As Laira
Lira's P.O.V.
Pabilog ang lamesa na nakareserve para sa amin,nasa kanan ko si Ken, sa kaliwa ko ang Daddy ni Laira at sa tabi ni Ken at Daddy ni Laira ang Lolo nya.
"So?kamusta ang buhay mag asawa?Laira?Ken?"nilingon ako ng Lolo ni Laira bago titigan si Ken
"Ayos naman ho,kahit po nag iba ang pag uugali ni Laira ay masaya naman ho ang pag sasama namin"saad ni Ken bago ako nakangiting lingunin
"Nag iba?paanong nag iba?"nakangiting tanong din ng Daddy ni Laira
"Hahaha!masyado po syang naging masungit,konting asar ko lang may pasa na agad ako,naging sadista rin ho sya eh,hahaha!"tumatawang aniya kaya nahawa ang dalawa,napairap ako
"Mukhang di lang siya ang nag iba Ken,mukhang pati ikaw rin ah?"natatawang sambit ng Daddy ni Laira
"Hahaha!bakit naman ho?"natatawa paring aniya
"Look,masyado kang naging palatawa ah?di katulad nung mga unang buwan na mag asawa kayo,masaya ka pero iba ang saya mo ngayon "nakangiting sagot ng Daddy ni Laira,napangiti nalang si Ken
"Kasi ho..."hinawakan nya ang kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa,nagulat ako kaya napatingin ako sa mga mata nya
"Kahit na sinusungitan nya ako sa mga nag daang araw,di nya ako iniwan...ulit"sinabi nya iyon ng nakatingin sa mga mata ko,bagamat bulong lang ang huling sinabi nya ay nadinig ko parin
"At bakit ka naman iiwan ng asawa mo Ken?"napatingin ako sa Lolo ni Laira,nakangiti sya kay Ken,nginitian lang sya ni Ken
"Ikaw Laira,akala ko ba hinding hindi ka magpapakulot dahil gusto mo natural lang ang style ng buhok mo,bakit ka nagpakulot?"baling nya sa akin,napalunok ako
"A-actually...."kinakabahan ako pero umaasa akong paniniwalaan nila ako
"Mm?"nakangiti lang silang tatlo habang naghihintay sa sagot ko
"H-hindi po ako si Laira..."nakita ko sa gilid ng mata ko na nakangiting umiling si Ken,nawala naman ang ngiti ng dalawa,YES!MUKHANG NANIWALA SILA!!!
"Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!!"tila kastilyo na gumuho ang isipin ko kanina na naniwala sila sa sinabi ko,napakagat labi ako,bakit pati sila ayaw maniwala?
"H-hindi ikaw si-bwahahahahahahahaha"tawang tawa ang Lolo ni Laira habang sinasambit iyon,hayssst
"Totoo po ang sinasabi ko,hindi po Laira ang tunay kong ngalan,hindi ho ako yun"seryosong dagdag ko kahit pa feeling ko hindi parin sila maniniwala,huminto sila sa pagtawa pero nakangiti parin,tinignan ako ng Lolo ni Laira bago sya sumeryoso at bumulong sa Daddy ni Laira na bahagyang natatawa parin pero nahinto ng bulungan sya ng kanyang ama.
"Kung ganon...anong tunay mong pangalan?"nakangiti pero mababakas ang pagkaseryosong tanong ng Daddy ni Laira,napangiti ako,parang naniniwala na sila
"Lira po"nakangiti silang tumango
"Maniniwala pa ako kung Lara eh"di ko malaman kung biro ba ang sinabi ng Daddy ni Laira kasi natatawa ito pero nakikita ko sa mga mata nitong malungkot sya
"O sige,kunware naniwala kami,kumain na tayo"nakangiting paanyaya ng Lolo ni Laira,nilingon ko si Ken,nakangiti nya akong sinasandukan,wala na akong nagawa kundi kumain nalang
"Mauna na kami apo,alam mo namang masyado na kaming busy sa nag daang mga linggo,marami kaming inaasikaso ng Daddy mo kaya pasensya kana,sa susunod nalang uli"paalam ni L-lolo,tsk,kailangan ko ng masanay na tawagin sila sa kung paano sila tawagin ni Laira.
BINABASA MO ANG
I AM LIRA!
RomanceIm not Laira! I AM LIRA! Kulang ang buong pagkatao ni Lira Montez, napadpad siya sa manila upang maghanap ng trabaho pero pag ibig ang nahanap nya. Mali dahil ito ang nakahanap sa kanya. Bigla nalang may humila sa kanyang napakagwapong lalaki at sin...