Lira's life
LIRA
"Miss Montez!" Napatingin ako sa professor ko sa history
"Yes Prof?" Tanong ko habang prenteng nakaupo
"Kanina pa kita tinatawag,nasaan na nakarating ang utak mo?!" Palihim akong napairap,masungit talaga to si Mr.Rodriguez,palibhasa nabusted noon at di na naka pag asawa ngayon.
"Nandito parin po,natutulog nga lang" Nagsibungisngisan naman ang mga kaklase ko kaya napabuntong hininga sya sa galit
"Do you know what is the playing cards?" Tumango ako
"Opo,actually alam ko pong laruin yan" Mayabang na sagot ko,muling natawa ang mga kaklase ko
"Who is the four great king in the history that represents in each deck?" Napaisip naman ako,bakit naman dinamay ni Prof ang mga baraha?tsk!
"Alexander the great sa Clubs,King David po sa...Spade,Charlemagne sa Diamond ay sa heart po pala!and Julius Caesar sya po sa Diamond" Tumango naman sya
"Next time na maulit ito palalabasin kita sa klase ko" Kumibit balikat ako,wrong move,nagalit nanaman sya
"Lahat kayo!mag rerecitation bukas!at ikaw ang unang una Lira!Class dismiss!" Napairap ako,hayst!
"Lira kasi eh!"
"Ano ba yan!"
"Tumutulala kasi!"
"Lintek!"
"Ano ba kasi yan Lira" Tinignan ko sila kaya natahimik sila.
Yan ang epekto ng isang Lira Montez!
Papauwi na ako galing sa school, pinili ko ang mag lakad lakad nalang dahil gusto kong ma kapag isip isip. Hindi kasi ako makapag isip ng maayos kapag nakasakay ako sa sasakyan.
Iniisip ko lang yung sinabi sakin ng kaklase ko kanina
"Mama mo yung kasama mo kahapon sa palengke?"
"Oo"
"Ahh,akala ko ninang or tita mo lang eh,sobrang close nyo kasing tignan kaya naisip ko ring mama mo sya"
"Bakit mo naman nasabing tita or ninang ko sya?"
"Di kasi kayo magkamukha"
Di kasi kayo magkamukha
Di kasi kayo magkamukha
Ilang beses nang may nagsabi sakin nyan. Elementary at high school palang ako sinasabi na sakin yan ng mga classmate ko,lalo na pag kuhaan ng card.Pero ngayon lang ako napa isip,bakit nga ba?
"Ma im here!" Pag eenglish ko habang nakahawak ako sa gilid ng pintuan at tinatanggal ang sapatos ko.
"Walang nagtatanong!" Sigaw nya pabalik kaya bahagya akong napatawa. Di nga kami mag kamukha mag kaugali naman.
Lumapit ako sa kanya
"Bless" Sambit ko hinihintay na iabot nya sakin yung kanang kamay nya para makapag mano ako. Pinunasan naman nya ang kamay nya at iniabot sakin yun. Sakto paglagay ko ng kamay nya sa noo ko eh kinotongan nya ko kaya napadaing ako.
BINABASA MO ANG
I AM LIRA!
RomanceIm not Laira! I AM LIRA! Kulang ang buong pagkatao ni Lira Montez, napadpad siya sa manila upang maghanap ng trabaho pero pag ibig ang nahanap nya. Mali dahil ito ang nakahanap sa kanya. Bigla nalang may humila sa kanyang napakagwapong lalaki at sin...