Chapter 4-ESCAPED

403 23 0
                                    

Escaped

Laira's P.O.V

Tatlong buwan na rin kaming kasal ni Ken,but sad to say wala pa rin akong feelings para sa kanya. Sa totoo nga ay namimiss ko na si Kristoff,bigla na lang nya akong iniiwasan...dahil ba sa pagtatapat ko yun?

Birthday ngayon ni Tita Anny,Kristoff's Mom invited kami ni Ken kaya naghahanda na kami sa pagpunta. Sana makita ko si Kristoff,alam kong mali to dahil may asawa na ako pero ayoko namang magsinungaling at lokohin ang sarili kong di ko na sya mahal.

Sinuot ko na ang pinatahi kong gown,napaka elegante kong tignan sa salamin,ganito talaga ako noon pa man. Kahit san ako magpunta,lagi akong elegante kung tignan...

Lumabas na ako ng kwarto ko at kinatok si Ken

"Ken!Darling?nakapagbihis ka na ba?" Tanong ko,after nung kasal ilang beses ko syang tinawag na Ken pero ilang beses nya ring sinabi na 'Darling' ang itawag ko sa kanya kaya para matahimik na sya ginawa ko na lang ang gusto nya.

Ang totoo kaya ko sya tinawag na Darling nang kusa dahil narinig ko si Kristoff na tawagin ng 'babe' yung babaeng tinitignan nya sa kasal. Simula non Darling na ang tawag ko kaya Ken,feeling ko nga napakaselfish ko nun eh,parang ginamit ko lang si Ken.

"Yes" Sagot nya kaya binuksan ko na ang kwarto nya,kahit kasal na kami magkahiwalay parin kami ng kwarto,expected ko nga ay dalawa kami sa isang kwarto which is okay lang sa akin dahil nga tanggap ko na na mag asawa kami pero si Ken ang nagdesisyon non.

Tinanong ko pa nga sya the next day about it at ang sabi nya ay alam nya daw na di ko sya mahal kaya hiwalay muna kami ng kwarto tsaka na lang daw kami magsama sa isang kwarto at bumuo ng pamilya kapag natutunan ko na syang mahalin.

That day.....humanga ako sa kanya and at the same time i feel so sorry for him kaya sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat matutunan ko lang syang mahalin.

"You look so gorgeous wife" Nakangiting sabi nya na nagpangiti sa akin lumapit ako sa kanya at inayos ang necktie nya,simula nang sinabi ko sa sarili ko na pag aaralan kong mahalin sya ay lagi ko na tong ginagawa.

"Yoo look so handsome too,Darling" Sambit ko rin na lalong nagpangiti sa kanya

"Let's go?" Tumango lang ako,hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan ako hanggang sa makasakay kami sa kotse.

Pagkarating na pagkarating palang namin sumalubong na agad sa akin ang nakangiting mukha ni Tita Anny,lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Happy birthday Tita,this is my gift for you" Inabot ko sa kanya ang dalawang kahon,isa galing sakin at ang isa naman ay kay Ken.

"Thank you iha" Inabot nya sa maid ang regalo at sinamahan kami papasok sa mansion,maraming bisita pero isa lang ang hinahanap ng aking mata,si Kristoff.

"Wife,wait me here" Paalam ni Ken tumango lang ako at pinanood syang pumunta doon sa mga kabusiness partners nya.

"Ah iha,aalis na muna ako ha?may aasikasuhin lang ako saglit" Tatalikod na sana si Tita nang hawakan ko sya sa braso

"Bakit iha?may kailangan ka ba?"

"N-nasaan po pala si Kristof?" Mahihiyang tanong ko

"I dont know eh,check mo sa garden,sa likod ah?" Tumango ako at nagpasalamat,pumunta agad ako sa likod ng 'Mansion' nila and there i found Kristoff,sitting beside the fountain,may hawak syang beer at mukhang kanina pa umiinom dahil parang lasing na.

Gwapong gwapo sya sa suot na itim na tuxedo na may pulang T-shirt sa loob,nakayuko sya habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa tuhod ganon din ang kanang kamay nyang may hawak na beer.

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon