Lira's P.O.V.
"Ang tatagal ninyo!"salubong sa amin ni Marcus pagkapasok pa lang namin sa office
"Ba't ang tagal nyo?"tanong naman ni Ken
"May mga bwiset lang kaming nakabangga kanina"sagot ni Anrisse
"Oo nga pala,tinanggal ko sa trabaho yung Ariana na friend nung Lennie,napakasama ng ugali"dagdag ko,tumango lang si Ken at nagpatuloy sa ginagawa
"Tara na Dalya!kanina pa kita hinihintay!"bulyaw ni Cus kay Anrisse
"Wag mo nga akong tawaging Dalya!Lintek ka!"sagot naman ni Anrisse
"Kanina ka pa hinihintay eh!"
"Sinabi ko bang maghintay ka?!"
"Tara na nga!!"nauna nang lumabas si Cus at sumunod naman si Anrisse,kahit nasa labas na sila dinig parin namin ang sigawan at asaran nila,napailing na lang ako
Lumapit naman si Ken at inabot sakin ang mga documents
"Thanks!"ngumiti sya bago bumalik sa trabaho,mukhang masyado syang busy
Habang nagtatrabaho,ilang beses akong napapatingin sa kanya,nagtataka kung bakit di nya ako inaasar nilalapitan o kinukulit ngayon,marahil busy talaga sya
"May kanta yan eh"nagulat ako nang magsalita sya at biglang tumingin sakin
"H-ha?"ngumiti sya ng nakakaloko
"Yung 'ayan ka na naman pasulyap sulyap sakin...lagi lagi nalang paligaw ligaw tingin~-"di na nya natapos ang kanta dahil binato ko sya ng ballpen
"Ewan ko sayo!"bumalik na lang ako sa trabaho dahil sa inis,tatawa pa sya ah?akala ko di na nya ako aasarin,psh!
Dalawang oras na ang nakalipas,ramdam ko na agad ang pagod,tatayo na sana ako upang mag paalam sa kanya na bibili lang ng milktea sa baba ng bigla akong makarinig ng tugtog
Napatingin ako sa kanya,nakatayo na sya ngayon habang nakangiti,inayos nya ang necktie nya habang nakatingin mismo sa mga mata ko,dahan dahan syang lumapit sa kinaroroonan ko kaya napalunok ako,huminto sya sa harap ko at itinaas ang kanang kamay
"Maaari ko bang isayaw ang reyna ng buhay ko?"natameme ako,gusto ko sang sabihin na ang corny nya at ayokong sumayaw pero nang mapatingin ako sa mga mata nya,para bang,sinasabi nitong
Sana....sana pagbigyan ko sya,kaya nakangiti ko nalang tinanggap ang kamay nya na lalong nagpangiti sa kanya,at dun din nagsimula ang kanta
'I found a love,for me~
darling just dive right in~
and follow my lead~'Nang makarating kami sa gitna,sya na mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa balikat nya bago nya hawakan ang bewang ko,hindi ko alam ang gagawin ko
Ni hindi na nga ako makahinga ng maayos at hindi narin ako makakurap dahil sa sobrang kaba
"This is the second time that we dance"napakunot ang noo ko
"B-bakit?"tanong ko,imposible naman diba?na simula pa pagkabata magkakasama na sila tapos pangalawang beses palang sila magsasayaw ngayon kung sakaling si Laira ang nasa posisyon ko
"Diba lagi nalang si Kristoff ang pinipili mo kapag kailangan ng partner sa prom,sa mga event,at bilang escort?kung di ka pa nga nagdebut baka di pa kita maisayaw eh,haha,akala ko noon nahihiya kalang magtanong sa akin dahil masungit ako yung pala sya ang mahal mo"napayuko ako,bakit ba kasi di pa sinabi ni Laira kay Ken na si Kristoff ang gusto nya gayong alam nyang may nararamdaman ito para sa kanya?pero alam ko namang mabuting tao si Laira kaya baka may magandang dahilan sya kung bakit diba?

BINABASA MO ANG
I AM LIRA!
RomantikIm not Laira! I AM LIRA! Kulang ang buong pagkatao ni Lira Montez, napadpad siya sa manila upang maghanap ng trabaho pero pag ibig ang nahanap nya. Mali dahil ito ang nakahanap sa kanya. Bigla nalang may humila sa kanyang napakagwapong lalaki at sin...