CHAPTER 2-LAIRA'S LIFE

496 29 0
                                    

Laira's life

Laira's P.O.V

Naglalakad kami nila Ken at Kristoff papunta sa cafeteria at syempre di maiiwasan ang magkabilaang hiyawan at tilian.

Pano naman kasi,itong dalawang kasama ko e mala adonis ang dating,lalo na si Ken kahit di palangiti yan magkatinginan lang kayo laglag na panga mo...para sa kanila pero para sakin,kristof lang sapat na.

Noon palang 3rd year high school ako alam ko nang may nararamdaman na ko para kay kristof,napakabata ko pa nun ano?pero wala eh,Love yun eh mahirap kalaban.

Bata pa lang kami,or should i say simula nang magkaisip kami magkakaibigan na kaming tatlo kaya kahit san kami magpunta magkakasama kami.

Nakapasok na kami sa cafeteria pero di parin nawawala ang nakakabinging sigawan katulad ng

"Ken isang ngiti mo lang sayo na ako!"

"Kristoff!I love you!" Sorry akin sya hehe

"Ang ganda mo Laira!"

Iba't ibang papuri ang nakukuha namin kahit san kami magpunta,at lalo na kay Ken,sya ata ang pinakagwapo sa buong University,pero si Kristof talaga ang tinitibok ng puso ko,but i dont know if we feel the same.

Ayokong umamin,natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin lalo na't di lingid sa kaalaman kong may nararamdaman para sa akin si Ken.

"Laira,anong oorderin mo?" sabay na tanong ng dalawa,napangiti ako,napaka swerte ko sa dalawang to,para ko na silang kapatid,si Ken lang pala,brother tingin ko kay Ken at Lover naman kay Kristof,corny.

"Kahit ano lang" nakangiting sagot ko

Dalawa silang tumayo at umorder kahit di nila sabihin,pinapauna na lagi sila ng mga nakapila,mapababae man o lalaki.

Lumingon sakin si Kristof at ngumiti,oh come on!what a handsome man!
Syempre ngumiti ako pabalik,tinuon na nya ang pansin nya sa order,naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko sa bag ko kaya tinignan ko ito.

Message galing kay Dad

'Laira,you need to go home'

Napakunot noo ako,di nagpapauwi si Daddy kung di importante,bumuntong hininga ako.

'okay Dad,pauwi na po'

Message sent!

"Laira,what's bothering you?" tanong ni Kristof pagdating na pagdating nila,umupo sya sa kanan ko at si Ken naman sa kaliwa ko.

Nakatingin si Ken sa phone nya ng magsalita ako.

"Nag text di Daddy,Pinapa uwi niya ako,importante ata mauna na muna ako ah?" paalam ko sa kanila at akmang tatayo ng pigilan ako ni Ken.

"I'll come with you,Mom texted me to go to your house" seryosong saad nya habang nakahawak sa braso ko,kumunot ang noo ko pero hindi narin ako nagtanong

"Okay" sagot ko tsaka lumingon kay Kristof

"Sorry Kristoff,mauna muna kami ni Ken a?" tango lang ang naisagot nya kaya tumayo na kami ni Ken

~ • ~ • ~ • ~ • ~

Nakarating na kami sa mansion gamit ang sasakyan ni Ken,pagbaba palang namin ng kotse nagsiyukuan na ang mga katulong at bodyguards samin,nagtaka lang ako dahil napakarami naman ata,pwera nalang kung

"Laira apo!" rinig kong sigaw sa may bandang garden

"Lolo!" sigaw ko saka tumakbo papunta sa kanya,niyakap ko sya saka hinalikan sa pisngi

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon