Chapter 10

1.1K 53 32
                                    

Tiningnan ni Julie Anne si Kiko  na mahinang nakangiti lamang sa kanya. Pero wala kasi doon ang isip niya kundi ang biglaang pag walk out ni Elmo. Ano naman problema non?

“Sa ibang araw kita tatanungin.” Sabi din naman kaagad sa kanya ni Kiko.

She smiled gratefully. “Sorry Kiko ah.” She whispered as she looked at him.

“Bes…” Sabay tawag naman sa kanya ni Maqui. She looked at her best friend’s direction.  Saka naman ito ngumuso sa exit. Nakuha kaagad ni Julie ang sinasabi ni Maqui.

“Uhm guys teka lang ah.” Ani Julie bago tumayo mula sa kinauupuan. Hindi kasi siya matahimik e.

Nakatingin lang naman ang iba sa kanya at tumango.

Sinundan niya kung saan lumabas si Elmo at nakitang nakatayo ito sa labas ng bar sa may alleyway. He was smoking up a storm as he rested his back on the wall.

“Huy.” Tawag niya ng atensyon dito.

Napatingin naman kaagad sa kanya si Elmo. Humithit ulit ito sa hawak na sigarilyo.

“Bakit ka nandito? Masama makalanghap ng second hand smoke.” ani Elmo.

Julie raised an eyebrow at him. “Masama din yan para sayo.”

Elmo only shrugged before continuing to use the cigarette.

Napailing na lang si Julie at muling pinagmasdan ang lalaki. Ang gwapo talaga ni Elmo. Dagdag pa na ang kisig nito sa suot na polo shirt. Halos mapunit na kasi ang suot nito sa sobrang hapit sa muscles.

Ang hot na nerd puta.

“Didi, pasok ka na doon sa loob.” Biglang salita ni Elmo kaya naman napatingin sa kanya si Julie Anne.

“Are you sure na okay ka lang?” The latter asked.

Elmo puffed up some smoke and gave her a small smile. “Oo naman. Sunod ako.”

Julie wearily looked at the guy before finally nodding her head. O sige bahala na ito.

Bumalik na siya sa loob kung saan nakita niyang masayang nagk-kwentuhan ang kanyang mga kaibigan.

“Asan si Moe?” Iñigo asked as he gulped down some beer.

“Nasa labas nag yoyosi.” Julie answered.

“Ah nag quit na ako nyan.” Sagot ni Iñigo. “Nakakasira ng boses eh.”

“Tama ka dyan sir.” Sabi naman ni Kiko at uminom din mula sa kanyang bote. He smiled at Julie as she sat down beside him again.

“Napagusapan namin te…” Simula ni Maris habang nakatingin kay Julie Anne. “Baka mas maganda nga na kay Kiko ka sasabay diba? Kasi siya may kotse eh.”

Pagkasabi ni Maris ay saktong pumasok naman sa loob si Elmo. Kaya tila kinabahan ang nauna na para bang may sinabi siyang masama.

Lahat sila ay tahimik lamang.

Si Iñigo naman ay napatingin kay Elmo bago nagsimulang magsalita. “Ah bro—”

“Mas maganda siguro nga.” Biglang sabi ni Elmo.

Natigilan si Julie sa sinabi ng lalaki. Umupo na ito sa kaninang pwesto at tumingin sa kanya. He had this blank look on his face as he looked back at her.

“What?” Medyo nalilito na tanong ni Julie Anne.

Elmo looked back at her with the same blank look on his face. “Yung sasabay ka kay Kiko. At least sa kanya kotse diba? It's safer.”

Bahagyang natigilan si Julie Anne nang sabihin iyon ng lalaki. Bakit parang nalulungkot siya na ito pa ang nagsusuhestyon niyon?

It was supposed to be their thing. Kahit yun na lang diba? Pero muhkang kahit doon ay hindi nito gusto na kasama siya. Baka naaabala pala ito kapag sumasabay siya sa motor?

“Am I bother to you whenever you pick me up?” Bago pa niya napigilan sa sarili ay natanong na niya ito sa lalaki.

Nawala ang blangko na tingin sa muhka ni Elmo. Napalitan ito ng gulat. “What? No it's not that—”

“Sige okay lang naman.” Julie smiled but it didn't reach her eyes. Mabuti na din siguro ito, yung hindi sila masyado magkasama. Chance na niya ito para alisin ang feelings niya para kay Elmo right?

“So sasabay ka na sa akin?” Kiko asked.

Napailing si Maqui sa isang tabi hababg nagkakatinginan naman si Maris saka si Iñigo. Uminom lang sila kung ano ano na ang nangyari.

Julie smiled. “Okay lang naman. Ikaw ba?”

“Oo naman!” Maligalig na sabi ni Kiko.

Ngumiti pabalik si Julie sa lalaki nang magsalita si Iñigo.

“Moe pare ubos mo ulit isang bote ah!”

“Magmomotor ka pa pauwi. Hinay hinay lang.” Nag-aalala naman na sabi ni Julie.

“Hayjusko para ako may kasamang mga eatudyante.” Bulong na lang ni Maqui.

Julie turned to Elmo who was silent yet again. Ano naman ba problema ng lalaki?

Mabuti na lamang at nagsimula na lang magkwento ng kung ano ano si Maris kaya nabaling na sa iba ang atensyon nilang lahat. The whole time Elmo stayed quiet which sort of unhinged Julie. Pero hinayaan na lang niya ang lalaki.

Baka may regla.

“Okay ka lang ba talaga magdrive?” She asked him once they were heading on home. Hindi kasi siya matahimik.

“Pare ganto ako na lang muna magmaneho nung motor mo.” Iñigo offered. “Sakay a na lang muna kay Kiko tapos convoy pauwi.”

“Okay lang ako.” Elmo said. Kahit na medyo malamlam na ang mata.

“Sa kotse ka na sumakay.” Sabi ni Julie.

Narinig niyang naghahagikhikan sa likuran si Maris at si Maqui pero wala siya pake.

“Ahm.” Iñigo cleared his throat. “O sige ano, amin na yung susi bro.” He said, facing Elmo.

Kahit labag sa kalooban niya ay dinukot na ni Elmo sa loob ng bulsa ang susi ng kanyang motor.

“Pasok na kayo sa loob.” Kiko said, smiling at them.

“Sa harap na ako.” Maqui offered. Hindi na nito hinintay pa na sumagot ang mga kaibigan bago sumakay sa may passenger side ng sasakyan ni Kiko.

Si Mris ay hindi na rin nagsalita pa at nauna na sa likurn.

Julie and Elmo looked at each other before the former opened the door first.

“Pasok na.” She said.

Umimid si Elmo na para bang ayaw nito ang pakiramdam na binebaby. Julie only smirked as she watched him get inside.

Hindi daw lasing e halos hindi na makapasok sa loob ng kotse.

“Ako na sa may pinto.” Sabi ni Elmo na gusto makipagpalit kay Maris kaso umangal ang huli.

“Lasing ka na Moe mamaya malaglag ka pa sa may pintuan at biglang bumukas.”

“Medyo morbid mare ah.” Natatawa naman na turan ni Maqui.

“Para sigurado.” Natatawa na lang din na sabi ni Maris.

Wala na nagawa pa si Elmo dahil ang totoo ay pagod na din siya gumalaw.

Sumunod naman si Julie at tumabi sa lalaki.

“All set?” Kiko asked as he and Maquistarted buckling up their seatbelts.

Maris raised a thumb up while Julie murmured a yes. Inaantok na din siya eh. May pasok pa ulit sila bukas.

“Aba ibang klase na naman.” Hindi napigilan na sabihin ni Maris nang makita ang pwesto ni Elmo.
Dahil muntik na din siya makatulog ay hindi napansin ni Julie na nakahiga na pala ang ulo ng lalaki sa balikat niya.

Tulog na tulog itong ipinapahinga ang ulo sa leeg niya.

“Hayaan mo muna matulog.” Maqui chuckled as she looked back at them from the passenger seat. Tahimiklang naman si Kiko at patuloy na nagmamaneho.

Umiling na lang si Julie. Hinayaan niya ang lalaki. Kasi deep down, gusto niya. Kahit sa ganun na lang.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
“Hi.”

Napatalon si Julie sa boses. Si Kiko lang pala. Nakangiti ang gwapong lalaki sa kanya habang umuupo sa bench sa harap niya sa canteen.

It was lunch time and she was eating by herself. She took her time to look at Kiko’s face. Gwapo talaga ito. Morenong balat at expressive ang mga mata.
“Hi Kiko.” She greeted as she smiled back at him and laid her fork down. Kumakain kasi siya ng pasta na linuto niya ung kinagabihan pa.
Ngumiti pabalik sa kanya si Kiko na tila kinikilig. Aww. He looked so cute.
“You want some?” Aya niya habang hawak hawak ang tinidor.
“No thank you.” Kiko said. Saka nito inangat ang sariling baon. “Pero pwede makisabay?”

“Oo naman. Pinasabay mo nga ako kaninang umaga sa kotse eh.” Julie answered as she continued eating.

Tahimik lang silanng dalawa na kumakain.

“Nakapagluto ka pa kagabi?” Kiko asked as he looked at her.

Mahinang natawa si Julie.  “Nagising kasi ako nung madaling araw, e medyo nagutom kasi diba bar food lang naman kinakain natin.” She explained as she took another bite. “So yun kumain ako tapos binaon ko ngayon.”

“Muhkang masarap eh.”

“Kumuha ka na kasi.” Natatawa na sabi ni Julie. Saka siya naglagay ng ilang pasta sa baunan ni Kiko.

Ngumiti ulit ang lalaki bago tumikim. His eyes widened as he looked at her. “Wow! Ang sarap!”

Julie grinned. Nakakahumble kapag may nakakaappreciate ng luto mo eh. “Thanks. Hobby ko din talaga kasi minsan ang magluto.”

“So linahat mo na? Maganda ka na, matalino saka magaling pa magluto.”

Sinubukan itago ni Julie ang paumula ng muhka. “Masyado mo naman ako binobola. Wala pa ako pera. Sa sweldo na.”

Mahinang natawa si Kiko. “Totoo naman kasi sinasabi ko.” He looked at her intently.

Bahagya tuloy na conscious si Julie Anne. Nag-iwas siya ng tingin saglit.  

“Julie may tanong ako…” Simula pa ni Kiko.

Hindi sumagot si Julie at hinintay na ituloy lang ni Kiko ang sasabihin.

At muhkang napaisip pa muna ang lalaki kung itutuloy ang tatanungin pero tinuloy din naman talaga.

“May something ba sa inyo ni Elmo?”

Why does everyone keep asking that? Hindi pa nga niya ganun kakilala ang lalaki eh.

“Uhm no. He's just a friend.”

Kahit na gusto mo may something talaga kayo. Her brain whispered to herself.

“So tayo pwede?” Kiko asked with a cute smile on his face.

Mahinang napangiti si Julie Anne. “Sure ka na ba sa akin Kiko? Hindi mo pa ako ganun ka kakilala.”

“Along the way I'll know you.” Kiko said with a shrug of his shoulders.

Julie thought to herself. Saka siya napaisip. Pareho sila ng sitwasyon ni Elmo at sila ni Kiko.

Si Kiko ay may gusto sa kanya habang siya ay may gusto kay Elmo. Pero siya, si Elmo ang gusto. It would be unfair to Kiko if she gave him hope when she knows she likes someone else.

“Sorry Kiko.” She smiled softly at him.

Napatango naman si Kiko. “It was worth a try. Pero pwede naman tayong friends diba?”

“Oo naman.” Julie said, relieved that Kiko was so understanding. “I need all of the friends I can have.”

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•

Nasa isang klase niya si Julie at may pinapagawa siyang activity sa mga ito habang inaayos naman niya ang susunod niyang lesson plan.

Tahimik naman ang klase dahil masyadong focused sa ginagawa.

Saka niya napansin na nakatingin sa kanya si Kyline.

Hindi na ito gumagawa ng activity.

“Finished Miss Alcantara?” She asked.

Tumango naman si Kyline at lumapit para ipasa ang hawak na papel.

Hindi natiis ni Kyline na tumayo sa harap nu Julie pagkapasa ng papel.

“Mam, kayo po ba ng kuya ko?”

Why does everyone keep asking that?

“Sorry mam ah di ko na natiis eh.” Sabi naman ni Kyline kay Julie Anne.

Natatawang binalik ni Julie ang tingin sa estudyanteng kapatid din ng lalaking gusto niya.

“Hindi ako type ng kuya mo.” She chuckled.

Nagulat siya nang iikot ni Kyline ang mga mata. “Mam wag ka kasi naniniwala doon. Pakipot lang yun. Pero teka…ikaw type mo si kuya?”

Nanlaki mata ni Julie. Shet nadulas siya! Estudyante lang pala magpapaganito sa kanya?!

“N-no. What I mean to say is, friends lang kami ng kuya mo.” She smiled. Okay ang tanga nung sinabi niya pero sana kagatin na lang ni Kyline.

Kaso nakatingin pa din ang babae na para bang sinusukat ang sinasabi ni Julie Anne.

Hanggang sa narinig na nila ang bell. Laking pasalamat ni Julie dahil naiwasan niya ang kausapin pa ng matagal si Kyline.

“Bye mam!” Ani Kyline at kumaway sa kanya bago lumabas.

She waved back and watched her students file out of the room.

Naiwan na siya sa loob ng classroom at tinapos ang iba pang gagawin bago maghanda sa susunod niyang klase.

There was 20 more minutes until the next class.

Busy siya sa pagsusulat nang marinig na may naglalakad.

Napalingon siya sa nakabukas na pinto at nakitang napadaan si Elmo. Derederetso din naman itong naglalakad pero tumigil at bumalik.

“Hey.” Bati ng lalaki. Nakatayo lang ito sa may doorframe at nakasandal ang isang braso sa gilid.

Bakit para itong nagmomodel e nakatayo lang naman?!

“Hey Didi.” Bati din naman niya at ngumiti. Buong araw ay hindi pa niya ito nakikita dahil mas maaga siyang nakaalis. Pareho kasi sila ni Kiko na maagang umaalis ng bahay. Hindi gaya ni Elmo na sasabay pa ata sa mga estudyanteng laging late.

Nakakamiss pala ang gwapong muhka ng hinayupak na ito ano?

“Hangover ka pa?” Julie asked.

Elmo smirked. “Nadaan naman sa kape.” He answered. Naglakad ito papasok at inupo ang sarili sa desk ni Julie para tagilid niya itong kinakausap.

“Kamusta second day?” He asked.

“Okay naman.” Julie smiled. Namiss kita. Per siyempre hindi niya sasabihin iyon.

“That’s good.” Elmo nodded his head. Saka ito naoabuntong hininga. “Didi, wag mo isipin na abala ka sa akin sa umaga.”

Oh. So they were going back to that.

“Ang tindi ah. Naalala mo pa pala yon.” Julie chuckled.

Elmo looked at her. “I think mas safe ka kasi sa kotse ni Kiko. I mean kumpara sa motor ko na ito.”

Gusto talaga ni Julie pigilan ang sarili na magsalita pero sadyang mabilis ang dila niya.

“E pano kasi kung ikaw ang gusto ko kasama?”

Halatang bahagyang nagulat si Elmo sa sinabi niya. Pero tumayo ito mula sa desk at napailing. “It’s better na friends tayo Didi.” Ani ng lalaki bago mabilis na lumabas ng kwarto.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•

AN: I'm back! Sorry natagalan ang update huehue! Anyways I'm back! Balik na din ang regular updates :D Thanks for reading!

Mwahugz!

-BundokPuno<3

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon