Chapter 3-UNWANTED WEDDING

436 23 0
                                    

UNWANTED WEDDING

Laira's P.O.V.

Dumating na ang araw na pinaka kinatatakutan ko...ang araw nang pag iisang dibdib namin ni Ken.

Simula nang magising ako at ngayong minemake up-an ako ay nakangiti lang ako pero di nila alam na nalulungkot ako.

Marami ang nag kakandarapang mapansin ni Ken,maraming nangangarap maging girlfriend at syempre ang maging asawa nya.

Maswerte nga naman kasi ang kung sinong ikakasal sa kanya,bukod sa gwapo,matalino,mayaman,maskulado eh mabuti syang tao kahit napakasuplado.

Napakaproffesional nya rin kung kumilos at napaka Perfectionist,Oo masungit at suplado siya pero pag dating sa akin sa mga nagdaang buwang inanunsyo na ikakasal kami ay naging mas sweet sya.

Noon pa man kasi ay sweet na sya sa akin MINSAN lang kasi madalas sinusungitan nya rin ako,naging triple lang ang sweetness nya ngayon,maswerte ang mapapangasawa nya kaya masasabi nilang maswerte ako,pero para sa akin,hindi ito swerte,o malas at the same time.

Kung pinapangarap sya nang halos lahat ng kababaihan,pwes ako hindi,iba ang pinapangarap ko,ang taong best man pa mamaya sa kasal namin...si Kristoff.

Di ko paring maiwasang mag isip o mangarap na sana mamaya sa simbahan ay sumigaw sya at patigilin ang kasal,pero imposible,napaka imposible.

"Ang ganda nyo po talaga Lady Laira!" Sabi ng make up artist na nagmemake up sakin

"Salamat"

"Bagay kayo nung groom,maganda't gwapo,napaka swerte nyo ho sa isa't isa!" Ngiti na lang ang naisagot ko.

Maswerte ako sa kanya oo,siguro,pero sya?hindi,dahil mahal nya ko pero di ko sya mahal.

Naalala ko na naman si Kristoff,di ko na sya muling naka usap simula nang huli naming pagkikita,iniiwasan nya ba ako?siguro,para layuan ko na sya. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, di sa pagmamayabang pero maganda naman ako ah? mayaman at alam ko sa loob loob ko na di ako masamang tao pero bakit ganon? bakit di nya ako magustuhan?

"Anak..." Bahagya akong nagulat kay Daddy,di ko napansing pumasok sya dito.

"Po?" Pilit ang ngiting tanong ko

Umupo sya sa upuang nasa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko nabigla ako pero agad ding nakabawi.

"Anak.....alam kong di mo gustong pakasalan si Ken,alam ko yun dahil anak kita, alam kong sa bawat pag tango mo sa mga suggestion namin tungkol sa gown, theme,kanta sa lahat lahat ay napipilitan ka lang" Huminto sya saka hinawakan ang pisngi ko

"Maaaring sabihin mo mamaya sa harap ng lahat ang salitang 'I DO' pero alam kong di yun ang sinisigaw ng puso mo,sa mga nag daang araw na nakangiti at ang mga kilos mo'y naaayon sa dapat,ay hindi totoo,maaaring sabihin ng labi mong mahal mo sya at payag kang magpakasal pero iba ang sinasabi ng mga mata mo,patawarin mo ko anak at wala akong magawa para sayo...." Naluluha nang anito

"Napipilitan lang din kami nang lolo mo anak...dahil babagsak ang kumpanya natin if ever..alam mo namang dugo't pawis ang pinuhunan ng mga Buendacourt para sa kumpanya na yun e,Im so sorry Laira my princess" Napangiti ako,kahit nasasaktan akong makita si Daddy na umiiyak ay ngumiti parin ako. Gusto kong umiyak pero baka masira ang make up ko

"It's okay Dad...di naman po ako galit sa inyo ni Lolo,saka wag ka na pong umiyak di bagay sa inyo ang gwapo gwapo nyo eh" Natatawang sambit ko,natawa rin sya

"Oo nga pala,may pictorial pa tayo mamaya" Nakangiting lintanya nya bago nya punasan ang luha nya

"Dad,pwedeng mag request?"

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon