Chapter 5

1.1K 60 61
                                    

“Araw gabi tayong dal'wa…” Julie hummed as she got out from the shower.

Buti hindi siya naging grapes sa tagal niyang naligo. Medyo mainit kasi ang panahon kaya masarap talaga magbabad sa ilalim ng tubig.

She walked in her closet and chose some fresh clothes. Mahirap na baka papawisan siya kapag nasa  eskwelahan mamaya.

First time pa man din niya makikilala ang iba pa niyang mga makakatrabaho.

She settled for a peach flowing dress and a pair of doll shoes.

Muli niya tiningnan ang sarili sa salamin at ngumiti. She cleaned up good.

Saka niya nakita ang telepono niyang umiilaw, sinasabing may mensahe siyang dumating.

Elmo The Didi:

Maliligo pa lang ako wait lang.

Napaikot na lang ang mata ni Julie. Mabuti na lang maaga pa ang oras.

Napagdesisyunan niyang tumambay muna sa lobby dahil kapag nanatili siya sa loob ng apartment ay baka masyado siya ma relax. Pwede naman siya mag phone phone muna eh.

Deretso na siyang bumaba sa ground floor.

Kasabay pa niya ang ibang nakatira sa building. Kaso wala naman siya mabati o makausap. Masyado busy ang mga ito na nagcecellphone.

Nang makalabas ng elevator ay dumeretso na siya sa mga sofa malapit sa entrance.

“Hi Mam Julie.”

Napa-angat ng tingin si Julie Anne at nakita na si Kuya Jose pala ito, ang butihing security guard ng building nila.

“Good morning po Kuya Jose.” She greeted as she  placed her bag beside her on the sofa. Nginitian pa niya ulit ang nakatatandang lalaki.

“May pasok kayo mam? Linggo po ngayon ah.”

“Orientation po kasi sa aming mga guro.” Julie answered.

Tila ngulat naman si Jose sa sinabi niya. “Teacher po pala kayo mam? Saang school?”

“Sa Xavier Academy po.” She replied.

“Ah! Yayamanin mga bata doon grabe.” Naiiling na lamang na sabi ni Kuya Jose.  “Saan na po pala yung nobyo niyo?”

Julie raised a curious eyebrow. “Nobyo po?”

“Boyfriend po mam.” Ngisi pa ulit ni Jose.  “Nakalimutan ko na galing nga po pala kayo sa America.”

“Ah, hindi po. Alam ko po kung ano ang nobyo.” Natatawa na turan ni Julie Anne. Lumaki nga siya sa America pero alam naman niya kung ano ang nobyo. Ang kaso lang, hindi niya alam na may boyfriend pala siya?

“Ah eh, yung gwapong lalaki na lagi nakamotor mam?”

Tsismoso pala ito si Kuya Jose.

“Ah, yon? Hindi po Kuya. Alalay ko lang po yon.” She laughed. Ayun na ata yung magiging script iya kapag tinanong siya kung sino si Elmo.

“Ang gwapo naman ng alalay mo mam.” Tawa pa ulit sa kanya ni Kuya Jose.

Isang marahan na tawa lang din ang sagot ni Julie nang maramdaman na nagv-vibrate ang telepono niya sa loob ng kanyang bulsa.

She brought it out and saw that Elmo had texted her again.

Elmo The Didi:

Nandito na ako sa labas ng building.

“Ay ayan na pala siya mam eh.” Ani Kuya Jose habang nakasilip sa labas.

Julie grabbed her bag and smiled again the guard.  “Thanks Kuya!” She said before exiting through the glass doors which Jose opened for her.

Nakaupo lang si Elmo sa kanyag motorbike, nakasuot ng shades at brown na jacket. 

Hay ang gwapo talaga.

“Good morning Didi.” She greeted. Her smile bright.

Ngumisi si Elmo, halatang nagpiipigil ng ngiti.

“Wag mo na pigilan. Yii mags-smile na yan.” Julie teased.

Pero pinipigilan pa rin ni Elmo kaya bagkus na ngumiti ay ngisi lang talaga ang naipapakita ng ngiti nito. He gave her the extra helmet he had.

“Tara na, baka ma-late tayo.”

“Ay? E sino may kasalanan?”

“Ako.” Elmo smirked but put on his own helmet.

Inikot ni Julie Anne ang mga mata at sumampa na sa likod ng motorbike ng lalaki. Napalingon pa siya ulit  sa may entrance ng buildiing at nakitana nginingitian sila ni Kuya Jose.

Deretso naman na sila sa university at nakita ni Julie na kumpara kahapon ay mas madami ang nakikita niyang tao.

Panigurado ito ang magiging katrabaho niya sa taon na ito.

“Didi amin na yung helmet.” Elmo said as he removed his own.

Hinubad naman ni Julie ang sinasabing helmet ni Elmo bago inayos ang buhok. Saka siya muling napatingin sa lalaki.

Hindi niya natiis ang matawa.

“Ano ba yang buhok mo Didi.” She teased bago lumapit para ayuin ang buhok ni Elmo.

Tayo tayo na kasi ito kaya naman sinubukan niyang suklayin gamit ang kamay.

“Hoy bawal PDA dito.”

Napatingin sila sa nagsalita at nakita na si Maqui pala  ito.

“Hi bes!” Julie greeted before kissing Maquis cheek.

“Tara tara excited na ako iparada ka sa ibang teachers!” Maqui said. Saka naman niya hinila ito palapit sa entrance habang si Elmo ay nakasunod lang sa kanilang dalawa.

“Sa court muna ako ah!” Paalam ni Elmo nang madaanan na nila ang hallway papunta sa court.

Sabay na napalingon ang dalawang babae.

Maqui waved it off though. “Osige na go.”

At saka naman naglakad na si Elmo palayo.

Dito naman humarap si Julie Anne kay Maqui.

“Umagang umaga sa court agad?”

“E siya din kasi coach.” Ani naman ni Maqui sa kanya.

Napatingin si Julie kay Maqui.

“Totoo ba?”

“Oo nga.” Natatawa na sabi ni Maqui. “Muhka yang dork at nerd pero magaling maglaro ng bola.”

Hindi natiis ni Julie ang mapangiti kaya natawa si Maqui.

Sabay palo sa kanya.

“Aray ah!”

“Nawewet ka na kasi diyan!” Maqui said.

“Oi grabe hindi ah.” Julie said, defending herself. “Ang cute lang. Kasi muhka siyang geek tapos ganun.”

Maqui rolled her eyes.

“O dali tara na introduce na kita sa iba pa natin na kawork!”

At saka siya dinala ni Maqui patungo sa faculty ng kanilang paaralan.

“Hi Maq! Musta ang summer?” Isang lalaking medyo moreno ang napangiti sa kanila nang papasok sila sa loob.

Pero natigilan ito nang makita si Julie at mahinang ngumiti din.

Kaso siyempre nakita ni Maqui ang mga pangyayari.

“Hoy Kiko wag ang best friend ko.”

“What?” Kiko said innocently.

Pasimpleng pinagmasdan ni Julie ang lalaki. Gwapo ito in that maangas guy kind of look.

“Hi.” Sabi na lang niya dito.

At mula sa pagkakatingin kay Maqui ay nalipat na ang atensyon ni Kiko kay Julie Anne.

“Hello.” He said with a large smile on his face.

“Muhkang gago tigil tigilan mo Kiko.” Sabi ni Maqui. Kaya naman natawa na lang si Julie Anne.

“Gusto ko lang naman makipagkaibigan.” Kiko said innocently.

Dito na inabot ni Julie ang kamay niya at nagpakilala. “Julie Anne San Jose nga pala.”

“Hello hello.” Kiko said. “Kiko Estrada nga pala.” Pagpapakilala nito. And instead of just shaking Julie’s hand, he reached out and kissed her knuckles.

“Hay nako Kiko!” Reklamo ulit ni Maqui.

Ngumisi si Kiko. “Selos ka Maq?”

“Luh, di kita type. Gusto ko maputi.”

“Edi don ka kay Moe, muhkang bangus yon eh!” Natatawa na sabi ni Kiko.

Kahit ayaw magpahalata ni Maqui ay napatingin ito kay Julie na umikot lang ang mga mata.

Siyempre napansin ni Kiko ito.

“Sila ni Elmo?”

“Ui hindi ah.” Mabilis na sabi ni Julie Anne.

Maqui raised an eyebrow. Pero hindi na lang umimik.

“Anyways bes, si Kiko ay isa sa mga Math teacher natin.”

“Nice to meet you.” Julie replied. “Sa music department ako.”

“Good morning people!”

Napatingin sila sa nagsalita at nakita ang isang babae at isang lalaki na pumasok sa loob ng faculty.

Tumigil ang dalawa nang makita si Julie. Pakiramdam niya tuloy para siyang nasa zoo.

Pero siyempre ganun naman talaga kapag bago ka.

“Guys si Julie Anne, best friend ko saka siya magiging bagong music teacher.”

“Ui hi!” Sabi nung lalaki na pumasok. He had a mop of curly hair and had a small face.

May kasama itong babaeng morena.

Kumaway lang naman ang babae pero may ngiti sa muhka.

“Julie, si Iñigo saka si Maris. Si Iñigo music teacher din tapos si Maris sa Science.”

“Hi, hello.” Julie too greeted. Muhkang mga bata pa talaga silang lahat dito.

“Welcome sa Zenith. Wag ka magalala mababait kami dito.” Iñigo said. “Ako bahala sayo kasi same department tayo.”

“Layo layo ka lang diyan kay Kiko matinik yan.” Natatawa na sabi ni Maris.

“Grabe kayo sa akin. I'm a good guy.” Kiko said and smiled.

Magsasalita pa sana si Kiko nang pumasok si Elmo sa loob ng faculty. At matic itong tumabi kay Julie Anne. He was so casual about doing it that the other were now weirdly looking at him.

“What?” Elmo asked.

“Magakakilala na kayo?” Maris asked with a raised eyebrow.

Gusto sana magsalita ni Maqui pero walang lumalabas sa bibig niya. “Lamniyo, di ko din alam eh.” Saka ito natawa.

“Ikaw kaya nagpakilala sa amin.” Pilit ni Elmo.

Julie smirked at that.

“So pare, wala naman kayo relasyon ni Julie?” Biglang tanong ni Kiko.

Elmo scowled at that.

Magsasalita sana ito kaso saktong pumasok sa loob si Nadine at si James.

“Guys deretso na daw tayo sa auditorium sabi ni Dean.” Nadine smiled at them.

They all walked up to the direction of the auditorium.

“Upo na kayo may pinapaayos pa sa akin si Dean eh.” Maqui said.

Magkakatabi sa isang row si Nadine, James, Elmo at Julie.

“Madami din pala kayo no?” Julie whispered as she looked at Elmo.

The latter shrugged. “Hindi naman ganun karami. Kasi kaunti lang din ang students sa high school department. Mahirap kasi pumasa dito.”

Julie nodded her head at that. She took the time to look at the people around her.

Si James saka si Nadine ay busy mag-usap. Sa harap nila ay nagdadaldalan si Kiko at Maris.

Si Iñigo naman ay may kinakalikot sa telepono.

Marami rami pa ang ibang teacher na nandoon na sigurado naman si Julie na makikilala niya.

“Sino yon?” Julie asked, nudging Elmo. Napatingin si Elmo sa direksyon kung saan siya nagtuturo bago sumagot.

“That’s Christian. Siya yung Vice Principal natin.”

Christian was a tall and lean man. He had a stoic expression on his face. Bagay ngang vice principal.

“Good morning everyone.” Ani Dean nang makatapak na sa harap.

“Welcome to another school year. Mas marami tayo mga makukuha estudyante na may scholarships so we need the extra man power.” Simula pa ni Dean. “Kaya naman we hired a new music teacher. Everyone, let us welcome Julie Anne San Jose.” Sumenyas ito sa kanya na tumayo kaya naman ayun ang ginawa niya.

She smiled at all of them as she was met with claps.

Muhkang mababait naman ang mga tao dito.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•

Si Iñigo ang kasama ni Julie para sa araw na iyon dahil pinakita nito sa kanya ang kanilang music room.

“Yung ibang estudyante natin mga talentado talaga.” Iñigo said as he stood in the middle of the room.

Julie gazed at the instruments around. Hindi biro ang mga kagamitan ah. Mamahalin ang mga ito.

Julie smiled as she ran her hands though the instruments.

“So ano kayo ni Elmo?”

Nagulat siya sa tanong ng lalaki na nakangisi ngayon sa kanya. It wasn't malicious or anything, just cheeky.

“Kasabay ko siya nakilala kasama si James saka si Nadine. Pati si Barbie na wala ngayon.”

Iñigo chuckled. His hands still crossed in front of him. “May biglaang lakad daw eh. Pero wala lang nga kayo ni Elmo? Sama kasi ng tingin kay Kiko kanina.”

“Abnormal lang yon.” Julie laughed. “Bakit wala naman siguro plano si Kiko?”

Iñigo shrugged. “Ewan ko don. Sama din ng tingin sayo kanina eh.”

Julie rolled her eyes at that. She wasn't at all worried.

Sa Dallas pa lang sanay na sanay na siyang linalandi ng mga kalalakihan pero wala lang sa kanya iyon.

Maya maya lang ay nakatanggap siya ng text mula kay Elmo.

Elmo The Didi:

Uuwi na ako. Wala na ako iba gagawin eh. Sasabay ka ba?

At dahil medyo nakakaramdam na din talaga siya ng pagod ay napatingin si Julie Anne kay Iñigo.

“Do we have other things to finish up?”

“Wala naman na.” Iñigo grinned. “May date ka?”

“Wala ah.”

Iñigo laughed but let her be on her way.

Palabas ng kwarto ay sinagot ni Julie si Elmo na sasabay na siya pauwi. Medyo na drain din siya dahil sa orientation din sa kanya para sa unang araw. Ang susunod na linggo ay ang unang araw pero kailangan na nila mag report sa school para ayusin lahat ng dapat ayusin.

Kanina pa siya nagtext kay Maqui pero hindi nag rereply ang gaga. Oh well sanay naman na siya dito.

Nakita niya sa entrance si Elmo na tumitipa sa telepono.

Napa-angat naman ito ng tingin nang makita siya.

“Uwi na tayo? Or kain muna tayo medyo nagugutom ako eh.” He said.

“Ako din eh. Tara?” Julie asked.

Hanggang sa natagpuan nilanang mga sarili na pumapasok sa loob ng Zing's. Favorite talaga nila ang pumunta doon eh.

“Ako na oorder.” Elmo volunteered.

At talagang hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya dahil alam naman nito ang order niya.

She was busy looking at the curriculum and already thinking of lesson plans for the kids when a guy suddenly walked up to her.

“Hi.”

Inangat niya ang tingin dito at nakitang parang mas bata pa nga ito sa kanya ng ilang taon.

Ngumisi ito.

“Mag-isa ka lang dito?” He asked.

“No.” She answered. Wala siya sa mood. Muhka pa naman preskuhin itong lalaking ito. She then went back to reading and was expecting the guy to walk away but he didn't.

“Sungit mo naman.” He chuckled at linapit pa ang sarili hanggang sa tumatama na ang binti nito sa binti niya. “Samahan mo na lang ak—”

“Didi.”

Napaangat ng tingin si Julie sa boses at nakita si Elmo na papalapit sa kanila habang dala dala ang isang tray.

“Wala na nung cheesecake na gusto mo kaya chocolate cake na lang.” Elmo said. Masama ang tingin nito sa lalaki na katabi ni Julie.

Walang ano ano na lumapit ito kay Julie Anne at pinatakan ng marahan na halik aa labi ang babae. “Gusto mo lumipat ng upuan? May nakita ako sa loft na mas presko.”

Napalayo na lang lalaki nang makita ang ginawa ni Elmo. Saka ang patpatin kasi nito kumpara sa katawan ni Elmo kaya isang sapak lang talaga eh.

“Was he bothering you?” Elmo asked.

Julie shook her head. Medyo gulat pa siya eh. Hindi sila ni Elmo pero ilang beses na niya ito nakahalikan.

“Ganito ba role natin?” She teased with a smile. “Fake boyfriend slash girlfriend ng isa't isa?”

Elmo smiled at her with a shrug. “Pwede din naman.”

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=|=•=•=•=•==

AN; Hallo! Sorry ngayon lang nakapagupdate hahaha! Umuwi kasi best friend ko galing states.

Anywhoo! Vote and comment plith!

Mwahugz!

-BundokPuno<3

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon