mahinang bulong ng prinsipe.
Ang mag-asawang kilala sa paaraw-araw na pagtatalo. Palagi silang nag-aaway kahit sa maliit na bagay. Madalas nilang pagtalunan ang tinitinda nilang mga isda. Mahina kasi sa pagbibilang itong si lalaki kaya naiinis sa kanya ang asawa niya tuwing kulang ang benta nila. Matakaw naman itong si babae kaya hindi sila makaipon dahil sa maya't mayang pagkain ng misis niya.
"Wala ka talagang kwentang asawa!" bulyaw ng babaeng may kalakihan ang mga braso't tiyan.
"Ikaw itong walang kwenta! Ubos ang ipon natin dahil sa katakawan mo!" sigaw naman ng asawa niyang lalaki na sobrang payat.
Nagkabatuhan pa ng paninda ang dalawang mag-asawa. Sayang ang paninda nilang mga isda. Si Azurine tuloy itong nanlulumo sa nakikita niya. Ang mga kaibigan niyang isda, basta-basta na lang inihahagis nang gano'n.
"Tulungan natin sila," bulong niya na narinig naman ni Eldrich.
Ang akala tuloy ng prinsipe ang gustong tulungan ni Azurine ay iyong mag-asawa. Humakbang patungo sa puwesto nila si Eldrich. Iniiwasan niya na parang umiiwas sa matalas na espada ang nagliliparang mga isda.
"Itigil n'yo na ang pag-aaway! Hindi n'yo ba nakikitang nakakaabala kayo sa mga tao!" matikas na pahayag ng prinsipe.
Dahil hindi nila nakilala ang tinig nito at may nakabalot sa katawan at ulo niya, binalewala nila ang sinabi ng prinsipe.
"Hoy! Huwag kang makialam dito! Away mag-asawa 'to!" Dinuro ng matabang babae ang prinsipe.
Ngayon lang iyon nangyari sa buong buhay ni Eldrich. Ngayon lang din yata siya nainsulto nang gano'n. Lalo pang ikinainis ng prinsipe, nang tamaan siya sa mukha ng malansang isda.
![](https://img.wattpad.com/cover/211897413-288-k55314.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mermaid, the Prince and the Wizard
פנטזיהA trilogy fantasy novel. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tang...