Chapter 8-THAT BULLSHIT!

459 27 1
                                    

Lira's P.O.V.

Umupo ako sa swivel chair na pag mamay ari ni Ken,malamang kanya talaga to,LAHAT ng naririto.

Binuksan ko ang tablet ko at tinignan ang mga schedule nya ngayong araw. Di parin ako makapaniwala,wala atang oras ang nakalaan para sa pahinga,puro meeting sya buong araw. Tsk! grabe,sigurado akong gagapang to pauwi mamaya dahil sa pagod,hirap palang maging C.E.O. ano?

Syempre pati ako sure na mapapagod,kasama na nya ako sa mga meeting nya after sa board eh

"Lai!"

Pero excited ako sa meeting nya mamaya kay Mister Den Rich,wahhh!artista kaya yun,ano kayang business nya dun?

"Laira!!"

Ang gwapo na nun sa tv pano pa kaya sa persona-

"Laira!!!" Nahampas ko sa noo ni Sir Marcus yung folder na nahawakan ko sa sobrang gulat,siraulo to,sigawan ba naman ako sa tenga.

"Ouchh!!" Daing nya habang nakahawak pa sa noo,tinignan ko lang sya ng masama. Napaka oa,folder lang naman hinampas ko,pasalamat nga siya hindi yung tablet e,o di kaya yung maliit na sculpture ng angel na nakalagay sa mesa.

"Ano ba kasi yun?!"

"Kanina pa kasi kita tinatawag eh"

"Ako tinawag mo?!kelan?!" Inis na tanong ko dahil di ko naman narinig na tinawag nya ako

"Ewan ko sayo!may sasabihin lang ako about kay Ken" Seryoso syang umupo sa upuan na nasa harap ng mesa

"Oh?!" Tanong ko bago muling tumingin sa tablet

"Alam mo ba na nung umalis ka yung sungit ni Ken?naging 20x pa!lahat ng makasalubong nya sa nagdaang buwan puro'YOU'RE FIRED!!!' nung sasalubungin ko nga sana sya dahil kakadating ko lang galing U.S. muntik na akong sigawan ng ganon pero nagulat sya na ako lang pala,hahaha! Lalo pa ng sinabi kong I'll stay here for good,hahaha!tapos ayun nga,nalaman kong..." Napahinto sya at parang nag aalinlangan pa sa susunod na sasabihin,tinignan ko sya na may nagtatanong na tingin

"Nalaman mong?"

"Nalaman kong...tumakas ka...kasama si Kristoff,pero okay na yun. Natutuwa nga ako sa pagbabago nya nung muli kang bumalik eh,nakita mo kanina?he's laughing!" Nakangiti pa sya habang nakatingala na parang inaalala ang nangyari kanina.

"Are you gay?" Tanong ko,nanlalaki ang matang sumigaw sya sa harap ko. Ang daming sinabi kesyo kadiri,eww,yuck,di makatarungan at kung ano ano pa,napa irap nalang ako.

"I was just saying na,noon,oo ngumingiti sya dahil sayo,minsan tumatawa,pero yung ngiti at tawa nya kanina eh hindi katulad noon,saka,gay?! are you serious?! Really Lai? I have a lot of ex'es here and in the america,A LOT!!tapos...gay?! Syempre kaibigan nyo ako since thirdyear high school kaya natutuwa ako sa inyo,at syempre,I CARE! tsk,di naman porket once or twice a year lang ako makauwi dito sa pilipinas wala na akong pake sa inyo,pero,pinapatawad na kita kasi..."

"Kasi?"

"Di mo ba ikinagulat ang sinabi ko kanina?"

"Kanina? ano bang nakakagulat sa sinabi mo kanina?" Nagsalubong ang kilay nya

"Ang sabi ko..." Bigla syang ngumiti

"Im staying here for good!!!" Lumaki at pumorma ng O ang bibig ko

"Talaga?!you're staying here for good?!!" Lumaki lalo ang ngiti nya at tumango tango,parang proud na proud sa nangyayari. Bigla kong inalis ang ngiti ko at tinaasan sya ng kilay.

"Yun ba ang gusto mong sabihin at maging reaksyon ko?" Tanong ko bigla syang ngumuso at umirap,tsh,so gay!natawa ako

"Parang noon nagmamakaawa ka na"Please Marc?stay ka na lang dito?kasama naming mga bestfriends mo,para kumpleto na tayo lagi?"nagpababae pa sya ng tono sa mahinhing paraan

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon