“Ginagawa mo dito?” Natatawang turan ni Julie habang nakatingin kay Elmo.
“Nakatira ako dito eh. Umuuwi ako every weekend. Ikaw bakit ka nandito?” Balik ni Elmo.
Saka naman hinarap ni Gloria si Boots. “Amiga, magkakilala na pala itong dalawang ito eh.”
“Sayang ang element of surprise ko.” Naiiling na sabi na lamang ni Boots bago hinarap ulit ang dalawang kabataan. “Magkakilala na pala kayong dalawa?”
“Magtuturo din po siya sa Zenith Academy, lola.” Ani Elmo sa kanyang lola.
Nagliwanag ang mata ni Lola Gloria. “Oo nga pala! Nakalimutan ko na doon nagtuturo itong si Elmo!”
“So kayong dalawa na ba ang magkakatuluyan?” Ani Boots na umuupo na sa tabi ni Gloria.
Julie chuckled. “Hindi daw po kasi naghahanap ng girlfriend itong apo niyo lola.”
“Tanga ka ba apo?” Biglang sabi ni Boots kay Elmo. “Ang ganda ganda nitong apo ng amiga ko tapos ayaw mo?”
Napahagalpak naman ng tawa si Gloria. “Amiga hayaan mo na ang mga bata. Kapag sila naman talaga sa dulo edi sila.”
“Hay nako.” Napaikot na lang ang mga mata ni Boots.
“Irereto mo ba kami lola?” Untag ni Elmo matapos umupo sa tabi ng kanyang lola.
“Hindi naman. Pero ngayon na nakikita ko kayong dalawa na magkasama, aba e bagay pala kayo ano?”
Tumawa naman si Gloria sa turan ng kaibigan niya. “Oo nga apo.” Sabay harap kay Julie. Tapos ay tingin naman kay Elmo. Magkatapat kasi na nakaupo ang dalawa kaya nakikita niya ng maigi mula sa pwesto niya sa kabisera. “Siguro kapag nagkaanak kayong dalawa maganda ang magiging kalabasan.”
“It’s too fast lola. Slow down.” Julie chuckled.
Napangiti si Boots. “Ang ganda ng speaking voice mo iha.”
“Oo nga.” Wala sa sarili na sabi ni Elmo habang umiinom sa kanyang kape. Pero muhkang napagtanto nito ang sinabi at nahihiyang tumingin kay Julie Anne.
Ngumisi lang ang huli kaya namula ang tainga ni Elmo.
Gloria and Boots knowingly looked at each other.
“Maganda talaga boses niyan.”
“Lola…” Tila nahihiya na sabi ni Julie sa lola niyang pinagyayabang siya.
“Aba e totoo naman apo. Hindi ba lagi ka nga nananalo sa mga singing contest noon?” Mayabang pa din na sabi ni Gloria habang si Boots naman ay kumikinang ang mata na nakikinig sa sinasabi ng amiga. “Saka diba nung bata ka, ikaw lagi ang pinapakanta sa mga reunion natin.”
While hearing all of this, Elmo turned to Julie and was smirking.
Tinaasan ng kilay ni Julie ang lalaki.
At mahinang natawa lang naman si Elmo.
“Mamaya pagkatapos natin kumain tutugtog ng piano ito si Julie Anne.” May magagawa pa ba siya e lola na niya ang nagboluntaryo?
Sinadya ata ng dalawang lola na bilisan ang pagkain dahil parehong sabik na marinig na kumanta si Julie Anne.
“Ay nako amiga sobrang proud ako dyan sa apo ko na yan gusto ko nga maging artista yan dati eh.” Tuloy na pagk-kwento ni Gloria kay Boots habang magkahawak kamay silang pumapasok sa loob ng bahay.
Nakasunod naman si Julie Anne at si Elmo habang parehong natatawa.
“You didn’t tell me you could sing.” Elmo said.
Julie smirked at him. “I’m a music teacher.” She said.
Elmo chuckled. “Ang dami ko kaya kilala na music teacher pero boses kiki.”
Hindi napigilan ni Julie ang matawa. Nakakatawa kasi yung term na “boses kiki”
“Dali apo! Tugtog ka saka kumanta!” Gloria called out. Nakatayo na kasi silang dalawa ni Boot sa tabi ng piano na nasa tabi naman ng staircase sa loob ng malaking bahay.
Julie turned to Elmo who gestured for her to head on to the piano.
Kaya naman dumeretso na si Julie Anne sa piano stool. Luma na ang instrumento pero halatang naaalagaan pa rin. She smiled as she ran her fingers through the keys.
Kung tatanungin siya, ang first love talaga niya ay ang piano. Ito kasi ang tinuro ng papa niya sa kanya.
She testes some keys first before thinking of a song.
Favorite niya ito eh. Lagi niya pinapakinggan kapag napapa senti siya sa kanyang kwarto.
She looked at her lola first and smiled before playing and singin.
'Di biro ang sumulat ng awitin para sa'yo
Para akong isang sira ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling mayro'ng tonong
Bigla na lang umusbong
Tungkol saan naman kaya'ng awitin para sa'yo
'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo
Kung ang tugma'y 'di wasto
Bastat isiping 'di magbabago
Damdamin ko sa iyo
Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit sa'n magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa
Biruin mong nasabi ko
Ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid
Laman nitong dibdib
Tila sampung tangang awitin
Matapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin
Araw-gabi
Nasa isip ka
Napapanaginip ka
Kahit sa'n magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi tayong dalawa
She finished the song with a happy sigh. She turned and saw Lola Boots wiping some tears from her eyes.
Saka naman ito lumapit at hinalikan sa pisngi si Julie. Ngumiti naman ang huli at tinaggap ang halik.
Saka siya napatingin kay Elmo. He was softly ooking at her. Parang nagulat pa nga ito nang napagtanto na nakatingin na siya dito.
Dumeretso ito ng tayo dahil nakasandal pala ito sa staircase. He gave her a soft smile.
“Ang ganda ng boses mo.”
“O apo isipin mo, ang ganda ng boses ng magiging anak niyo.” Lola Boots pointed out. “Move on ka na kasi doon sa babaeng walang binigay kundi sakit ng ulo sayo.”
“Lola.” Elmo said softly but there was a warning tone there.
Inikot lang ni Lola Boots ang kanyang mga mata.
“Iho, iikot mo nga muna si Julie Anne dito sa village at kami ng lola Boots mo ay magp-plano na lamang ng kasal niyong dalawa.” Panloloko pa sa kanya ni Lola Gloria.
Julie rolled her eyes. Pero dahil kilala niya ang lola niya, alam niyang hindi sila titigilan nito kaya sumenyas na siya kay Elmo.
“Balik na lang po kami in an hour.” She said as she kissed the two grannies’ cheeks.
Elmo did the same before the two of them exited the house.
“Sorry ah.” Tila nahihiya na sabi ni Elmo sa kanya. “Ang kulit ni lola eh.”
Naglalakad na sila sa kalsada. Mabuti na lamang at hindi na mainit dahil mga alas kwatro naman na ng hapon.
“Ganun din naman si Lola Gloria wala tayo magagawa.” Sabi ni Julie Anne.
Nagsimula lang maglakad si Elmo and Julie turned to him.
“Saan yung house niyo?” Julie asked.
Elmo pointed to the house right next to her lola’s. “That one.”
“Oh.” Tumigil muna si Julie habang tinitingnan ang bahay nila Elmo. It looked the same as theirs but just had a shade of blue as compared to their light orange one.
Nagulat siya nang nakita niyiang nagsisimula na ulit maglakad si Elmo. “Hey wait for me!”
Elmo chuckled. He had his hands inside his jacket pockets as he walked slowly. “Ang bagal ko na na maglakad eh.”
“O e sorry mas matangkad ka sa akin diba?” Irap ni Julie.
Mas lalo lang natawa si Elmo na tinuloy ang paglakad.
“Saan mo ba ako dadalhin? Ipapahanap ka ni lola kapag rineyp mo ako.”
“Asa ka naman.”
“Ay gwapo ka kyah?”
Elmo only laughed. At least medyo binagalan nito ng paglalakad. Dumeretso sila sa pinaka kanto hanggang sa mapadaan sila sa pila ng mga tricycle.
Elmo cleared his throat. Saka naman nito pasimpleng lumapit sa kanya.
He circled an arm around her. Nung una ay medyo nalito si Julie pero si Elmo ay mas hinigpitan lang ang paghawak sa balikat niya.
Hanggang sa nakapasok na sila sa playground na katabi lamang ng simbahan.
“What was that about?” Julie asked when Elmo pulled away.
Nagkibit balikat ang lalaki. “Yung mga tricycle driver kasi.”
Ah. Julie nodded her head at that. She gets it. And she smiled as she patted Elmo's face. “Thank you.”
Elmo smirked and just walked to the direction of the playground. Medyo madami ngang bata ang naglalaro pero hindi naman ganun karami.
She sat down on the swings that were a little rusted and old. Kaya siguro kakaunti lang ang mga bata na naglalaro dito.
Umupo naman sa tabi niya si Elmo at sabay lang nilang pinanuod ang mga batang naglalaro.
Ang tahimik naman kasi ni Elmo eh.
Hindi niya tuloy napigilan ang magtanong. Naalala niya kasi yung sinabi sa kanya ni Maqui.
Pati na rin yung sinabi kanina ni Lola Boots.
“Didi ano yung sinasabi ni Lola Boots kanina? Yung mag move on ka na daw?”
Tumingin muna si Elmo sa kanya. Para bang ayaw nito sumagot at magsasalita na sana ulit siya nang mapabuntong hininga ang lalaki.
“First and only girlfriend ko yon.” He replied. “Nagkakilala kami nung college. Mabait naman siya saka friendly. Kaso nung naging kami sobrang selosa niya.” Problemado na sabi ni Elmo.
He shook his head as he pushed himself on the swing using his legs.
“To the point na kapag nagalit siya e naghahagis siya ng bahay. Wala naman ako ibang linalapitan na babae.” Elmo defended himself. “It was too toxic. She was the one to break it off anyway. Pero madami siyang kasinungalingan na nag cheat daw ako sa kanya at kung ano ano pa.”
Pucha. Baka kaya takot ito magkagirlfriend.
Julie nodded her head at that. “I understand now. Ako naman hindi selosa e.” She said, turning the conversation light.
Elmo laughed slowly.
Tumawa na din si Julie. “Joke lang. Malandi lang ako pero mabait naman.”
Muling umiling lang ulit si Elmo.
Maya maya ay tumayo ito at pumusisyon sa likod ni Julie bago mahinang tinulak ang swing.
Smiling, Julie held on the chains. Feeling niya bumalik siya sa pagkabata.
“Ikaw ba? Sa ganda mong yan wala ka boyfriend?” Elmo asked as he kept pushing.
Julie shrugged as she looked at the other end of the playground.
“Sa Dallas oo. Pinoy din siya. Kaso linoko lang din ako eh. Dami pala iba't ibang babae na kinakama. Palibhasa hindi ko binigay sa kanya ano gusto niya.”
Natigilan si Elmo at naramdaman ni Julie iyon.
She laughed as she looked back at him. “Oo virgin pa ako no.”
Napaubo si Elmo na tinuloy ang ginagawang pagtulak ng swing. “Uhm. Gago boyfriend mo. Kapag special ang babae dapat naghihintay.”
“Aww you think I'm special? Thanks Didi.” Julie teased.
Elmo could only smirk as he pushed yhe swing lightly again.
Saka naman muling nagsalita si Julie Anne. “Siguro kung tayo nga, matutuwa mga lola natin no?”
Ayan tumigil nanaman sa pagtulak si Elmo.
Julie grinned as she looked at him. “Ito naman. Hindi kita pipilitin. Gusto ko kapag magkakaboyfriend ako, e yung pipiliin talaga ako at hindi napilitan lang.”
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
“Apo ihahatid mo hanggang sa apartment si Julie ah!” Ani Lola Boots kay Elmo.
Gabi sila babyahe dahil kailangan nila makabalik sa Makati kinabukasan para sa meeting ng faculty.
Hindi naman ganun ka gabi. Mga alas ocho pa lang.
“Opo la.” Elmo said.
Humalik naman si Julie sa dalawang lola. “Next week babalik po kami okay?”
“Osige apo magiingat kayo ah!” Gloria said.
Hinatid sila ng driver hanggang sakayan dahil ayaw na magpahatid ni Julie hanggang Makati.
Pinauna siya ni Elmo sa bus at sa dalawahan na silang dalawa pumwesto.
“Didi, gusto mo ng mani?” Elmo asked.
There was a glint in Julie's eye as she just looked back at him.
Napaikot mata ng lalaki at tumawa nanaman si Julie.
“Joke lang ikaw talaga!”
“Basta ako bibili.”
“Ako din!”
Kaya ayon at kumakain silang dalawa ng mani habang pabalik sa Makati.
Tahimik lang sila dahil pinili ni Elmo na makinig lang muna sa music. Napaka shy talaga ng lalaki eh.
Hanggang sa naramdaman ni Julie na parang bumibigat ang balikat niya.
Ang walangya! Ginawa pa siya unan!
“Mam san po kayo ng boyfriend mo?” Tanong conductor.
“Ay di ko po boyfriend to kuya. Alalay lang.” Julie said pero naglabas naman ng pera at sinabi ang babaan nila ni Elmo.
Natawa ang conductor. “Sayang bagay pa naman kayo. Gawin mo na din boyfriend mam para yung alalay mo gwapo.”
“Ikaw talaga kuya.”
Tumawa lang ang konduktor at dumeretso na sa susunod na pasahero.
Bahagyang inayos ni Julie ang pwesto ng lalaki sa balikat niya. Akala ni Elmo magaan ulo neto?!
Pero ang cute kasi para itong bata na nags-syesta.
She snapped a photo of them together with a winking face. Pang black mail lang.
Saka niya inayos ang upo.
Naramdaman niyang mas hinilig pa ni Elmo ang ulo. Aba namumuro. E di nga siya soft.
“Hmm.” Ungol ni Elmo.
Kawawa naman baka pagod na. She stared at his face. Ang gwapo eh! Nakakainis di pa ata ready magka girlfriend ulit.
Siya din naman di pa ready sa boyfriend ulit.
Ayaw niya namimilit. Kung ayaw ni Elmo edi wag. Hindi sya magkakaron ng boyfriend na pinilit lang niya no.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•=•=•=
AN: Hi guys! Pabebe? Oo pabebe haha! Thanks sa voted and comments! Damihan niyo pa para masaya huehue!
Mwahugz!
-BundokPuno<3
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.