AN: Happy26thBirthday ELMO
Tila mga batang pinagalitan na nakaupo sa harap ng counter si Julie at si Elmo habang si Maqui ay masama ang tingin sa kanila.
Nakatayo ito sa likod ng counter at nakatalikod sa stove top ni Julie Anne.
"Ano? Hindi kayo pero nagsesex kayo?" She asked.
"H-Hindi naman kami nagsex." Tila kinakabahan na sabi ni Elmo habang sumusulyap kay Julie na namumula ngayon ang muhka.
"Ba yan, hindi pa kayo nagsesex?Ang hina naman ng maligno mo Magalona."
"Maq..." Suway ni Julie Anne sa kaibigan.
Maqui only shrugged her shoulders. "O bakit? Hindi ka ba tniatayuan sa best friend ko ha Elmo? Katabi mo sa kama tapos ang sexy sexy o."
Julie face palmed as she looked at Maqui.
Naawkwardan din kasi siya sa pinagsasabi nito kay Elmo dahil unang una ay hindi naman nila napaguusapan ang sex. Hanggang momol nga lang talaga sila.
"So ano? Anong mayroon?" Naiintriga na tanong ni Maqui
Elmo scratched the back of his head as he looked at Julie's best friend. "I'm courting her."
"COURTING?! COURTING?! E bakit aka boxers ka na lang sa tabi ni Julie Anne San Jose!?" Maqui exclaimed.
"Maq, totoo nga nanliligaw na sa akin si Elmo." Sabi naman ni Julie.
Maqui rolled her eyes. "O ikaw gaga bakit hindi mo kasi sagutin na at ganun din naman kahihinatnan ninyo?"
"I want her to be sure." Kaagad naman na sabi ni Elmo. He smiled at Julie as he held her hand.
Maqui rolled her eyes yet again. "Sus ginoo naman." Saka nito tiningnan si Elmo. "Alam mo ikaw, ano ka model?! Mag t shirt ka don si Julie lang natatakam sa katawan mo na yan!"
Elmo grumbled and turned to Julie who only patted his thigh.
"Sige na Didi bihis na doon."
Sumunod naman ang lalaki kahit na nakasimangot.
Maqui let out a bemused expression. "Aba matindi ah? Trained."
"Tumigil ka nga dyan." Julie said.
Pero maalam pa rin na nakatingin sa kanya si Maqui. "So ano te? Bahay bahayan ang peg niyo pero wala kayo label?"
"Nanliligaw nga."
"Jusko sobrang hilaw ah! Naka second base na ba kayo?"
Natigilan si Julie Anne. Hindi pa. Wag kayong ano.
May times lang na muntik na pero pinipigilan nila ang isa't isa.
"Hindi nga kasi Maq." She said. "Pwede naman magtabi sa kama ang isang lalaki at isang babae nang walang ginagawang iba diba?"
Tumingin siya kay Maqui at naghintay ng sagot pero nakasimangot lang ito sa kanya.
Sa wakas matapos ang ilang segundo ay humirit na ito. "Pero kung babae at lalaki na may pagnanasa sa isa't isa hindi no. Tindi niyo!"
Sasagot pa sana si Julie kaso nabakabalik na si Elmo. He was wearing a white shirt now and some shorts.
"Hay salamat." Sabi ni Maqui. "Moe pwede ba lumayas ka muna girl bonding namin ito ni bes eh."
"What? Nauna ako dito." Reklamo ni Elmo.
"Nauna kami magplano. Nakakalimot lang itons si San Jose kasi makire siya."
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.