Chapter 31

1K 55 6
                                    

"Malayo pa ba?" Iñigo asked as he rested on the backseat.

"Ikaw naman akala mo sobrang layo ng pupuntahan natin." Angal naman ni Maris.

They were now on their way to Batangas. It was still early in the morning and Elmo was the designated driver.

Siyempre dahil kailangan daluhan ang nobyo ay sa passenger seat nakaupo si Julie.

"Guys matutulog muna kami ah. Libre kayo maglandian dyan." Sabi ni Maqui. Sumimangot siya. "Tangina niyo ako lang single dito ah!"

"Oi single din ako." Ani Maris at umikot ang mata. Napatingin ito kay Iñigo na busy mag cellphone. Mas lalong napairap si Maris.

"All set na?" Elmo asked as he started driving.

"O pray muna guys." Julie Anne said as she led the prayer. Taimtim din naman na nanahimik ang mga ito habang nagsisimula na magdasal si Julie Anne. Once done, Iñigo approached the car's radio. Pumagitna pa ito kay Barbie at kay Jak na agad namang sumimangot.

Asungot kasi 'to si Iñigo.

"Okay game ako may hawak ng aux cord!"

"Ano naman papatugtugin mo?" Nadine asked as she had her arms crossed. "Ayoko ng jeje ah!"

Mamma mia, here I go again
My my, how can I resist you?
Mamma mia, does it show again
My my, just how much I've missed you?

"Take it away bes!" Sigaw ni Maqui.

Yes, I've been brokenhearted
Blue since the day we parted
Why, why did I ever let you go?

Julie sang. Ang buong kotse ay sabay sabay nang kumakanta.

"O solo ni Barbie!"

"Utang na labas!" Maqui yelled.

Saka naman nagtawanan ang mga tao. Pero kung anong energy ng mga ito ng simula ay siyang sunod sunod na bagsak sa tulog ang nangyari.

Natatawang tiningnan ni Elmo ang mga tao sa likod mula sa rear view mirror.

"Look Didi, they all fell asleep."

Lumingon naman si Julie. Ang cute lang dahil si James at Nadine ay magkayakap na nakatulog habang si Barbie naman ay pareho ang pwesto kay Jak.

Si Iñigo ay solo ang pinaka back seat habang si Maqui at Maris naman ay magkayakap.

Nasa mahabang high way naman na sila papuntang Batangas.

Julie took a picture of their friends sitting at the back before letting the camera face her and Elmo. She moved closer to her boyfriend's face before kissing him on the cheek and then snapping the picture.

"Sarap naman non." Elmo said, glancing at her way for a moment before looking back at the road. "Isa pa nga."

Natatawang lumapit si Julie Anne at muling hinalikan sa pisngi si Elmo. "I love you." She whispered.

"Tindi ah." Elmo replied and smiled.

There was a few more miles to go. "Didi wag mo ako tulugan ah." Elmo said as he gripped Julie's lap.

"Ang clingy!" Ani Julie. "Fine di ako matutulog. Kakanta na lang ako okay? At tumigil na ang DJ. Borlogs na." Lumingon ulit si Julie sa likod at si Elmo naman ay sumilip sa rear view mirror. Ayun, tulog pa rin talaga sila. Si Iñigo nga walang ginawa kundi humilik.

At first Julie was only humming until she started singing too.

Di biro ang sumulat ng
Awiting para sayo

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon