Kinabukasan
Anrisse POV
Tahimik kong nireretype ang mga papeles ng may kumatok sa pintuan ng office namin ni Marcus.
Unfortunately,Iisa lang kami ng office ni Marcus katulad nila Lira at Ken.
Napatingin ako kay Marcus na busy sa pag pagbabasa ng mga kung ano ano tungkol sa trabaho habang suot ang reading glasses niya,lumingon siya sakin ng may seryosong mukha.
"Open it Dalya,Im busy" napairap ako sa tinawag niya sakin,gusto ko sana siyang banatan kaya lang bumalik na agad siya sa ginagawa niya.
Siguro busy talaga siya dahil kahit siya ang boss sa aming dalawa,siya ang nagbubukas ng pinto.
Tumayo na ako at binuksan ang pinto na hindi naman pala naka lock!
Bumungad sa akin ang isang may katangkarang babae na nakataas ang kilay,makapal ang make up,mukha siyang-well straight to the point tayo,she look like a slut!
Tinaasan ko rin siya ng kilay kaya inirapan niya ako,nagulat pa ako ng tinulak niya ako para tuluyan siyang makapasok sa loob.
"What the hell?" Inis na bulong ko,tinignan ko siya ng masama pero hindi siya nakatingin sa akin,dahil dere deretso siyang pumunta sa desk ni Marcus.
Tumaas ang tingin ni Marcus sa babae at bahagya pang umawang ang labi niya
"Stacey?" Takang tanong niya ng makarecover "What are you doing here?" Minsan pang tumingin sa akin si Marcus bago muling balingan ang babaeng-ugh!
"Im here to visit you?" Patanong pang sagot nito "I miss you" Dagdag pa niya bago lapitan si Marcus na nakatayo na ngayon.
"Let's go outside" Tumaas ang kilay ko ng ngitian ni Marcus ang walanghiyang babae "Bakit pa tayo lalabas kung pwede naman dito hmm?" Malanding aniya bago halikan si Marcus sa labi,nanlaki ang mata ko.
"What the?!" Lumapit ako sa kanila at hinila si Marcus palayo sa hali-surot na yun "Can you please get the hell out of here?!" Inis na sigaw ko sa gulat na mukha ng hali-surot
"Hoy babae ka! sino ka ba? ha?! Pwede bang umalis ka dito!" Galit na sigaw niya "Babe,sino ba siya?" Baling niya pa kay Marcus,lalong nag init ang ulo ko sa tinawag niya sa bwiset na lalaking to.
"She's my P.A." Nakangiting sagot ni Marcus kaya tinignan ko siya ng masama,pero nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
Marahas kong binitawan ang braso niya at muling hinarap ang babae.
"Umalis ka na dito Miss,Slut's are not allowed here" Nanlaki ang mata niya at susugurin sana ako ng biglang humarang ang nakangiting si Marcus
"You heard what she say's,get out of here Stacey,please?" Marcus ask gently,as if there's no tension here.
"Please?" he repeated as he walk towards that freaking girl and hold her hand,napaiwas ako ng tingin doon.
Inalalayan niya ito hanggang pinto.
"Okay,maybe next time?" Malanding sabi ng babae,bago halikan si Marcus,malugod at buong NGUSO naman itong tinanggap ng lalaki kaya lumapit na ako doon para itulak ang babae at isara ang pinto.
Hinarap ko agad si Marcus at tinignan ng masama "What?" inosente at nakangiting tanong niya
"Are'nt you aware that PDA is not allowed here in this company? O gusto mong isumbong pa kita?" He let out his mischievous smile
"Isumbong mo,hindi naman ako mapapatalsik bilang presidente ng kumpanyang ito ng dahil lang diyan e" I bit my lower lip to calm my self
BINABASA MO ANG
I AM LIRA!
RomanceIm not Laira! I AM LIRA! Kulang ang buong pagkatao ni Lira Montez, napadpad siya sa manila upang maghanap ng trabaho pero pag ibig ang nahanap nya. Mali dahil ito ang nakahanap sa kanya. Bigla nalang may humila sa kanyang napakagwapong lalaki at sin...