Chapter 24

1.2K 57 77
                                    

Masama ang gising ni Julie dahil nakatulog na siya at lahat ay wala pa rin mensahe sa kanya si Elmo.

She grumbled as she got out of bed and poured herself a hot cup of coffee.

Nang i check niya ulit ang telepono ay wala pa rin reply si Elmo.

Inis na tinawagan niya ang lalaki.

Maya maya lang ay sumagot ito na para bang inaantok antok pa.

"Mmm?" Came Elmo's grumbled voice.

"Good morning sayo ah." Iritang sabi ni Julie.

Tila nagising naman ang diwa ni Elmo sa kabilang linya. "Didi!" Sabi nito na para bang narerealize ang nangyari.

"Buti naman hindi ka patay somewhere wala man lang text Magalona?!" Julie yelled through the receiver as she walked around the condo.

"Didi sorry nakatulog na kasi ako."

He was lying. Julie knew. Hindi niya alam kung bakit pero alam niya nagsisinungaling si Elmo.

"Kung nakatulog ka edi sana natatawagan ko pa telepono mo kagabi e can't be reached!" Hindi na niya ito pinasagot pa at pinasok na sa loob ng bulsa ang telepono.

Naramdaman niyang sinusubukan siyang tawagan ni Elmo.

Nakasimangot na linabas niya ulit ang telepono.

Nakabungad sa kanya ang caller id pic ni Elmo na litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama.

Iritang pinatay niyaang kanyang telepono.

She cooked herself up some breakfast. May pasok pa siya.

Mabilisan siyang gumalaw at nagcommute papunta sa eskwelahan.

Doon lang niya naisipan na buksan ang telepono. Inis na inis pa rin kasi siya kay Elmo.

"Girl nakasimangot ka na lahat gorgeous mo pa din. Tayo na lang." Tawa ni Barbie na tumatabi sa kanya ngayon sa faculty room.

Tuloy pa rin ang pagsimangot ni Julie habang nakatingin sa kawalan. Kunot noo niyang tiningnan si Barbie.

Kung anong busangot ng muhka niya yun naman ang ngiti sa muhka ng kaibigan.

"O dapat masaya ka! Hindi ba kayo nagusap ni Elmo kagabi?" Tanong sa kanya ni Barbie.

Ayan napasimangot nanaman tuloy siya.

Barbie's smile faltered at that but it was still there. "Hala nag-away ba kayo kagabi?"

"Hindi kami nagusap. Kasi wala naman siya sa condo ko kagabi." Pagimporma ni Julie sa kaibigan. She sighed as she crossed her arms in front of her breasts. "Tapos tinatawagan ko hindi sumasagot."

"Halaaa." Ani Barbie na tila nawiwindang sa nalalaman.

Julie scrunched up her face as she sighed and leaned back on her chair. "Sabagay hindi naman kasi kami diba Barbie? So bakit ako nagkakaganito?"

"Lagyan niyo na kasi ng label." Ani Barbie na umiikot ngayon ang mga mata.

Nagulat sila pareho nang biglang bumukas ang pintuan ng faculty room. Nanlaki mata ni Julie nang makita si Elmo pala ito.

Medyo pinapawisan pa ang lalaki at basa na rin ang suot nitong itim na tshirt.

"Uhm.." Ani Barbie habang kinakalap ang mga gamit. Agad siyang tumayo at ngumiti kay Julie Anne. "May nakalimutan pala ako gawin! Sige iwan ko na kayo dyan!" Saka ito nagmamadaling umalis doon.

Sinenyasan ni Julie si Barbie na wag siya iwan kaso dali dali naman umalis ang babae. Kaya hayun at sila na lang ni Elmo ang nasa faculty.

Medyo maaga pa kasi.

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon