Chapter 11

1.3K 71 37
                                    

Mag-isang nakaupo sa loob ng kanyang condo si Julie Anne.

Akalain mo nga naman. Ilang beses na siya ginagago nitong nararamdaman niya para kay Elmo.

Ang labo naman kasi ng lalaki. There was a part of her, thinking that Elmo was jealous of Kiko. Pero imahinasyon niya lang pala ang lahat ng iyon.

She looked at the glass of wine in front of her bago dumeretso sa piano at nagsimula tumipa.

Napasulat na siya ng kanta.

Hanggang sa nakita niya ang oras sa tabi.

Nako alas dose na pala!

May pasok pa bukas. Kaagad siyang naghanda para matulog bago nahiga. Bago pumikit ay nakita nanaman niya ang gwapong muhka ni Elmo sa utak.

Nagising siya ng maaga kinabukasan.

Halos hindi nga siya nakatulog naman sa totoo lang.

Tiningnan niya ang telepono na nakalapat sa may desk sa tabi ng kama niya. She breathed in and quickly typed a message for Kiko.

From Me:

Hey Kiko, medyo napaaga ako ng gising and I have to do something pa sa school. Nauna na ako ah. Thank you!

From this moment on hindi naman niya kailangan talaga ng taga hatid. Aminin man niya o hindi, kaya lang siya pumayag kay Elmo kasi gusto din naman niya.

Hirap maging bobo sa pag-ibig.

Kaya naman pagkatapos maligo at magbihis ay tinahak na ni Julie ang daan papunta sa Zenith Academy.

Sa sobrang aga niya ay napagdesisyunan niyang lakarin na lang muna.

Malamig pa naman ang umaga dahil nga halos madaling araw pa lang.

She got to the university and was surprised to see a few students already there. Akalain mo kasi na akala niya ang aga na niya pero may mga estudyante pa rin pala na nauna sa kanya.

Pero hindi pa din naman ganun karami ang mga sinasabing estudyante.

"Good morning po mam." Napatingin si Julie sa nagsalita at nakita na si Francine pala ito.

Papasok din ito ng gate at kasabay niya pala.

"Hi Francine good morning." Bati din naman niya sa batang babae. "You're here early today ah?"

"Ah. Malayo po kasi ako nanggagaling mam." Ani pa ni Francine habang naglalakad sila sa hallway papunta sa may faculty rooms.

Napakunot noo si Julie Anne. "Kawawa ka naman. Hindi ka ba napapagod?"

Francine shrugged and smiled. "Okay lang naman po mam kasi once makasakay na po sa bus okay naman na po."

Julie nodded her head. Sabagay. Kaysa mas mahirapan pa nga itong mag dorm.

"Sa office po muna ako ni Dean." Paalam naman sa kanya ni Francine.

Tumango si Julie at dumeretso na sa faculty. Natawa siya kasi siya lang ang professor na nandoon. Mas masipag pa rin pumasok ang nga estudyante kaysa mga propesor.

She placed her things on the desk in front of her before sitting down. Mag mememorize na lang siya ng pangalan ng mga estudyante.

Aminado kasi siyang malapit na matapos yung linggo pero hanggang ngayon ay hindi pa niya kilala lahat ng hawak niyang bata.

Mahina siyang napangiti nang dumako ang mata niya sa pangalan ni Kyline.

Buti pa kapatid ng lalaking gusto niya eh.

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon