Chapter 25-Sorry

1.4K 74 77
                                    

Sorry...

Lira's P.O.V.

"ANO?!" agad kong tinakpan ang bunganga ni Anrisse "Shhh,wag kang maingay"

Marahas niyang tinanggal ang kamay ko at galit akong tinignan.

"Anong pumapasok sa kukote mo? Saan ka pupunta? Bakit ka pa aalis? Alam ba niya? Bakit mo naisip yan?-"

"Isa isa lang" Putol ko sa kanya, humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot "Una, ito ang magandang desisyon na pumasok sa kukote ko Pangalawa, uuwi na ako sa bahay namin sa probinsya total may naipon na naman ako. Pangatlo, kailangan ko ng lumayo hanggat maaga pa. Pang lima malamang hindi niya alam at Pang anim..."

Napabuntong hininga ako "...Pang anim, feeling ko nagtataka na siya at ayokong hintayin pang dumating ang oras na makita niya ako at si Laira sa iisang lugar at iisang oras, ayoko Anrisse...alam kong magagalit siya sakin at-at sabihin mo nang naduduwag ako ayos lang kasi... talagang naduduwag ako..." Napayuko ako kaya agad niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Dumito ka nalang sa tabi niya at kapag alam mong parating na si Laira tsaka ka na umalis" Napailing ako at seryosong nag angat ng tingin sa kanya.

"Paano ko naman malalaman kung paparating na siya? Napakaimposible ng sinasabi mo" Nakagat niya ang labi niya, parang may gustong sabihin pero nagdadalawang isip.

"Actually..." Panimula niya bago lumunok "...I know where she is" nanlaki ang mata ko, alam ni Anrisse kung nasaan si Laira?!

"Ano?! Bakit di mo sinabi sakin?" Bigla kong hininaan ang boses ko sa pag aalalang may makarinig sa amin

"Eh kasi gusto kong mag stay ka dito sa puder ni Ken" Napapangiwing aniya na nagpasinghap sakin

"All this time Anrisse alam mo na pala? Bakit mo itinago sakin?"

"Kasi nga gusto kong magstay ka dito!" Mahinang singhal niya

"Anrisse naman, kung sinabi mo sakin noon pa hindi sana magugulo ang buhay ko, tahimik sana akong nagtatrabaho at-at-"

"At hindi mo makikilala si Ken..." Pagpapatuloy niya "...hindi mo ba gustong makilala si Ken Lira? Hindi mo ba gusto yang nararamdaman mo ngayon?" Napatahimik ako sa sinabi niya.

"Pero kahit na... sana sinabi mo parin sakin para walang gulo," mahinang sambit ko

"Pero wala namang gulo beshie, nag ooverthink ka lang. May spy ako sa England at bantay sarado niya ang galaw ni Laira mag stay ka nalang dito at kapag nalaman kong babalik na si Laira sa pilipinas, sasabihin ko sayo agad at doon ka na umalis. Please Lira, ito ang mas makakabuti para sa inyong dalawa ni Ken pareho kayong sasaya!" Ngumiti ako ng pilit

"Ito nga ang mas makakabuti pero ito ba ang tama?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama niya at lumapit sa harap ng vanity mirror, ramdam ko ang pagsunod niya "Mag kaiba ang Tama at Mabuti Anrisse, ang mabuti ay parang magnanakaw ka ng pag kain para mabusog ka pero ang tanong..." Hinarap ko siya "Tama ba yun?"

Umiling siya at magsasalita na sana pero inunahan ko siya. "Tama ka, ito ang makabubuti sa amin ni Ken pero hindi naman ito tama. May asawa siyang tao Risse, at sa batas ng diyos ay isang kasalanan itong ginagawa ko."

Muli siyang umiling "Pero si Laira naman ang umalis, siya ang naunang nagkasala dahil may asawa na siy-"

"May kasalanan parin si Ken"

"Wala Lira, baka nakakalimutan mong iniisip niyang ikaw si LAIRA? " Napatigil ako sa sinabi niya, tama ang ipinupunto niya, walang kaalam alam si Ken sa nangyayari.

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon