4 years later...
"Gising na..."
"Maq hindi pa ako rested."
"Anong hindi pa rested aga aga mo natulog. Hilo ka lang."
Naramdaman ni Julie na pinalo ni Maqui ang pwet niya bago marinig na naglalakad ito palabas ng kwarto.
Umikot sa kama si Julie at napangiwi. Hayop na Maqui yun talagang binuksan ang bintana ng todo.
Nakakabulag ang sikat ng araw ah.
She moaned. At least nawala na ang jetlag niya. Kakaland lang kasi nila sa Pilipinas kinagabihan.
Bumangon siya at inayos ang sarili.
Dumeretso muna siya sa banyo at naghilamos bago suklayin ang buhok.
Saka siya lumabas ng hotel suite papunta sa may kitchen area.
Nakita niyang nagkakape na si Maqui.
Hawak hawak ang telepono ay sinilip niya kung may tawag man o mensahe.
"Hmmm miss na agad." Tawa ni Maqui. "Susunod naman after 2 days ikaw talaga."
Julie simply chuckled as she put her phone down before looking at her best friend. "Ano nga ba agenda natin ngayon? Shit I need some food."
"Nagorder na po ako kamahalan na sexy na parang hindi—"
Hindi na natuloy ni Maqui ang sasabihin dahil tumunog na ang telepono ni Julie Anne. It was her reminders. Ayan nakita na niya kung ano nga ba ang gagawin nila sa araw na iyon.
They had a meeting with Universal for their new artist. Tapos may meeting din kasama ang big bosses.
But they did have the afternoon off so that was good. Wala na sila masyado schedule at gusto niya muna ulit magliwaliw.
Namiss din niya ang Pilipinas.
"Una na ako maligo ah." Aniya kay Maqui. Tumayo na siya mula sa hapag at sinilip naman siya ng babae.
"Hindi ka kakain te?" Sabi ni Maqui habang hawak hawak pa din ang tasa ng kape.
"Bawal kumain pagtapos maligo?!" She yelled as she started taking her clothes off while already inside the bathroom.
Matapos makaligo ay nagayos na siya ng susuotin.
She wore a beige pantsuit with her hair stlyed in waves.
Mahaba na ang buhok niya kumpara sa dati.
Maraming bagay naman na talaga ang nag-iba.
Lumabas siya sa kusina at nakita na nakaligo na din si Maqui. Dalawa kasi ang banyo sa suite na kinuha nila sa hotel.
All expenses paid naman kasi ng Universal ang mga gagastusin nila.
"Bes try mo itong omelette nila ang sarap." Ani Maqui habang sumusubo ng itlog na muhkang nadala na ng room service.
Umupo naman si Julie Anne at sumubo. "Mmm!" Napaungol siya sa sarap. Ngayon lang niya napagtanto na gutom na gutom talaga siya.
"Ayan sabi ko kasi sayo magdinner ka muna kagabi." Ani Maqui habang iniikot ang mga mata.
Hindi naman pinansin ni Julie Anne ang babae. Sarap na sarap kasi siya sa kinakain. "Magbihis ka na kaya no?" Napansin niya kasing naka roba pa ang babae.
Maqui waved her off with a hand. "E halos katabi lang natin yung building nila chill ka nga lang diyan." She said as she sipped from her coffee.
"Kilala mo ba kung sino daw yung bagong artist?"
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.