Nagsimula na ang assembly sa audi-gym. First day of the school year siyempre kailangan marami ang iannounce.
“Ui, itong best friend ko magaling kumanta.” Biglang sabi ni Maqui habang naglalakad sila papunta sa mismong audi-gym.
Julie’s head snapped to Maqui. “Huy.”
“Bakit? Totoo naman diba?”
Barbie’s mouth opened agape as she looked at Julie Anne. “Ghorl! Talaga ba? Pareho pala tayo!”
“Barbie please, ang aga aga para sa mga joke mo.” Natatawa na sabi ni Maris.
“Ha! Kapag ako talaga gumaling kumanta who you kayong lahat sa akin!”
Maqui rolled her eyes at that. “Balik na tayo kay Julie Anne.”
Ano ba yan akala pa man din niya ligtas na siya eh.
“Alam ko na ghorl…” Barbie said with a slight glint in her eyes. Medyo kinabahan si Julie sa sinasabi na iyon ni Barbie. Pero tinuloy naman ng maputing babae ang sinasabi. “Mag intermission ka kaya mamaya?”
“Ah? Ang tindi ah.” Julie chuckled. “Estudyante na lang pakantahin natin.”
Pero parang wala naririnig ang mga kapwa niya guro habang nakaikot doon sa faculty. Pinanungunahan kasi ni Maqui.
“Nako mga beki, yan si bes? Tila lumulunok ng CD! Kapag pinakanta yan nung nasa Dallas kami? E diba uso open mic night doon? Bentang benta yan!”
“O bes wala ka na takas.”Natatawa na sabi ni Maqui. Ngayon lang nakita ni Julie na kakatapos lang pala nito magtipa sa telepono. Kinutuban tuloy siya.
“Binubugaw mo ba ako bes?” Natatawa na sabi ni Julie.
“Hala gusto ko din marinig.” Sabi naman ni Maris na nakpout pa kay Julie Anne.
Maqui had a small smile on her face as she looked at all of them. “Tinext ko si Dean, sabi ko mag intermission mamaya si bes.”
“What?!” Ani Julie. “Bes naman eh!”
Maqui only shrugged. “Sus bes e singer ka naman talaga wag ka na mahiya.”
“Yii excited na ako!” Sabi ni Maris.
“Ako din!” Segunda ni Barbie. “So ano kakantahin mo te?”
Julie sighed and face-palmed as she shook her head. Ano pa nga ba magagawa niya? Saka kumakanta naman talaga siya. Bakit siya magiinarte kung marunong naman talaga siya kumanta diba?
Kaya naman natagpuan niya ang sariling iniisip kung ano ang kakantahin.
“Hey.”
Napaangat siya ng tingin sa nagsasalita at nakita na si Elmo pala ito.
Napalingon siya at nakita na nauna na pala sa kanya maglakad sila Maqui dahil busy sa kakadaldal ang mga ito.
“Oh. Hey.” She gave him a small smile.
“Lalim ng iniisip mo ah.” Elmo said while he looked down at her. Di hamak naman kasi na mas matangkad ito sa kanya.
She moved away slightly and she saw Elmo's eyebrows furrow.
“Ito kasi si Maqui eh.”
“O bakit?” Elmo asked curiously.
“Kakanta daw ako mamaya sa assembly.” She groaned.
At nang napatingin kay Elmo ay nakita na nakangiti lang ito sa kanya.
“So what? Ang ganda ganda ng boses mo eh.”
Natigilan si Julie. Yung mga simpleng gamun ni Elmo kinikilig na talaga siya eh. Yari talaga siya. E kung lumayo na lang talaga siya sa lalaki?
Hindi Julie. Diba sabi mo kaya mo ito kahit hindi ka jumbo hotdog.
“Salamat.” She answered as she looked at him.
Sabay na silang naglakad hanggang sa nakarating na sila sa auditorium. Grabe ang dami pala talagang estudyante. Sabagay malaki naman talaga ang eskwelahan na iyon.
“Goodmorning everyone.” Nagsalita si Dean sa mikropono at nanahimik ang mga kabataan. Wow trained. “I would like to welcome you to yet again another school year.”
Nagpalakpakan naman ang ibang bata.
Tahimik lang si Julie sa tabi ni Elmo dahil medyo kinakabahan siya.
Kasi naman gusto niya makilala biglang teacher. Makikilala pa ata siya bilang singer.
“Hey.” Tawag ulit ni Elmo. “Okay ka lang? Kaya mo yan.”
Tangina naman Elmo eh.
Huminga ng malalim si Julie Anne. She nodded her head. Oo kaya niya ito. Tama.
Nagsimula na ang program kung saan isa isa din nagsalita ang mga coordinator.
“Yan yung vice prinicipal natin diba?” Julie asked as she looked at Elmo and saw that he was looking at her.
Tila nahuling bata na napapitlag ang lalaki.
“What?”
“Kako yan si Sir Christian diba?” Julie asked as she looked back at the man speaking in front of them.
Nagbibigay ito ng mga reminders sa mga kabataan nang maramdaman ni Julie na kinakalabit siya ni Maqui.
“O bakit?” She asked.
“Ready ka na? Ikaw na susunod.” Sabi pa no Maqui.
Ayan nakaramdam nanaman si Julie nang kaba. Mag back out na kaya siya? Bakit ba kasi siya pumayag in the first place?
“Didi ikaw na.” Biglang tawag sa kanya ni Elmo kaya naman napapitlag siya sa kinauupuan.
Si Sir Christian din pala ang nagsalita. “Let us all welcome! Our new professor Miss Julie Anne San Jose!”
Tumayo na si Julie at ramdam niya na nakatingin ang buong eskwelahan sa paglakad pa lang niya.
Christian smiled at her as he gave the mic her way.
She smiled back in thanks even though she was really nervous.
Hindi naman siya kabado kumanta. Kabado siya ay sa mga iniisip ng tao.
Pero nang magsimula na ang tugtog sa background ay nawala na lahat ng agam-agam niya. And she just sang.
'Di biro ang sumulat ng awiting para sayo...'
Oo paborito niya talaga ang kantang oh n. Hindi niya natiis at napatingin sa kung saan nakaupo si Elmo.
Crush lang dapat ito eh!
Pero sobrang gwapo eh! He had a gentle look on his face which was nearing a smile as he watched her sing.
Mabuti na lang natapos niya ang kanta at nagpalakpakan ang buon auditorium.
She smiled as she bowed after her performance while Christian helped her down from the stage.
“That was great!” Sabi ni Sir Christian.
Julie smiled back in answer as she walked back down to the bleachers where the other teachers were.
Sa paglalakad pa lang ay naririnig na niya ang mga bata na nagbubulungan.
“Bago daw natin music teacher?”
“Pano ako malakaconcentrate magaral e nakatingin lang ako sa muhka niya?”
Julie chuckled to herself as she passed by all of them before returning to her seat which was next to Elmo.
“Ang galing galing ni Didi.” Elmo said, smiling at her. “Tindi ah.”
Julie rolled her eyes kahit na simpleng kinikilig siya. Tumawa naman si Elmo sa pag-irap niya atsaka siya nito sinundot sa tagiliran.
“Hoy mamaya na taglandeh!” Asik ni Maqui sa kanila.
Umayos naman ng upo ang dalawa na tila napagalitan ng nanay. Hanggang sa nagsimula na ang assembly at nakinig sila ulit.
Mahinang napangiti si Julie sa sarili. Okay na siya sa ganito. Kahit hindi siya type ni Elmo, at least masasabi niya sa sarili na close sila.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
“Bes ready ka na sa first class mo?” Maqui asked as they walked along the hallways. Mula assembly ay saglit na break muna bago tumuloy sa klase.
“Oo naman.” She said. Nakakanta na nga siya sa harap ng marami e.
“O sige sabay na lang tayo mag lunch ah.” Ani Maqui at nakipagbeso pa sa kanya.
Dala dala naman na niya lahat ng gamit na kailangan niya para sa una niyang klase.
She breathed in first as she looked at the inside of the classroom. Hindi pa siya nakikita ng mga kabataan dahil nakasilip lang muna siya sa maliit na bintana ng pintuan.
Rinig niya ang ingay ng mga bata sa loob.
Breathing in, she finally did enter the room and everyone immediately shut up.
Para itong mga daga na mabilis ang galaw na nagsiupo.
“O chill lang kayo.” She smiled at them. Muhka kasi itong mga kinabahan nang makita siya. “Hindi ako nangangagat.” Sabi niya pa at binuksan ang hawak na white board marker.
She wrote her full name on the whiteboard before setting the marker down.
Saka niya muling hinarap ang mga estudyante.
Nakatuon ang atensyon ng mga ito sa kanya. Good sign iyon dahil ibig sabihin nakikinig ang mga ito. Natigilan siya nang makita na nakaupo doon ang kapatid ni Elmo. Ah so kasama pala ito sa klase niya. She smiled at her way and she smiled back, her dimples showing.
“I know I am not a familiar face. You just saw me a while ago sa auditorium.”
“Mam ang galing niyo nga po eh!” Biglang sabi ng isang estudyanteng lalaki. Julie smiled in answer.
“Oh thank you.” She cleared her throat before continuing with what she was saying. “Anyways, magpapakilala ako.” Although her name was written on the white board anyways. Kaya nakikita naman na talaga ng mya bata kung ano ang pangalan niya.
“So, I am Julie Anne San Jose. Your musoc teacher for this school year. We will tackle more on the basics sa music. And I will test your talents.”
Nakita niyang parang kinabahan ang mga bata.
Kaya nginitian niya ulit ang mga ito. “Hindi ko kayo pipilitin of course. Tulungan tayo dito. Then she smiled at them.
“Any questions?”
“Mam may boyfriend na po kayo?” Sabi ng isa pang lalaki.
“Yiiiiii! Crush ni Wil si Mam o!”
Julie chuckled. Na orient naman siya na may mga ganito talagang bata.
“Wala ako boyfriend pero hindi ganung question ang sinasabi ko.”
Natawa na din ang mga bata. At least it seemed that she would be having a good relationship with the kids.
After the first few hours of classes, sa wakas ay dumating na ang lunch time. Kanina pa siya kasi nagugutom eh.
Nagtext siya kay Maqui na magkita na lamang sila sa cafeteria.
“Hi Mam.” Bati sa kanya ng isang estudyante habang nasa pila sa canteen at nakita niya na si Kyline pala ito.
“Oh hi.” She said as she smiled back.
Sasagot na sana si Kyline pero natigilan ito nang may mapansin sa likuran banda ni Julie.
Kaya naman napalingon ang huli at nakita si Elmo na papalapit sa kanila.
“Hey Didi.”
“Kuya doon ka kaya sa likod ng pila.” Irap ni Kyline.
Kinurot lang ni Elmo ang pisngi ng nakababatang kapatid. “Kanina ka pa. Hindi kita ilibre dyan eh.”
“To naman si kuya joke lang.” Kyline said.
Napangiti si Julie sa palotan ng dalawa. Ang cute lang kasi nila mag-usap. Halatang mahilig mag-asaran pero mahal ang isa't isa.
“Si Maqui?” Tanong ni Elmo sa kanya habang nakaakbay kay Kyline.
“Wala pa nga eh.” Ani pa Julie Anne at lumingon sa paligid.
“Sabay ka sa amin Kai?” Elmo asked.
Ay. Bakit hindi informed si Julie na kasabay pala niya kumain ang mokong na ito?
“E kuya, ayoko sumabay sa teachers no. Doon na ako sa friends ko.” Saka ito naglakad palayo.
Elmo shook his head and chuckled before looking back to Julie. “Tara upo na tayo? Nagugutom na ako eh.”
Hindi naman niya pwede palayasin si Elmo diba? Kaya napatango na lang siya at sanay na sila umupo sa isang lamesa.
Nauna na kumain si Elmo. Sarap na sarap sa ulam na lechon kawali.
“High bloodin ka nyan.” Pang-aasar niya dito.
Elmo looked at her and scowled. Natawa tuloy siya.
“Joke lang. Sige tuloy mo na pagkain mo dyan.” Natatawa na sabi ni Julie bago linantakan ang kinakain na porkchop.
Tahimik lang silang dalawa na kumakain at dito na kinuha ni Julie ang pagkakataon para tanungin si Elmo.
“Didi, if you don't mind me asking, half sister sa mom's side si Kyline tama ba?”
Elmo swallowed the food in his mouth first before replying.
“Yup. Magkaiba kami ng dad.”
At nanahimik na ito.
Kaya hindi na nagtanong pa si Julie dahil tantyado na niya ang mood ng lalaki. Hindi pa naman niya ito matagal na kilala pero sa halos araw araw na magkasama sila ay gamay na niya ang mood ni Elmo.
“Beshy!!!” Ayan sa wakas.
“Ang tagal ah.” Bungad ni Julie kay Maqui na papalapit sa kanila ngayon.
“E sorry na te dinaldal pa kaseko ng mga estudyante ko.” Sabi naman sa kanya ni Maqui at isiniksik ang sarili sa gitna nila ni Elmo. “Hoy Elmo usog. Jowa mo ba bestfriend ko? Diba hindi naman? Makatabi eh!”
Pasimpleng kinurot ni Julie Anne ang tagiliran ni Maqui pero pasikreto lamang itong kumindat sa kanya.
“Bawal na ba tumabi?” Balik naman ni Elmo kay Maqui.
“Possessive mo gago di naman sayo.” Halakhak ni Maqui saka inakbayan si Julie. “Bes libre mo ako wala na ako pera.”
“Luh muhka ba ako bangko?” Julie joked.
“Hindi bes muhka kang maganda…tandaan mo yon ang ganda ganda mo ang sexy sexy tapos ang ganda ng boses tapos ang laki ng boob—”
Sinalpakan ng tsitsirya sa bungaga ni Julie si Maqui bago pa maituloy ang sasabihin.
And Maqui just shrugged and ate the chips happily. Saka naman nito inilabas ang baon.
Napaisip si Julie. Mas maganda siguro kung magbabaon na nga lang din siya kagaya ni Maqui para naman mas makatipid. Mag meal plan na siya.
“Hi guys!”
Napa-angat ng tingin si Julie at nakita si Kiko na papalapit sa kanila. He placed his tray on the table and sat himself in front of them.
“Hi Kiko!” Ngiti ni Maqui. “Kamusta mga estudyante mo ngayon?”
“Sila sila pa rin naman.” Sagot ni Kiko at sumandal sa upuan.
Pasimpleng nag-iwas ng tingin si Julie dahil grabe naman kasi makatingin ito si Kiko sa kanya. Parang tutunawin siya eh.
“Bakit nandito ka pare?”
Nagulat sila lahat nang biglang nagsalita si Elmo.
Mahinang natawa si Kiko kahit na muhkang nagulat din sa sinabi ni Elmo. “Bawal ba pare?” He said as he continued chuckling.
Hindi naman sumagot si Elmo at tumuloy lang sa pagkain.
Sabay pa nagkatinginan si Maqui at si Julie dahil pareho nilang hindi tantya ang sitwasyon. Ano naman itong problema ni Elmo?
Kiko simply cleared his throat to get rid of the awkward tension before smiling their way.
“Siya nga pala, dahil first day mamaya kain daw tayo sa Hang Up, sama kayo?”
“Ui favorite ko yung chicken wings nila doon!” Sabi ni Maqui sabay tango. “Ano bes sama tayo mamaya?”
“Sige ba!” Aminado naman si Julie na kaladkarin siya eh. Alam na niya sa sarili niya iyon.
Saka naman siya napalingon kay Elmo na nakita niyang tahimik lang. She nudged her shoulder with his. “Ui Didi ano sama ka?”
Tumawa si Kiko. “Si Elmo? Umuuwi yan kaagad sa baha—”
“Sige sama ako.”
Dito na natawa si Maqui. “Hay putangina labo talaga ng life.” Bulong nito sabay kindat pa kay Julie. Problema neto?
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
Dismissal came. Kaunti lang ang klase ni Julie dahil hindi lahat ay may music class. Sakto lang din naman dahil hindi siya teacher talaga.
Kaya nakatambay siya sa faculty muna. Kaso lahat ng ibang propesor ay nasa klase din kaya ang lonely ng pakiramdam niya.
Dumeretso siya sa music room para makatipa naman ng piano. Paborito niya kasi talaga ang tumugtog. Pero siyempre walang tatalo sa first love niya na singing.
Pero natigilan siya nang marinig na may tao sa loob. Baka si Iñigo?
Pero biglang may kumanta…
Just say you won't let go…
Hindi natiis ni Julie dahil alam niya ang boses na iyon. Sumilip siya sa loob at nakita si Elmo na nakaupo sa isang stool habang tumitipa ng gitara st kumakanta.
Muhkang hindi pala siya ganun ka tahimik gaya ng iniisip niya dahil napaangat ng tingin si Elmo sa direksyon niya.
No use in hiding right?
“Didi, nandyan ka pala.” Ani Elmo at mahinang ngumiti bago inayos ang salamin gamit ang isang kamay.
“Marunong ka din pala kumanta eh.” Julie said as she looked at him and sat beside him on the stool.
Elmo only shrugged his shoulders and shyly bowed his head, focusing on the guitar. “Uhm, hindi naman…”
Julie smiled. How can someone be so cute and so hot at the same time? Laglag na talaga siya. Madaya.
She tilted his chin upward so that he was looking right at her. “Tindi ng hiya mo.”
But he was just staring at her and didn't reply.
Hala.
Mula sa pagkakatingin sa mata niya ay nalipat ang tingin ng lalaki sa labi niya. Napasinghap si Julie Anne nang maramdaman ang init ng katawan ni Elmo.
Dahan dahan na napapikit ang mata niya nang lumapit ang muhka ng lalaki.
Kring Kring!
Sa gulat ay mabilis na napalayo si Julie kay Elmo.
She cleared her throat as he fixed his eyeglasses yet again.
Saka naman inilabas ni Julie ang kanyang telepono at nakita na si Maqui pala ito.
“Hello bes?” She answered.
“Bes ano tara na? Text mo nga si Elmo hindi ko mahanap kung nasaan!”
Julie cleared her throat yet again. “Uhm, kasama ko siya.”
“OMG LANDI MO!”
“Papunta na kami dyan.” Sabi na lang ni Julie Anne.
She sighed as she looked at Elmo. “Ano sasama ka na ba?”
“Oo nga.” Ani Elmo bago itinabi ang hawak na gitara. “Ano tara na?”
Julie smiled as she nodded her head.
Sabay na sila tumayo mula doon.
Nadadaanan din nila ang ibang estudyante na sigurado sila ay hindi pa kaagad uuwi. Panigurado kakain din ang iba sa mga ito sa labas.
“Ang ganda nung bagong teacher.”
“Ganda pa ng boses huhu.”
Mahinang ngumiti si Julie sa sarili. Itong mga batang ito bubulong na lang yung rinig pa eh.
Kinuha lang nila ni Elmo ang mga gamit nila bago lumabas sa may lobby.
Nakita nila si Kiko si Maqui, si Maris, Iñigo, at Barbie.
“Yung iba ba hindi sasama?” Julie asked.
“Tayo lang muna te.” Nakangiti na sabi ni Barbie.
“Sino sama sa kotse ko?” Tanong ni Kiko.
“Kami na!” Ani Maris.
“Kaso hindi tayo kasya lahat eh.” Ani Kiko habang nakatingin sa kanila at tila nagbibilang.
“E sasakay lang naman yan si Julie kay Elmo.” Maqui said.
Barbie burst out into laughter at that.
Nakita ni Julie na namula nanaman ang tainga ni Elmo.
Si Maris ay natawa na din pero sinegunda ang sinabi ni Maqui.
“Sa motorsiklo kasi ni Elmo.”
“Ganun naman sinabi ko ah.” Kunwariay inosente na sabi ni Maqui.
“O tara na kasi.”
Lumabas na sila sa parking at sumakay na ang tropa sa pulang Vios ni Kiko habang sa motorsiklo naman ni Elmo sumakay si Julie.
Malapit lang ang kainan na sinabi nila. It was a small restobar. Medyo intimate naman ang lugar kaya hindi gaano kadami ang tao.
“Beers all around?” Kiko asked once they were sitting at a booth.
Umupo na si Julie sa isang side at nagulat siya nang umupo si Kiko sa tabi niya. She only smiled as he was already ordering for them.
Komportable na sila lahat na nakaupo.
“Julie sorry ah.” Simula ni Iñigo. “Ikaw kasi yung bago dito kaya iinterviewhin ka talaga namin.”
“To get to know you na din.” Segunda pa ni Maris.
Natatawang tumango lang si Julie. Hindi pa niya nakakabonding talaga ang mga katrabaho kaya expected naman na niya ito.
“Ang galing mo talaga kumanta e no?” Biglang sabi ni Maris.
“Thank you.” Julie said. Hindi siya pakipot. Kung alam niya, alam niya. Pero hindi din naman siya mayabang.
“Bakit ka nagteacher?” Kiko curiously asked. “Dapat nagsinger ka e.”
“Singer naman talaga yan sa Dallas.” Ipinagyabang pa siya ni Maqui.
“Ui hindi naman.” Sagot pa niya. “Saktuhan lang.”
“Hindi, ang galing mo talaga eh.” Nakangiti na sabi ni Kiko habang nakatingin sa kanya. “Okay na din pala na nagteacher ka, para makilala kita.”
“Yun o!” Pang-aasar pa ni Inigo. Sakto naman ay binaba na ang order nila na isang bucket ng beer.
“Ganda mo ghorl!” Ani Barbie sabay hampas as braso ni Julie Anne. “Dami nagkakacrush dyan kay Kiko!”
Hindi alam ni Julie kung ano sasabihin eh. She felt put on the spotlight na hindi mo malaman. She smiled at Kiko.
“Ikaw talaga bolero ka.”
Kiko grinned back. Gwapo din naman talaga ito. “Ui wag ka ma-ilang ah. Maganda ka kasi talaga. Crush kita.”
BLAG.
Nagulat sila nang makita si Elmo na halos basagin ang bote sa lamesa. Mabuti na lang matibay.
“Bro…” Napabulong si Inigo.
Si Barbie at Maris ay nagkatinginan habang si Maqui ay nagtatago ng ngisi.
“Didi—” Simula ni Julie pero biglang tumayo si Elmo.
“Papahangin lang ako sa labas.” Anito at hindi na hinintay pa ang sagot nila bago naglakad palaas. Naubos na pala nito ang isang bote!
Nagkatinginan ang mga naiwan.
“Ano problema non?” Tila naiinis na sabi ni Kiko.
Maqui rolled her eyes before sipping from her own bottle. “Ewan ko don sa ugok na yon. Nagseselos siguro sa inyo ni Julie.”
Saka naman sinamaan ng tingin ni Julie ang matalik na kaibigan.
“Hindi ako gusto non ah.” Julie said in defense.
“Hindi? E halos basagin na yung bote?” Sabi ni Barbie.
Kiko smirked in answer. “Ako Julie, manliliigaw, pwede ba?”
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
AN: Alam ko mahaba yung chap pero bitin pa din. Tingnan ko kung maka update ulit ao ngayong week kaso nasa Vietnam ako so goodluck naman haahhaha!
Thank you for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.