Kanina pa si Julie Anne nagpapaikot ikot sa kwarto. Wala kasi siya masuot.
'Bakit ka ba nag-aalala sa susuotin mo gaga ka si Elmo lang yan.' Kausap pa niya sa sarili niya.
She sighed. Kakaunti lang din naman kasi ang damit na dala dala niya. Isang overnight lang naman kasi sila kaya hindi siya handa magpaganda.
Bahala na.
Ang pinili niyang porma ay itim na sleeveless spaghetti strap at skinny jeans. Tinali niya rin ang kanyang buhok at ng cap.
Saka siya bumaba at nakitang handa na ang kanyang lola na nakaupo lang sa kanilang sala.
“Ang ganda talaga ng apo ko.” Nakangiti na sabi sa kanya ni Lola Boots.
“Mana sayo lola siyempre.” She said before leaning down to kiss her grandmother's cheek.
"Tara na apo at nagugutom na ako. Kakaim tayo sa Mary Grace.” Ani sa kanya ni Lola Gloria. Tinulungan niya ito patayo sa may sofa at hawak kamay silang lumabas ng bahay.
“Amiga tara na!” Narinig nilang tawag ni Boots. Nakatayo na ito sa tabi ng bahay kasama si Elmo na muhkang inaantok antok pa.
Julie rolled her eyes. Ag tagal kaya nilang dalawa nakat—never mind. Ayaw niya muna maalala ang kanina.
“Sakay na tayo.”
Inalalayan ni Elmo si Boots at Gloria sa upuan sa may likuran ng driver, isang malaking van kasi ang kotse nila Julie Anne.
Sunod naman ay si Julie ang pumasok sa loob sa pangatlong hilera naman. She situated herself by the car window and Elmo sat down next to her.
“Lezgo?” Tanong ni Kuya Betong na siyang driver nila Julie Anne.
"Tara na Betong at nagugutom na ako.” Ani Lola Gloria.
Tahimik lang si Julie na nakatingin sa labas. Kahit gabi ay may liwanag pa mula sa establishments sa labas.
“Hey, okay ka lang?” Tawag ni Elmo sa kanya at kinalabit pa siya sa braso.
Liningon niya ang lalaki at nakitang mahinang nakangiti sa kanya si Elmo.
Shet ang gwapo.
Okay puso kalma, kalma lang talaga.
Pasimpleng kinilig si Julie Anne at nag-iwas ng tingin. “Okay lang ako no.”
“E bakit di ka tumitingin sa akin?”
Nang sabihin iyon ng lalaki ay dahan dahan na inikot ni Julie ang sarili. At sakto naman nang lumanding na ang tingin niya kay Elmo ay sabay naman itong napasinghap.
Maya may ay ito naman ang nag-iwas ng tingin.
Mahinang natawa si Julie. “Oo alam ko ang ganda ko.”
“Wala ako sinasabi ah.” Elmo replied.
Julie smirked at that. “Di bale kahit hindi mo sabihin alam ko naman.”
“Pfft.” Asar ni Elmo.
Julie rolled her eyes again but chuckled to herself. Mga pesteng lalaki talaga ang papakipot.
Maya maya lang ay nakadating na sila sa malapit na mall.
Binaba na sila ni Kuya Betong sa may harap at mabilis na bumaba ang dalawang lola. Imbis na matulungan pa ng mga apo nila ay nauna na ang mga itong maglakad sa loob.
“Tamo tong matatanda na ito.” Julie whispered.
“Narinig ko yon apo! Matanda man kami maalindog pa rin!” Tawa pa ni Lola Gloria na tuloy sa paglalakad.
“Mga apo sa Peri-Peri Chicken na lang tayo sayo.” Lola Boots said as she glanced over to them.
Sabay naman na naglalakad si Julie at si Elmo sa likuran.
Pasimpleng tinitingnan ni Julie Anne si Elmo. Hayop na lalaki ang gwapo talaga.
Nakasuot ito ng itim na polo shirt kung saan humahapit sa katawan ang tela. Batak ang braso! Tapos nakasalamin!
Julie Anne ang laway ah!
“Didi bilisan mo maglakad.” Biglang sabi ni Elmo.
Hala nahuli na pala siya sa paglalakad.
She quickened her steps and caught up to the man.
“Kung saan saan lumilipad isip mo.”Pang-aasar pa sa kanya ni Elmo.
Julie rolled her eyes at that. “Inaaway mo nanaman ako.”
Elmo chuckled as they walked together just behind their grandmas who were faster than Maserati.
Nauna na sa loob ng Peri-Peri ang mga ito at nakasunod naman silang umupo.
Sa isang booth ay nagtabi ang maglola kaya no choice sila kundi ang maggtabi naman sa kabilang side ng booth.
Wala ba ilalaki ang espasyo?! Ramdam na ramdam niya ang buhok sa braso ni Elmo na nagbbrush sa kanya. Nakikiliti siya na hindi malaman.
Tapos ang binti nito sakto naman sa binti niya! He was brushing up against her and he wasn’t doing aything about it! Preskong presko pa ito na nakatingin lang sa kawalan.
Lintik na lalaki talaga!
“Lola maanghang po yang sauce na yan!” Saway pa ni Julie sa inorder ng lola niya.
But Lola Gloria merely waved her off. “Ano akala mo sa akin mahina? Kaya ko yan!”
Julie shrugged her shoulders.
“Ikaw ba kaya mo ng maanghang?” Hamon pa ni Elmo.
Tiningnan ni Julie Anne ang lalaki. Hinahamon ba siya nito? So she smirked in answer before she popping some chicken into her mouth as she looked at Elmo.
Napalunok ang lalaki at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Julie chuckled to herself yet again. Maanghang nga ang sauce pero di naman gaano.
Patuloy lang sila kumakain habang nakikipagdaldalan ang dalawang lola sa isa’t isa.
“Didi ano ba yan ang amos.” Julie said as she reached out an wiped some sauce away from Elmo’s face.
Parang bata na hinayaan naman ng lalaki ang ginagawa niya nang magsalita si Lola Boots.
“Amiga, ano kaya magandang date para sa kasal nila ano?”
“Siguro, yung May 30 ganun di ko alam naisip ko lang iyong date na iyon.” Ani Lola Gloria.
Elmo gulped up some water. “Lola, friends lang po kami ni Julie.”
“Hay nako bilang ko na yang paulit-ulit na sinasabi niyo.”
Julie cleared her throat. “Hindi nga po mga lola.” Kahit na sa totoo lang, kaunti na lang gusto niya talaga.
She looked to Elmo who was continuing to eat up some chicken.
“Didi ang sarap nga nito o.” Ani Elmo at naglagay pa ng manok sa plato niya.
Napabuntong hininga si Julie. Hay nako.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
“Apo sigurado ka ba hindi ka sasama?” Tanong ni Lola Gloria kay Julie Anne.
Balak kasi nito magshopping kasama si Boots.
Julie shook her head at that. Wala pa siya balak gumastos sa ngayon. Kapag nakakuha na siguro siya ng sweldo. Pero sa ngayon wag muna.
“Hayaan mo na amiga.” Sabi naman ni Lola Boots at hinawakan ang kamay ni Lola Gloria. “Para magkasama sila ni Elmo.”
There was a scary glint in Lola Gloria's eye. Mahinang natawa na lamang si Julie at nagpaalam na ang mga ito.
Magkikita na lang sila mamaya sa may kotse at magtetext na lang sa isa't isa.
“May gusto ka ba ikutan dito?” Elmo asked while inserting his hands inside his pockets.
Julie held on to her bag as they walked around the mall.
“Ayoko muna mag shopping.” She explained. “Wala pa ako pera eh.”
“Utang ka muna sa akin.” Elmo chided.
Pabirong sinuntok ni Julie Anne ang braso ng lalaki. Awow. Batak talaga eh. Medyo sumakit tuloy kamao niya.
“Nerd ka ba talaga?” Ani Julie. “Sakit ah.”
“Sino ba kasi nagsabi suntukin mo ako?” Pang-aasar pa ni Elmo.
“Teka upo muna tayo.” Ani Julie. Kasi hindi niya talaga alam kung saan sila pupunta kaya pinili muna niyang maupo sa gitna ng mall sa isang bech.
Sumunod naman sa kanya si Elmo na napapalingon lingon pa sa paligid.
“Baka may gusto ka ikutan ah. Sige go lang. Upo lang muna ako.” Julie said. Oo na. Home buddy kasi talaga siya.
Pero hindi naman sumagot si Elmo at nagkibit balikat lamang.
Julie looked through her phone as Elmo silently sat beside her. Liningon niya ito saglit at natawa kasi parang batang paslit na nawawala ang itsura nito.
At sa paglingon niya ay may napansin siya sa kabilang bench.
Hindi niya napigilan ang mapatawa nang mahina.
May mga babae kasi, muhkang mga teenager pa, aba pinipicturan si Elmo! Sure si Julie kasi ang katabi lang naman nila ay dingding. At ala namang siya ang kinukunan ng mga ito e muhkang mga kilig na kilig.
“Dami mo fans o.” She chided.
“Huh?” Napalingon si Elmo sa sinabi ni Julie.
Saka naman ito kaagad nag-iwas ng tingin. And Julie smiled cheekily. Asarin niya kaya yung mga teenager at siya ang magpose?
Sobrang mahiyain ni Elmo eh.
“Bakit ba takot na takot ka sa mga babae?” Julie asked. Saka niya napagtanto; “Ano akala mo sa akin hindi babae?” Kasi sa kanya hindi takot eh!
Elmo chuckled. “Hindi naman. Mas komportable lang ako kasama ka.”
They looked at each other.
Pucha malulunod siya sa mata ni Elmo. Si Julie unang nag-iwas ng tingin.
“Coach?”
Natigilan silang dalawa nang marinig ang boaes.
Elmo remained seated but his eyebrows furrowed as two boys made their way to them.
“Hi coach!” Sabi nung isa.
Julie looked at the two boys in front of them. Bata pa itsura ng mga ito ang isa ay may kaputian at isa naman ay medyo tanned ang complexion.
“Migo, Kyle.” Bati ni Elmo. “Anong ginagawa niyong dalawa dito?”
“Malapit lang bahay namin dito coach!” Sabi pa ni Kyle at napangiti. Pero kay Julie na nabaling ang atensyon nito.
“Coach. She your girlfriend?” Ani naman Migo.
Kaagad na nagkatinginan si Julie at si Elmo.
“N-no.” Si Julie ang sumagot. Muhkang gets naman niya na miyembro ito ng Zenith Academy na basketball team eh. “Isa ako sa magiging prof niyo.”
The two young men looked at each other. “Wow.” Sabay nilang sabi at napatitig kay Julie Anne.
“Hoy.” Elmo's voice echoed.
Parang mga tuta na umayos naman ng tayo ang mga ito.
“I’ll see you guys on Monday.” Ani Elmo na lang.
Tumango ang dalawang bata. Magpapakilala pa sana si Julie kaso nauna na ang mga ito maglakad palayo.
“Hindi naman nila siguro ipagkakalat na nakita nila tayo magkasama diba?” Julie asked Elmo.
But Elmo only shrugged. “Sure ako na itsitsimis na nila yon.”
“And you're not worried about that?”
Elmo smirked in answer. “Okay lang. Hayaan mo sila maniwala sa ano gusto nila paniwalaan.”
At napabuntong hininga si Julie. Sa totoo lang siya ang dapat hindi maniwala sa gusto niya paniwalaan eh.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
Nagising si Julie nang maaga kinabukasan dahil as always magjojogging muna siya.
Bihis na siya at lahat nang makababa. Pasikat na din talaga ang araw eh. Mabuti na lang at nagising pa siya.
Saka naman siya dumeretso sa labas at muntik na masamid sa nakita.
Ikaw ba hindi mapapanganga kung makikita mo ang isang Elmo Magalona na walang suot na pantaas habang nagdidilig….ng halaman!
“Hi Didi.” Sabi pa ng lalaki at inayos ang suot na antipara.
Julie tried not to gape.
M-may abs! At ang dibdib, jusko pecs!
Hawak hawak nito ang hose sa harap ng bahay nila ni Lola Boots.
“Hi.” Bati niya na lang.
Elmo looked at her for a second. “Magjogging ka?”
“Ahm. Oo!” Julie said and quickly started stretching.
Nang matapos ay nakita niya si Elmo na nakatalikod sa kanya at patuloy na nagdidilig. Pero parang ang pula ng tainga nito?
“Uhm. Jog muna ako.” She said. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng lalaki.
Nauna na siya sa pagjog at nakalayo na nang kaunti nang maalala na hindi niya dala ang tubigan niya.
Kaya bumalik siya nang marinig si Kuya Betong na kausap si Elmo.
Palapit na siya nang marinig ang kanyang pangalan kay bumagal ang lakad niya habang nasa likod siya ng mga halamanan.
“Sir bagay kayo ni Mam Julie.” Boses ni Kuya Betong iyon.
Saka naman sumagot si Elmo. “Pareho kayo ng naiisip nila Lola eh.”
“E totoo nga kasi. Ligawan mo sir. Muhkang type ka eh.”
And then she heard Elmo answer again. “Nah. She's just a friend. Saka I don't go for girls like Julie. Friends lang talaga kami.”
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: Sorry sa matagal na update! Hehe thanks for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.