"Tangina dala ko alak!"
"Nasa akin tsitsirya!"
"Ito na karaoke!"
Kahit lumuluha ay napangiti si Julie nang mga kaibigan.
Nakatambay sila ngayon sa condo ni Maqui. Emergency inuman kung tutuusin.
"Hoy ang kapal ni Elmo naiinis ako." Ani Maris habang kumakain ng Nova chips. Nakaupo na ito sa may sofa at nakaindian seat pa habang sila Maqui at Nadine ang naghahanda ng mga kakainin sa may kusina.
Si Julie naman ay nakayakap kay Barbie na nakayakap din sa kanya. Sa kabilang sofa naman sila nakapwesto.
"Windang ako nung nakita ko yung post!" Sabi ni Barbie habang hinahaplos buhok ni Julie Anne. "Akala ko may kamuhka lang si Elmo kaso nakatag si gago!"
"Teka teka hindi pa natin alam ang buong istorya." Sabi naman sa kanila ni Nadine na siyang dinadala na ang pagkain sa may lamesa sa gitna ng living room ni Maqui.
"Girl ano pa bang kwento gusto mo! Ang linaw linaw nung post!" Nayayamot pa rin na sabi ni Barbie.
Tumabi naman si Maqui kay Julie at inikot din ang braso sa balikat ng babae.
"E teka teka." Sabi pa ng nauna. "Baka naman kasi epaloid lang talaga ito si Whitney?! Tapos kunsintidor pa tong bestfriend niya?!"
"Sabagay..."
"Ang epal lang talaga though?" Naiinis na sabi ni Nadine habang binubuksan ang mga bote ng beer para sa lahat. "To think na itong si Heather pa na best friend ang nag post?"
She was looking at the picture on her phone.
Actually all of them were looking except for Julie. Ayaw na niya makita pa yung picture kahit na wala naman ginagawa si Whitney at Elmo kundi tumingin sa camera.
"Panget nung babae." Asik ni Maris.
Julie rolled her eyes. "Wag na tayo maglokohan guys ang ganda niya kaya."
"Mas maganda ka pa rin bes wag din tayo maglokohan dito." Sabi naman ni Maqui habang kumakain ng chips.
"Where's the lie." Nadine smirked.
Tumango tango naman si Barbie at ngumiti kay Julie Anne. "Totoo yun ghorl. Mayaman lang siya."
"Mayaman din naman ito si Julie." Maqui smirked. "Kung alam niyo lang..."
"I'm all of those things but my boyfriend still isn't answering my calls. And he's with her." Mababaliw na ata si Julie. Ayaw niya isipin na kasama ni Elmo ang babae.
Kanina pa nga siya tingin ng tingin sa sariling telepono nang maramdaman na hinila ito ni Nadine palayo.
"Stop looking at your phone. Alam mo ang gagawin natin? Magsasaya!"
"Party!!!!" sigaw ni Maqui at pinindot ang play sa remote ng kanyang bluetooth speaker.
Masaya silang sumayaw habang tumutugtog ang kanta.
"Inom pa!!!!"
Maris yelled.
Tumawa si Julie. At least kasama niya ang mga kaibigan. She gulped more of the beer and danced together with them all.
Muli niyang tiningnan ang telepono na pinatay na din ni Nadine.
At the moment, she didn't fucking care.
"Karaoke!" Tawag ni Barbie na inaangat na ang mic na meron doon si Maqui.
Kaso agad naman na hinila ng huli ang mic mula sa kamay ng nauna.
BINABASA MO ANG
Utmost Feeling
FanfictionSometimes we don't feel anything at all. But when we do, it is to the greatest extent...utmost, if you will.