PROLOGUE

2K 48 6
                                    

Hinihintay ko na ako na ang tawagin para sa secretary position.

"Next!!!" Malakas na sigaw ng lalaki sa loob, mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil ako na ang sunod. Ni hindi pa nga tumatagal ng benteng segundo yung kakapasok lang na babae?!

Dahan dahan akong pumasok sa loob pagkalabas ng babaeng nag aapply kanina na confident pumasok pero pinagsakluban ng langit at lupa nung lumabas.

Seryosong nagcecellphone ang lalaki pero nang maramdaman nya ang presensya ko ay inilagay nya na ang phone nya sa bulsa nya.

"Resume" Mahinang sambit nya habang nakatingin sa salamin at sinusuklay ng kamay ang buhok nya. Ang gwapo naman nito pero mukhang mahangin at babaero. Tss.

Iaabot ko na sana yung resume ko ng tumingin sya sakin at nanlalaki ang matang  napatayo.

"L-L-Laira?!!" Gulat na tanong nya sakin with matching turo turo pa. Ang wi-weird ng mga taong nagtatrabaho sa kumpanyang to. Kanina pa may tumatawag sakin ng Laira eh.

Magugulat tapos ngingiti, yuyuko at babati ng "GOOD AFTERNOON MRS.CUENCOBOULDRE" "HI PO MA'AM LAIRA" "WELCOME BACK PO MRS.LAIRA" na di ko nalang pinapansin.

"Ahm, Sir Marc-"

"Sir?!kelan mo pako naging sir Laira???!"

"Ah-"

"Laira?"

"Lira po ang pangalan ko hindi po Laira" Magalang na tugon ko kahit gusto ko na syang sigawan dahil kanina nya pa pinuputol ang mga sinasabi ko.

"Maupo ka nga Laira, baka kulang kalang sa tulog " Sambit nya, tsaka ako inalalayang umupo.

So kapag umupo ako sasapat na tulog ko?

"Sir, Lira nga po ang name ko, ito po ang resume ko oh nandyan na po lahat" Nilapag ko sa harap nya yung resume ko pero di nya yun pinansin.

"Laira, umamin ka nga.....anong katol ang nahithit mo?" Tanong nya.

"Tsk,Lira nga po-"

"Shit!Si Ken!" Sigaw nya tsaka dali daling kinuha ang phone nya at may i-dinial dito.

"Boss-" Bahagya nyang inilayo yung phone nya sa tenga nya, marahil sumigaw yung kausap nya.

"Eh nandito si Laira.....oo....'di ko alam malay ko ba...sige...." Ibang klase to kumausap sa boss niya ah? Medyo pabalang.

"Ghe ghe...Laira kausapin mo daw" Di pa ako nakakasagot kinuha na nya ang kamay ko at inilagay doon ang phone nya.

Napatingin pa muna ako sa kanya bago ko dahan dahang itinapat sa tenga ko ang cellphone.

"H-hello?"

"Laira! Where the hell have you been?!"

"Huh?"

"Shit!Stay there!"

"P-"

*Tooooot* *Tooooot*

Bastos ah?!

"Akin na yan" Kinuha na ng lalaki yung phone sa akin tsaka nagtanong.

"San ka ba galing Laira? Alam mo bang nung umalis ka halos mabaliw yang si Ken?! Halos lahat ng makasalubong nya dito sa kumpanya tanggal agad sa trabaho? Ilang secretary na din ang natanggal sa loob lang ng isang buwan, Imagine? 8 ang tinanggal nyang secretary sa loob lang ng isang buwan?" Napakunot naman ang noo ko

"Eh Sir,Lira nga po ang name ko"

"Stop the shit Laira!"

"Lira!"

"Laira"

"Lira Montez"

"Laira Buendacourt-Cuencobouldre"

"Lira!"

"Laira!"

"Eh bakit ba Laira ang tawag niyo sakin? Sino ba kasi yun?" Iritado ng tanong ko.

"Ikaw yun! Asawa ka ni Ken! Ano?naumpog ka ba at nagka amnesia?!Lira!Lira!utot mo!" Mabango?

"Sir, nandito po ako para makapag trabaho lang, mag aapply-"

"Alam mo, wag mo na akong lokohin Laira. Nagpakulot ka lang at nagbilad ng kakaunti sa araw pero ikaw yan!Mula ulo hanggang paa! Laira'ng Laira!" So ang dating parang binubully niya ko? Edi si Laira na maganda. Basta cool ako.

"Sir Marcus, kung ayaw nyo pong maniwala Edi wag! Aalis na po ako." Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon.

Shete Pie!!! Kegwapong nilalang. Kung gwapo tong lalaking tong pinipilit na ako yung Laira pwes para sakin may kung anong dating itong lalaking kasalukuyang nakatingin sakin ngayon na mapapanganga ka talaga.

Tumingin sya sa akin tsaka nag tiim bagang.

"Laira!" Sigaw nya kaya napatayo ako nang maayos.

"Boss? Bilis nyo ah? Pinalipad nyo ba kotse nyo?-"

"Shut up Marcus!" Putol nya kay Sir Marcus habang nakatingin parin sakin.

"Ahh-ahm" Tanging naisambit ko, tumakbo sya papalapit sa akin habang may galit na galit na tingin kaya napapikit ako sa takot.

Kakatwang kilala akong siga sa amin pero kinakabahan ako sa presensya nya.

Napaigtad ako sa gulat ng naramdaman kong niyakap nya ko. Heck?! niyayakap nya ko!!!

"Fvck! I missed you" Mahinang sambit nya.

"Let's go home" Bumitiw sya sa yakap tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Laira?" Tanong nya na nagpabalik sakin sa reyalidad. Agad napakunot ang noo ko. Anong miss niya ko? Anong go home? At anong Laira?

Naka drugs ba tong si Koyaaa?

"Lira ang pangalan ko hindi Laira" Kumunot din ang noo niya.

"Tara na"

"No!"

"Ano ba Laira?"

"Hindi ako yun!"

"Stop! You are Laira! My one and only wife and the owner of my heart!" Nabigla ako sa sinabi nya, nakakatouch kasi, pero...

"I am Lira!" Sigaw ko, hinila nya ako pababa hanggang sa nakasakay kami ng kotse nya. Wala syang paki kahit pinagtitinginan na kami ng mga empleyado. Sa paghila nya sakin di ko alam na dito na magsisimula ang pagbuo ng pagkatao ko. Sa paghila nya saking to maraming nagbago at magbabago, at dito nagsimula ang exciting na part ng buhay ko.

~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~

On-Going
WARNING!: matagal mag update ang author pero tatapusin ko ito!

Be Patient,because life is like the sun,tatalon ang kabayo,lalangoy ang isda

Wag mainip kung ayaw mong dalawin ka ni Mojojojo sa panaginip!

I AM LIRA!
Eli_Moon15

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon