Chapter 14

1.1K 68 94
                                    

"Didi! You have to go!" Sabi ni Julie Anne kay Elmo nang makatayo na silang dalawa mula sa kinauupuan.

Tumango tango naman si Elmo.

Hindi nila alam kung gaano kalapit na si Maqui kasi sinabi lang naman nito na papunta na.

"I'll see you tomorrow. Susunduin kita okay?" Sabi ni Elmo. He held Julie's face in one hand and captured her lips in a soft kiss.

Si Julie ang unang lumayo dahil baka magtagal nanaman ang lalaki sa loob ng condo niya.

Dali dali naman na nakalabas si Elmo at hinihingal na napupo sa sofa si Julie Anne. Lintik talaga ito si Maqui! Bigla bigla na lang eh!

Mabuti na lang talaga at may panahon pa sila makatakas!

Inayos ni Julie ang mga gamit niya sa kwarto pati na sa sala kung saan doon sila naglalagi ni Elmo.

Papunta na sana siya sa kusina para mag-ayos nang bumukas ang pintuan.

"Whassup bitch!"

Halos mapatalon na si Julie Anne nang
bigla na lang bumukas ang pintuan ng kanyang condo at saka pumasok si Maqui.

May dala dala itong plastic na rinig na niya ang tunog ng mga beer can. Tinulungan niya ang kaibigan dahil may dala din itong pizza box sa kabilang kamay.

"Bes naman! Aatakihin ako sa puso sayo!"

"Lola ka?" Pangaasar pa sa kanya ni Maqui. Tumingin ito sa kanya na para bang hinuhuli siya. "Bakit ba ang jumpy mo?"

"Ha? Nagiimagine ka talaga." Sabi na lang ni Julie atsaka linagay ang hawak na pizza box sa ibabaw ng lamesa.

But Maqui was still looking at Julie Anne.

Saka naman tumingin ulit ito sa isang bagay na nasa upuan doon sa kusina.

Sinundan ni Julie kung saan nakatingin si Maqui at naramdaman na kumabog ang dibdib niya.

Shit! It was Elmo's jacket!

"Uhm ano..."

"Kaninong jacket yan? Bakit panlalaki?" Tinaasan ng kilay ni Maqui si Julie.

Kinuha ni Julie Anne ang sinasabing jacket at tinago ito sa likod niya. "Bakit? Bawal ba magkaroon ng panlalaking jacket mga babae? It's comfy kaya binili ko."

Maqui looked at her yet again.

Sa totoo lang takot si Julie sa binibigay na tingin sa kanya ni Maqui.

Ang kaninang nakakatakot na tingin sa kanya ni Maqui ay napalitan ng isang ngisi.

Mas lalo nanaman kinabugan si Julie nang nakita iyon.

"Akala mong gaga ka hindi ko alam na yan ang laging gamit ni Elmo na jacket?!"

Julie sputtered at that. Hala siya!

Pero kaagad niyang binalik ang tanong kay Maqui.

"O bakit alam mo na kay Elmo yung jacket?!"

Tumawa ng malakas si Maqui. "Selosa naman ang gaga na to! Malamang ayan naman talaga lagi niya gamit sa school!"

Julie harumped as she sat down on the kitchen table, hugging the jacket close.

"So asan si Elmo?" Tanong ni Maqui na tumabi na din kay Julie sa upuan.

"Umalis na. May kinuha lang siya sa akin." Julie explained. Oo na hindi pa rin siya ready para sabihin kay Maqui na nagliligawan na sila ni Elmo.

Pero siyempre hindi pa rin naniniwala si Maqui.

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon