AN: Dedicated to Joe! Happy Birthday dude!
"Baby you be good when you're with Papa okay?" Ani Julie Anne kay Juel habang inaayos ang suot nitong pants.
Nandoon sila sa living room ng kanilang bahay at si Elmo ay nakatayo lang naman sa tabi ng couch kung saan pinaupo ni Julie ang anak para isuot ang sapatos.
Kaso ay pinigialn siya ng lalaki.
"Didi ako na. Your stomach." Sabi pa ni Elmo at agad na hinila si Julie para maupo sa tabi ng kanilang panganay.
Sinimangutan ni Julie Anne ang lalaki habang nakaupo pa din sa couch.
"Didi hindi pa naman malaki tiyan ko."
"O wala ako sinabi na malaki tiyan mo." Elmo smirked. Dahil first trimester ni Julie ay talaga naman wala ito ginawa kundi sungitan siya.
Masungit na nga sa kanya kapag hindi buntis e lalo na nung nagkalaman na sinapupunan nito.
Tinapos na ni Elmo ang pagtali sa sapatos ng anak.
"Okay! Tara na anak! Iwan na natin Mama mo!" Saka tumawa si Elmo.
Silang mga lalaki kasi ang magkakasama na magshoshopping para sa wedding.
Si Julie ay magpapahinga muna sa bahay at susunod na para sa food tasting.
"See you Mama!" Ani Juel at hinalikan sa pisngi ang anak.
Napangiti si Julie at pinaggigilan pa ang pisngi ng anak. Sobrang cute kasi talaga ni Juel.
Saka naman yumuko si Elmo para halikan ang labi ng fiancee. "See you mamaya sa food tasting." He grinned as he pecked her nose after her lips.
Julie bit her lip. Ang gwapo talaga ng fiance niya.
"Sige." She whispered in his ear. "Tutal mag-isa lang ako dito sa bahay maghuhubad na lang ako buong araw."
"Juel hindi na pala tayo aalis."
"Hahaha siraulo ka talaga go on, I'll see you later at the caterers." Julie said as she pinched Elmo's stomach. Kaso abs lang din naman ang natamaan niya.
She waved goodbye to her two boys as they walked out to the car.
Hindi naman siya maiiwan dahil si Manang Lolly ay naglilinis sa taas habang si Manong Rolly ay nasa may garden lang.
Dumeretso si Julie sa garden sa likod at nagdesisyon na tapusin ang binabasa niyang libro. Minsan na lang din niya ito nagagawa dahil siyempre kay Juel o di kaya kay Elmo nakatuon ang atensyon niya.
"Anak mag juice ka muna o saka gumawa ako ng banana cake."
Napatingin siya mula sa binabasang libro nang makita si Manang Lolly.
She smiled at the old woman. Si Manang Lolly ay asawa ni Manong Rolly kaya naman may tiwala talaga sila ni Elmo dito.
"Thank you po manang. Samahan niyo po ako kumain." Ani Julie Anne.
Ngumiti naman si Manang Lolly at umupo sa tabi niya. "Malapit na kayo ikasal ni Elmo ano? Mabuti naman at bumubuo na din kasi kayo ng pamilya."
Julie grinned as she nodded her head at what the old lady said. "Next year na po ipapanganak itong bunso namin." She said as she placed a hand on her stomach.
Napangiti ulit siya nang maisip na magkakababy ulit sila ni Elmo.
"I have to make it up to him manang." Aniya kay Manang Lolly. "Tinago ko sa kanya dati ang anak namin eh."
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.