Chapter 42

1.1K 56 26
                                    

Nang tumunog ang phone ni Julie ay agad niya itong sinagot kahit na gumagawa siya mg kape.

"Hey."

"Hey. Uhm, tutulong ako mamaya ah. I want to see your house."

Napangiti si Julie. Muhkang bagong gising si Elmo. Halata kasi sa groggy pa rin nitong boses. Ang lalim.

"Sure, after lunch pa naman ang check out namin."

"Sige sige daan ako diyan."

"Okay see you."

She put her phone down and bit her lip. Kilig na kilig siya sa boses ni Elmo. Napakalalim kasi.

Nang humarap ay halos mapatalon siya nang makita na nandon pala si Maqui na nakatayo at nakahalukipkip pa.

"Ano yon?"

"Ha? Anong ano yon?" Maang maangan na tanong ni Julie Anne habang nagsusuklay ng buhok.

Maqui bit the inside of her cheek and showed Julie an amused expression. "So nagkabati na kayo ni Elmo? Kailan ba ang kasal?"

"Kasal ka dyan." Tawa na lang ni Julie. "We're talking about my son. He wants to spend time with Juel as much as possible."

"Bakit hindi kasi kayo magasawa na lang para hindi naguguluhan yung bata?" Ani Maqui habang nagsisimula na magbihis.

Julie looked at her best friend. "Bakit ka ba atat dyan?"

"E muntanga kasi naman yang love story niyo!"

"Gumownin Mama..."

Natigil ang usapan ng magkaibigan nang makita nila ang anak ni Julie na napapaupo sa kama.

Lumapit si Julie sa bata at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

"Good morning baby." She smiled as she hugged Juel. "Hungry ka na?"

"Opo Mama..." Pipikit pikit na sabi ng bata.

Pinaggigilan ni Maqui ang bata.

"Bes ang cute cute talaga nitong anak mo!" Ani Maqui habang hinahalikan sa pisngi si Juel.

Dinala naman ni Julie ang bata sa may kitchen ng suite nila habang nagpupunas ito ng mata.

Pinaupo na niya ang anak sa may lamesa saka tumawag ng room service.

"What do you want baby?"

"Pancake mama pancake!" Excited na sabi ng batang kamuhka ni Elmo.

Ngumiti si Julie at kaagad naman na nagorder ng room service para sa anak. Siya kasi ay hindi masyado gutom.

Usually kape lang naman siya kapag sa umaga.

"Oi bes ako gusto ko hashbrowns!" Sabi ni Maqui na tumatabi sa inaanak sa lamesa.

Julie rolled her eyes. "Opo kamahalan." Saka siya nagsimulang tumawag ng room service.

Maya maya lang ay dumating na ang pagkain at agad naman na pinakain ni Julie ang anak.

Once done, she deposited Juel on the suite couch with his favorite toy ball.

Humahagikhik si Maqui sa isang tabi kaya binatukan ito ni Julie.

"Aray!"

"Bakit humahagikhik ka dyan?" Simangot ni Julie.

Tumawa naman si Maqui. "E kasi ang cute ng anak mo. Mini Elmo o."

"Oo na alam ko! Wag mo na ipaalala sa akin na walang nakuha sa muhka ko." Simangot ni Julie.

Pinagmasdan nila si Juel na humahagikhik lang naman.

Utmost FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon