"Hoy hindi ito field trip!" Saway ni Julie kay Maqui. Paano ba naman ang daming dalang pagkain.
Papunta na kasi sila sa game ng basketball team ng SAU na Saint Anne Sailors sa kalabang team ng Saint Martin's Jaguars.
"E bakit ba? Wag ka hihingi mamaya ah!" Reklamo ni Maqui at napailing na lang muli si Julie Anne.
Nasa parking na sila ng school dahil sasakay na sila sa provided na bus papunta sa kabilang eskwelahan.
"Asan jowa mong hilaw?" Maqui asked as she was snacking on some pringles.
Agad na pinalo ni Julie ang braso ng kaibigan. "Maq!"
"O bakit?" Tanong ni Maqui habang nakatingin sa kanya. Nakasimangot pa ito dahil sa pagpalo niya. "Ang touchy niyo kaya sa isa't isa! Tago tago pa."
"Hey Didi." Sabay sila napatingin sa nagsalita at nakita si Elmo na palapit sa kanila. Dala na nito ang sariling bag habang nakasunod ang mga player.
Lumapit ito kay Julie at kinuha ang bag ng babae para siya ang magdadala.
"Bag ko Elmo hindi mo bubuhatin?"
"May kamay ka naman..." Simangot ni Elmo kay Maqui.
Tumawa si Julie Anne nang maglaban ng tingin ang dalawa.
"Guys pasok na sa loob ng bus!" Elmo yelled to his players. "Baka ma-late pa tayo."
Sunod sunod naman na pumasok sa loob ng bus ang mga manlalaro.
"Tara na bakla pasok na tayo sa loob!"
Hinila ni Maqui si Julie na lumingon kay Elmo na napakamot na lang sa likod ng ulo.
Sa harap silang mga guro pumwesto habang ang mga manlalaro ay nagtipon tipon sa likod.
Nakasimangot pa din si Elmo dahil si Julie ngayon ay kay Maqui nakatabi.
Mahinang natawa na lang si Julie Anne dahil nga hindi rin naman siya makakalayo kay Maqui eh.
"Maq juice o." Ani Julie at binigyan ng juice pack ang matalik na kaibigan.
Nakangiting tinanggap naman ni Maqui ang juice at ngumisi kay Julie bago pasimpleng tumingin kay Elmo na nakanguso.
"Thanks bes! Napakamaalaga mo naman talaga! Kung ako lalaki hindi na kita papakawalan eh."
Pinanlakihan ni Julie ng mata ang kaibigan. Kung ano ano naman kasi sinasabi!
Mas lalo lang natawa si Maqui.
Si Maqui lang naman ang maingay buong byahe papunta sa kabilang eskwelahan. Mabuti na nga lang at 30 minutes lang yon dahil kita ni Julie na rinding rindi na si Elmo.
Nang makababa ay nagtipon tipon sila sa lobby.
"Maganda din yung school ah." Julie said as she looked around.
"Bongga nga eh. Pero bongga din naman yung sa atin." Ani Maqui.
The school had such high ceilings. And it looked more like a museum than an actual school. There was a Victorian flaw to it much like the stone schools in Japan.
"Hey." Lumapit si Elmo kay Julie Anne. "Dederetso na kami sa court susunod ba kayo or magiikot muna kayo?" He asked.
"Siyempre ako gusto ko magikot pero sure ako na itong si bes ko susunod kung saan ka." Nang-aasar na sabi ni Maqui sa kanilang dalawa.
Elmo only smirked while Julie lightly pinched Maqui's arm.
"Tara na nga." Sabi na lang ni Julie Anne at sabay sabay na silang tatlo pumunta sa pinakabasketball court ng eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.